“That’s how they found JC. He’s about to die of dengue fever. Iniwan na siya ng mga magulang niya sa ospital. Ginamot siya ng mag-asawa.When he got better, they adopted him,” dagdag ni Mathias. “Mabilis na naayos ang papeles niya at nadala siya sa Amerika. Naging mabilis din ang adoption process dahil sa napakagandang record ng mag-asawa sa pag-aampon.”
“I’ve had a good life since then,” nakangiting sabi ni JC.
“That’s so amazing,” sabi ni Corrine. Alam niyang hindi lahat ay katulad niya na ipinanganak na masuwerte. Sa katunayan, madalas ipaalala ng kanyang mga magulang kung gaano siya kapalad na ipinanganak siya sa mariwasang pamilya. Alam niyang may mga taong mahihirap at nagugutom. Aktibo rin ang kanyang lolo sa pagtulong sa indigent program ng ospital. Hanggang maaari, sumasama si Corrine sa mga charity events ng kanyang mama. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, nahihirapan pa rin siya minsang paniwalaan na hindi maganda ang buhay ng lahat. Namamangha pa rin siya minsan sa kaalamang kahit na basic necessity ay hirap na makuha ng ibang tao.
Hearing JC’s story fascinated Corrine. Ikinatuwa niya na natagpuan ng lalaki ang mga magulang nito noong mga panahong kailangan na kailangan nito ng tulong.
“JC’s going to be a brilliant doctor like his parents,” pagbibigay-alam sa kanya ni Lolo Monching. He looked proud and excited. Parang may kamay na mariing pumisil sa kanyang puso. Lahat yata ng malalapit na kaibigan ng kanyang lolo ay may anak o apo na magiging mahusay na doktor. Tinapik-tapik ni Lolo Monching ang balikat ni JC. “You should be friends with him. You can e-mail each other, I guess, since he’s staying in the US. You can learn so much from this guy. He can give you good pieces of advice.”
Ngumiti na lang si Corrine at wala nang sinabing kahit ano.
“I don’t really know a lot of advice but sure,” sabi ni JC, kaswal at magaan ang boses.
“I’ll leave JC here with you, Corrine. Entertain him.” Ang balikat naman ni Mathias ang tinapik-tapik ng matanda. “Ipakikilala ko si Mathias sa ilang inimbitahan kong bisita.”
“Ha? Pero, Lolo—” Hindi na natapos ni Corrine ang sinasabi dahil mabilis nang nakalayo ang matanda kasama ang lalaking gusto talaga niyang makasama.
Napapabuntong-hiningang ibinalik ni Corrine ang paningin kay JC na nakita niyang mataman na nakatingin sa kanya. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito at parang may gumugulo rito. Nang makitang nakatingin na siya ay mabilis nitong binura ang confused look sa buong mukha at gumuhit ang isang matamis na ngiti.
Tumikhim si Corrine. Hindi niya gaanong maipaliwanag kung bakit hindi siya komportable na mapag-isa kasama si JC. Naniniwala siya na friendly siyang tao. Mula pagkabata, na-train na siya ng mga magulang kung paano makihalubilo sa lahat ng uri ng mga tao. Hindi iyon ang unang pagkakataon na iniwan siya kasama ang kaibigan ng kapamilya. Kung si Mathias ang kanyang kasama, mas maiintindihan niya ang gaanong kakaibang reaksiyon ng kanyang katawan. Pero bakit parang ang hirap magpakakomportable sa company ni JC?
Hindi pa rin napapayapa ang kanyang puso. Parang may mga paruparo sa kanyang tiyan. Pakiramdam niya ay napakasensitibo ng kanyang balat. Parang unti-unti ring tumataas ang temperatura ng kanyang katawan.
“`Wanna dance?” nakangiting tanong ni JC sa kanya habang pilit siyang naghahagilap ng mga topic na puwede nilang pag-usapan.
“What?” naisagot ni Corrine. Bahagya siyang nagulat at naitanong sa sarili kung tama ba ang kanyang narinig.
Tumingin si JC sa dance floor. May ilan nang pareha ang naroon at nagsasayaw sa isang slow music. Ang ilan, nakilala niyang mga kaibigan at kaeskuwela. Ang ilan naman ay mga kaibigan ng kanyang mga magulang at lolo.
“You haven’t danced and it’s your birthday party. You’ve been busy circling around and meeting all these people,” sabi ni JC. Mas tumamis at nagkaroon ng kaunting panunukso sa boses nito. “You just turned sixteen. Sweet sixteen. You shouldn’t be with your parents or grandparents or with me. You should be with your friends, people your age. You know, having fun and being sixteen.”
Ilang sandali na hindi sigurado ni Corrine kung ano ang magiging reaksiyon sa mga narinig. Parang gusto niyang matawa na gusto niyang mainis. Gusto niyang sabihin na hindi siya nito kilala pero may bahagi rin sa kanya ang parang gustong magpasalamat sa concern nito.
Ibinuka niya ang bibig at akmang may sasabihin pero biglang nablangko ang kanyang isipan nang abutin ni JC ang kanyang kamay at hilahin siya papunta sa dance floor. Nanlaki ang kanyang mga mata nang maiproseso ng kanyang isipan ang plano nitong gawin. Gusto niyang tumakbo palayo o tumanggi pero huli na ang lahat dahil nakapuwesto na sila sa dance floor.
Nanlaki ang mga mata ni Corrine nang abutin din ni JC ang isa niyang kamay at inilagay sa leeg nito. Pagkatapos, inilagay nito ang mga kamay sa kanyang baywang. Hinila siya nito palapit pero hindi nito hinayaan na tuluyang magdikit ang kanilang mga katawan. Mas nawala sa kaayusan ang kanyang sistema sa paglalapit nilang ganoon. Matangkad si JC at kahit na nakasuot siya ng high-heeled shoes, kinailangan pa rin niyang tumingala. Namalayan niyang nakatingin pa rin si JC sa kanya. Pakiramdam niya, hindi na nito inaalis ang mga mata sa kanya. Naiilang siya nang sobra pero nakakaramdam din siya ng kasiyahan at flattery. She realized she was feeling the right feelings for the wrong man. Hindi niya sigurado kung ano ang gagawin para mapigilan iyon. O kung gusto niyang pigilan.
Corrine was mesmerized with JC. His brown eyes were beautiful. Gusto rin niya ang nakikitang paraan ng pagtingin nito sa kanya. Naroon ang adoration at tenderness katulad ng nakikita niya sa mga mata ni Mathias pero may kasama rin iyong kakaibang lambing at paghanga. She loved the way he was looking at her.
Banayad silang gumalaw sa musika, halos wala sa loob. Nananatiling magkasalubong ang kanilang mga mata. Corrine felt their connection. Gusto niyang itanong kung nararamdaman din ba ni JC ang kakaibang damdamin na iyon pero natatakot siya na baka pagtawanan siya nito. She was young, what does she know?
“You’re sixteen,” sabi ni JC sa mahinang boses.
“Yes,” sagot niya. “It’s my birthday party.” Alam niya na lame ang kanyang sinabi pero hindi na niya alam kung paano pa sasagot.
Mas tumamis ang ngiti sa mga labi ni JC. “I’m just wondering if things would change.”
“If...?”
“If you’re a little older.”
Napalunok siya. Hindi niya sigurado kung saan nanggaling ang lakas ng kanyang loob nang mga sumunod na sandali. “I’m not gonna be sixteen forever.”
Nagkatunog ang ngiti nito. “Yeah.”
“I’m gonna grow old and marry—” Napigilan niya ang bibig sa tamang sandali. Hindi niya maintindihan kung bakit pinigilan niya ang sarili. Alam niyang hindi gaanong nagugustuhan ng ibang tao at minsan ay pinagtatawanan siya pero komportable siya kahit na paano sa pagsasabi sa iba ng tungkol sa kanyang pangarap na maging asawa ni Mathias. Bukod sa pagiging teacher, ang makasal kay Mathias ang major aspiration ni Corrine.
Hindi rin niya gaanong maipaliwanag kung bakit nag-iinit ang kanyang mga pisngi.
“Mathias. You’re gonna marry Mathias someday.” Bahagyang nangulimlim ang mukha ni JC. Nabawasan ang kaligayahan sa mga mata nito.
Halos wala sa loob na tumango si Corrine. Pilit niyang hinahanapan ng paliwanag kung bakit bigla na lang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.
“Mathias is a very good man.”
Muli siyang tumango.
“He has a girlfriend, you know.”
Ilang sandali muna ang lumipas bago iyon naiproseso ng isipan niya. Nagsalubong ang kanyang mga kilay. Ilang sandali muna niyang inisip kung ano ang tamang ekspresyon ng mukha niya bago nagawang sumimangot.
Banayad na natawa naman si JC. “You’re prettier than her.”
“Are they serious?” tanong niya. Hindi naman na gaanong nakakagulat ang nalaman niya. Sa mga nakalipas na taon ay nagkaroon ng mga girlfriend si Mathias. madalas siyang nasasaktan pero madalas niyang sabihin sa sarili na siya ang endgame. Silang dalawa ni Mathias ang laan para sa isa’t isa.
“Do you really want to know?”
“Magtatanong ba ako kung hindi? Hindi ka ba marunong mag-Tagalog?” Kanina pa niya napapansin na napakadalang nitong magsalita ng Tagalog. Mukha namang naiintindihan nito ang sinasabi ng lahat.
“Marunong.” Napangiti nang malapad si Corrine dahil sa halatang hindi sanay na magsalita ang binata ng Tagalog. Pilipinong-Pilipino ang panlabas nitong anyo pero base sa pananalita, kaagad na mapapansin ng kahit na sino na hindi ito lumaki sa Pilipinas. Kaagad mapapansin na hindi ito komportable sa pagsasalita ng Tagalog. “It’s okay to laugh at my Tagalog. I get that a lot. I can speak but not fluently. I can fully understand though. I understand five different languages. I’m just not really good in speaking.”
“So basically, Amerikano ka?”
“I have a dual citizenship. My parents didn’t want me to really forget where I came from.”
“Naisip mo bang hanapin ang mga totoong mga magulang mo? Are you bitter about the abandonment?” Walang kaibigan o kakilala si Corrine na ampon kaya hindi niya alam kung ano ang tipikal na nararamdaman ng mga katulad nito. Hindi rin niya gaanong sigurado kung paano pakikitunguhan ang usapin.
“No, I didn’t try finding them. Before my adoption, the authorities tried everything to locate them and failed. I don’t really remember them. Maybe it was the illness or the trauma of them leaving me. My head decided to block them from my memory. Truth is, I never felt the urge. I have a wonderful family. I can’t ask for anything else.”
Kahit na paano ay naiintindihan ni Corrine ang nararamdaman ni JC. Walang puwang na naiwan kaya hindi nito maramdaman ang need na punan iyon.
“Did you ever hate your real parents? Hindi ka ba minsan nagagalit, knowing na iniwan ka na lang nila basta para mamatay?”
“Like I said, I can’t remember anything about them. But they cross my mind once in a while. I had to wonder sometimes. How are they doing? Are they okay? Who are they? Do they ever think of me? Do they believe I’m already dead? I just like to think that they loved me and they didn’t want to see me slowly die so they left. I want to think that they just had no other choice, that they’ve exhausted all options and there’s really nothing they could do. I don’t hate them. I’m not angry. There’s no reason to be angry or sad. Like I said, I have a wonderful family. I have a wonderful, happy life.”
Humahangang napatitig si Corrine sa mukha ni JC. Lumaki ang nararamdaman niyang admirasyon sa binata. He was a very good person.
“Okay, enough about me. We were talking about Mathias and his girlfriend.”
Natapos na ang kanta at ayaw nang sumayaw ni Corrine. Tumigil na siya sa paggalaw at kaagad na nahulaan ni JC ang gusto niya. Inalalayan siya nito papunta sa kinaroroonan ng mga inumin. Kumuha ang binata ng sparkling apple cider.
“Seryoso nga ba ang relasyon nila?” maingat na tanong uli niya. Hindi niya gaanong mapaniwalaan na kaagad niyang nakalimutan ang tungkol kay Mathias.
Nag-alangan sa pagsagot si JC.
Napangiti siya. “Ngayon, concerned ka sa feelings ko? Bakit ko pa kasi tinatanong? Of course, it’s serious. Hindi si Mathias ang tipo ng nakikipagrelasyon na hindi seryoso. He’s always serious and... passionate.” Nalungkot ang puso niya nang malaman na mahal ni Mathias ang girlfriend sa kasalukuyan. Minahal nito ang lahat ng babaeng nakarelasyon. Kinonsola niya ang sarili sa kaalamang balang-araw, mamahalin din siya ng lalaki.
“Mathias is a lucky man.”
“Thank you for saying that,” sagot ni Corrine.
Mataman nitong pinagmasdan ang kanyang mukha. Mas lumala ang nararamdamang pagkailang ni Corrine sa paraan ng pagtingin ni JC sa kanya. Parang ang lalim ng iniisip nito sa kasalukuyan. Mas bumilis ang t***k ng kanyang puso nang haplusin ng libreng kamay nito ang kanyang pisngi. Napakabanayad ng paraan ng paghaplos nito. Nagsalubong ang kanilang mga mata.
“You’re a sweet and lovely girl, Corrine. A princess. You deserve a man who will immediately see you, who will immediately fall in love with you. You don’t deserve to wait until he’s ready to love you. You deserve a guy who will love you fully and wholeheartedly.”
Hindi alam ni Corrine kung paano sasagot sa sinabing iyon ni JC. May munting bahagi sa kanya ang gustong mainis dahil parang walang loyalty ang binata kay Mathias. Ang buong akala pa naman niya ay malapit na magkaibigan ang dalawa. Pero mas nanaig ang parte na nagpapasalamat kay JC. She was deeply moved. Kahit na sino sigurong babae, naghahangad na marinig ang ganoon sa kahit na sino. She was sixteen, a young lady. Mas kailangan niya ng ganoong klase ng encouragement.
“When will I see you again?” Medyo ikinagulat ni Corrine na nanulas sa kanyang bibig ang tanong na iyon. Wala iyon sa loob niya. Kusa na lang lumabas. Parang hindi nga naiproseso muna ng kanyang isipan.
Bahagyang nagkaroon ng lungkot at dismaya sa mga mata ni JC na hindi nilulubayan ang kanyang mga mata. “I don’t know. I’ll be leaving the country tomorrow. Then I’ll be crazy busy with my residency.”
Kaagad umahon ang lungkot sa dibdib ni Corrine. Hindi niya mapaniwalaan at hindi matanggap na iyon ang una at huling pagkakataon na magkikita silang dalawa. Siguro, dapat ay inasahan na niya ang bagay na iyon dahil alam naman niya na hindi nakatira sa bansa ang binata. Sinabi niya sa sarili na hindi siya dapat manghinayang. Baka kapag hindi na niya makita at makausap si JC ay maglaho na ang anumang kakaibang pakiramdam na ginising nito bigla sa kanya.
“Let’s leave it to fate,” sabi ni JC mayamaya.
Kusang tumaas ang isang kilay ni Corrine. Hindi niya inakala na maririnig niya ang mga ganoong salita mula kay JC.
Naging playful ang paraan ng pagngiti nito. “Never underestimate the power of fate and coincidence.”
Natatawang tumango si Corrine. “And perfect timing.”
Naisip niya na kung nakatadhana silang magkita uli, magkikita sila. Sa tamang panahon at pagkakataon.
HINDI rin nagtagal, nalaman ni Corrine na hindi siya ang nag-iisang anak ng kanyang papa. Nalaman niya ang tungkol kay Sybilla. Noong una, inakala niyang may kabit ang kanyang papa. He was being odd and secretive. Nalaman niya na bumili ng isang bahay si Damien at nakarating sa kanya na may kasa-kasama itong magandang babae. Hindi niya mapaniwalaan na kaya iyong gawin ng kanyang papa sa kanyang mama pero teenager pa rin siya at madaling maapektuhan ng kanyang emosyon. Medyo naging paranoid din siya.
Pinuntahan ni Corrine ang bahay na binili ng kanyang papa. Nakita niya ang babaeng sinasabing kabit ni Damien. She was gorgeous and very young. Ilang taon lang siguro ang tanda nito sa kanya. Hindi na niya napigilan ang kanyang emosyon. She could say that it was not the best moment of her teenage life. Noon din lang siya umakto nang ganoon.
Sinampal niya ang babae. Nang mga sandaling iyon, nakalimutan na ni Corrine ang lahat ng magandang asal na itinuro ng kanyang mama. Nakalimutan niya ang bilin na huwag magiging pisikal at bayolente.
“Use your words, sweetheart,” madalas na bilin ng kanyang mama tuwing may ikinukuwento siyang kinaiinisan o nang-aaway sa kanya sa eskuwela.
“Homewrecker!” nagngangalit na sigaw ni Corrine. She hated the fact that her family was not perfect the way she thought it was. She was angry because her family should remain perfect.
Ginantihan siya ng sampal ng babae. Walang pangingimi. Halos mawalan siya ng balanse sa lakas ng pagkakasampal nito. Nasapo niya ang pisnging nasaktan at bahagyang ikinagulat ang pagganti nito. Hindi niya sigurado kung ano ang inaasahan niyang mapapala niya sa pagpunta roon pero nasisiguro niyang hindi ganoong reaksiyon.
Nakabawi na siya at muling sumugod. Hindi nagpatalo ang babae at gumanti. Hinablot niya ang buhok nito at kaagad din nitong hinablot ang kanyang buhok. Masakit manabunot ang babae. Tiniis ni Corrine ang nararamdaman at pinagbuti ang pagganti. Kung hindi pa dumating ang isang ginang na nanay ng babaeng kasabunutan, hindi pa sila titigil sa p*******t sa isa’t isa.
Nang humupa ang tensiyon ay mahinahon silang nag-usap.
“Hindi ako papayag na sirain n’yo ang pamilya namin,” naiinis na sabi ni Corrine. Namasa ang kanyang mga mata pero pinigilan niya ang pagtulo ng mga iyon. Hindi siya magpapakita ng kahinaan sa harap ng mga ito. Tiningnan niya nang masama ang mas batang babae. “Lubayan mo ang papa ko! I can give you money.” Hindi niya sigurado kung paano siya makakahingi ng malaki-laking halaga sa mga magulang pero gagawan niya ng paraan. Epekto ang panunuhol ng mga napapanood niyang palabas sa telebisyon.
Tumaas ang isang kilay ng babae.
“Hija,” banayad na sabi ng ginang. “Alam ko na mahirap para sa `yo—”
“Hindi lang mahirap,” sabi ni Corrine, may garalgal sa boses. “How can you be so okay with this? Your daughter is prostituting herself. Sinisira niya ang isang masayang pamilya.”
“Wait,” sabi ng babae bago pa man makasagot ang ginang. “p********e?” Salubong na salubong ang kilay nito. “Sino ka nga?”
“Corrine. I’m—”
“Damien’s daughter. Corrine Marie Arqueza. Ang prinsesa.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. Parang mas tumindi ang disgusto at galit sa mga mata nito. Her voice sounded so bitter.
“Sybilla, anak—”
Hindi pinansin ng babae na tinawag na Sybilla ang ginang. “Ano’ng inaakala mong papel ko sa buhay ni Damien?”
“Kabit,” walang anumang sagot niya.
Natawa si Sybilla. “Kabit?” Parang bigla ay siyang-siya ito sa narinig mula sa kanya na patuloy ito sa pagtawa. “Ako? Kabit?”
Nagpaliwanag ang ginang bago pa man makapagtanong si Corrine. “Hindi kabit ni Damien si Sybilla, Corrine.”
Nanlaki ang mga mata niya na napatingin sa ginang. “Don’t tell me na kayo po ang kabit ni Papa?”
Tumigil sa pagtawa si Sybilla. Nawala ang lahat ng pagkaaliw sa mga mata nito. Nanumbalik ang galit at pagkamuhi. “Hindi kabit ang nanay ko. Hindi siya kahit kailan magiging kabit ni Damien. In fact, siya ang dapat na nasa lugar ng nanay mo.”
“Sybilla, tumigil ka!”
“Totoo naman po.”
“Sinabi nang tumigil ka!”
Itinikom ni Sybilla ang bibig. Hindi naman malaman ni Corrine kung ano ang iisipin sa naging palitan na iyon. May boses na nagsasabi sa kanya na may mga bagay siyang kailangang malaman kaya nanatili siyang nakaupo at naghintay ng paliwanag. May malakas siyang pakiramdam na mag-iiba nang husto ang ikot ng kanyang mundo.
Humugot ng malalim na hininga ang ginang bago nagsalita. Itinuon nito ang mga mata sa kanya. “Bago ikinasal ang mga magulang mo, nagkaroon kami ng... uh... r-relasyon ng papa mo.” Tumingin ang ginang kay Sybilla na matalim ang mga mata. “Si Sybilla ang naging bunga ng relasyon na iyon. Kamakailan lang nalaman ng papa mo ang tungkol kay Sybilla.”
Ilang sandali muna ang lumipas bago niya naiproseso ang sinasabi ng ginang. She was telling her Sybilla was her sister—her older half sister.