XXI

2155 Words

CHAPTER TWENTY-ONE TAMA BA talagang hinayaan ko ang sarili kong mahulog nang tuluyan kay Carson? Ang akala ko, matapos ng kinahinatnan ng relasyon namin noon ni Ruden, natuto na ako. Mali pala ako. Maling-mali. Mukhang may parating na naman na kabiguan sa `kin. Ang akala ko, alam ko na ang lahat tungkol sa pag-ibig. Bakit ba ako nakampante na hinding-hindi ako mai-in love kay Carson? Tuloy ngayon, ganito na lang ang takot ko sakaling matapos `tong kahibangan ko. Oo, maayos ang lahat sa `min. Natutuwa ako sa mga nadidiskubre ko sa kanya at pati na rin sa sarili ko. Pero ni minsan, hindi naman niya sinabing mahal niya `ko. Hindi niya `ko binigyan ng pag-asa. Kusang umasa ang puso ko. Natatakot akong matapos `tong magandang panaginip na `to. Pinahid ko ang luhang pumatak sa mata ko. Pinag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD