XX

2432 Words
CHAPTER TWENTY OKAY NA sana ang gabi ko. Unti-unti na akong nagiging komportable sa paligid dahil hindi naman ako pinapabayaan ni Carson. Hindi ko lang gusto ang idea na maging si Clarifate ay nandito rin ngayong gabi. Agaw-pansin siya dahil sa ayos niya. Her red backless dress is glittering. Ang lipstick niyang pula rin ang kulay ay pumuputok. At hindi ko gusto ang ideya na sinadya niyang mag-ayos nang gano’n dahil gusto niyang ibalandra ang sarili niya sa harap ni Carson. Hindi ko alam kung mai-insecure o maaawa ako sa kanya. Gusto niya si Carson at wala siyang pakialam kahit mukha siyang aliping sagigilid na aali-aligid kay Carson kahit na nandito ako, kasama ni Carson. Parang ngayon ko napatunayan na ang pagiging desperada, walang pinipiling mukha. Basta desperada, pareho lang masarap ibaon sa lupa. At habang maharot na naglalakad siya papunta sa table namin, ipinagdarasal ko na sana biglang mabali ang cigarette heels niya at humalik siya sa sahig. “Hello, gentlemen,” maharot niyang bati nang maupo siya sa tapat ni Carson. “Huwag mong sabihing wala ka ring ka-date ngayon?” tanong ni Ziggy. “Bakit naman ako magdadala ng date kung nandito naman si Carson?” “Kailan ka pa nagkaroon ng sense of humor?” Clarifate rolls her eyeballs at Ziggy. Lihim naman akong napaismid. “Iba na talaga ang dating mo, Mister,” pabulong na sabi ko at pinagdiskitahan ang steak sa pinggan ko. “May sinasabi ka, Misis?” tanong ni Carson sa akin at bahagyang inilapit ang mukha niya sa akin. “Sabi ko, iba na talaga ang dating mo—” Bahagya kong iniiwas ang mukha ko nang gahibla na lang ang layo ng mukha ni Carson sa akin. Natawa ako. Nakangisi siya. Narinig pala niya ang sinabi ko at pinaglololoko lang ako. “Iisahan mo pa `ko, ha.” Ipinasak ko sa bibig niya ang steak na nasa tinidor ko. Nakangisi pa rin siya habang ngumunguya. “Mukha bang hindi ako satisfied ka-date ang asawa ko?” baling niya sa tatlo. “Hindi ko nga alam kung maiinggit o masusuka ako habang tinitingnan kita, eh,” sagot naman ni Ziggy. “Pero dahil masayang-masaya ka naman, huwag mo na lang kaming pansinin.” “Fate, whatever you’re doing, stop it. It’s annoying.” Carson is serious. At hindi ko inaasahang gagawin niya iyon. Kung ako lang, kaya ko pang huwag magtimpi para hindi patulan si Clarifate. “Why? Because your wife said so?” mataray na tanong ni Clarifate. “Carson, alam ko namang—” “Hindi por que alam mo, ibig sabihin, may karapatan ka nang makialam,” mariing sansala ni Carson. Kitang-kita ko ang pagkatigil ni Clarifate. Para siyang makulit na estudyanteng napagalitan ng teacher. Sa totoo lang? Buti nga sa kanya. “Magkaibigan tayo pero huwag ang asawa ko. Leave my wife alone.” Hinawakan ni Carson ang kamay ko. Nang tumayo siya ay napatayo na rin ako. “Maiwan na muna namin kayo.” Tumango-tango naman si Ziggy habang umiinom sa wine niya. Si Thirdy naman ay nakakrus ang mga braso sa tapat ng dibdib nito. “Bakit tayo umalis, Carson?” tanong ko nang makalayo na kami sa mesa. “Aaminin kong naaasar ako sa Clarifate na `yon pero kayang-kaya ko naman siya sakaling maghamon siya ng away.” Pero biro ko lang iyon. Ayokong masira ang mood ni Carson dahil lang sa nangyari. Dahil lalo lang akong maaasar sa babaeng `yon. “`Yon na nga ang iniiwasan kong mangyari. She doesn’t know what you’re capable of.” Nakuha na rin niyang ngumiti. “Hindi tayo nakasayaw no’ng kasal natin, `di ba? Dito na lang.” Napansin kong nasa dancefloor na kami at nagsasayawan ang ibang bisita. Hindi ko napigilang matawa. Ito pala ang gusto niya. “Okay,” pabuntong-hiningang sabi ko at ikinawit ang mga braso ko sa balikat niya. “Alam ko namang ginagawa mo lang `to para hindi ako tuluyang ma-badtrip sa kaibigan mo na `yon.” He snakes his arms around my waist. “Dahil hindi naman kita isinama rito para masira lang ang gabi mo. Pagpasensiyahan mo na lang siya. Sa susunod, hindi ko na siya palalapitin sa`yo.” “Mukhang hindi pa siya tapos sa `kin. Hayaan mo lang siyang lumapit. Kaya ko pa siyang i-handle. Mukha ring naghahanap siya ng sakit ng katawan. Pwede ko naman siyang pagbigyan.” Carson pulls me closer to him. “Huwag na nga nating pag-usapan `yan. First dance natin `to. Ito ang importante.” “Sa susunod, dalasan mo ang pagyaya sa `king sumayaw. Kahit walang music, kahit hindi ganito ang ayos natin.” “Parang...” Naningkit ang mga mata ni Carson at nakita ko ang pigil na ngisi sa mga labi niya. Tumikhim siya nang tumaas ang isang kilay ko. “Parang kinilig ako ro’n, ah.” Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Painosente naman niya akong nginitian. Sinabi ko lang naman kung ano ang naiisip ko. Ang mahalaga lang naman sa `kin ay siya lang ang kasayaw ko. “Uwi na tayo?” tanong pa niya. “G-gusto mo nang umuwi?” gulat na tanong ko pero agad din akong nakabawi. “O, sige. Pagkakita ko pa lang kay Clarifate kanina, uwing-uwi na `ko, eh.” Natawa si Carson. “Sa bahay na lang natin ituloy ang sayaw,” makahulugang sabi niya. “Pupunta lang ako ng restroom tapos magpaalam na tayo kina Mrs. Valenciano.” “Okay. Bilisan mo lang, ha?” Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa noo. “Hihintayin kita sa table natin.” MABILIS ang mga hakbang na hinanap ko ang restroom. Dahil hindi naman gano’n kalaki ang venue ay hindi naman ako nahirapang hanapin iyon. Ako lang din ang tao kaya siguradong makakabalik ako kaagad. Paglabas ko ng cubicle ay hindi ko inaasahang makitang nakasandal sa lababo si Clarifate. Nakakrus ang mga braso niya sa tapat ng dibdib niya at halatang nagpunta lang siya rito sa restroom para sundan ako. Mukhang hindi pa nga tapos ang gabing ito para sa kanya. Kalmadong lumapit ako sa sink at naghugas ng kamay ko. “Kaya siguro malakas ang loob mo ay dahil ipinagtatanggol ka ni Carson,” sabi niya. Nakaharap kaming dalawa ngayon sa salamin. It seems like Clarifate has mastered on carrying herself very well. But no, I don’t want to be like her. I know beauty is beyond what impresses the eyes. Si Nanay ang nagturo sa `kin n’on. Importante raw ang maging mabait kasi iyon ang nag-a-attract ng puso ng tao. “Hindi ako kailangang ipagtanggol ni Carson dahil kayang-kaya ko ang sarili ko,” kaswal na sabi ko. “Hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami-dami ng mga deserving na babae sa circle na ginagalawan namin, ay isang tagabundok pa ang pinili ni Don Conrad para maging asawa ni Carson.” “Girl, `di lang ako basta tagabundok. Meron akong natapos at marangal ang trabaho ko. Tinuturuan ko ang mga bata sa lugar ko na huwag maging... kagaya mo.” Napamaywang si Clarifate habang nakaawang ang mga labi niya. “Excuse me? Huwag maging kagaya ko? Ako, na kinaiinggitan ng marami? Every girl wants to be like me. I was featured in different magazines. Doesn’t that make me sought-after? I’m beautiful, I’m sexy, and I am rich. Women my age doesn’t have what I have. Pinakasalan ka lang ni Carson para makuha niya ang pinakamataas na posisyon sa kompanya nila. And I don’t think he has plans on falling in love with you. Kaya huwag kang mag-feeling asawa.” “Wala akong pakialam kung anong meron ka na wala ako. Hindi ako sang-ayon na merong standard ang success. Pero matanong nga kita.” Hinarap ko siya at hindi kumukurap na tiningnan sa mga mata. “Meron ka bang nagawa para sa ibang tao na maipagmamalaki mo?” Hindi agad nakasagot si Clarifate. Hindi ko alam kung hindi ba niya naintindihan ang tanong ko o dini-digest pa rin niya iyon hanggang ngayon. But I just don’t care. “Alam ko ang ginagawa mo, Clarifate,” patuloy ko. “Gusto mong ipamukha sa `kin na mas higit ka kaysa sa `kin at hindi kami bagay ni Carson. Gusto mo `kong ilagay sa dapat kong kalagyan but guess what? Alam ko ang halaga ko at hindi ikaw ang magpapasya kung bagay kami ni Carson o hindi. Akala mo lang, mas lamang ka kaysa sa ibang tao pero ang totoo, kailangan mo pang hilahin sila pababa para lang pagtakpan ang insecurity na ayaw mong aminin sa sarili mo. “Nakikita mo ba ang sarili mo? Nakakaawa ka. Kailangan mo pang ipagsiksikan ang sarili mo sa ibang tao. Bigyan mo naman ng respeto ang sarili mo. Kung gusto ka ni Carson, eh, di gusto ka niya. Hayaan mo siyang piliin ka. Dahil kung gusto ka niya, pipiliin at pipiliin ka niya. Hindi ko alam kung ano ang motibo mo sa pakikipaglapit kay Carson pero ano bang pakialam ko ro’n?” Lalong tumilim ang tingin sa akin ni Clarifate. “Sino ka para sabihing nakakaawa ako?” Akmang duduruin niya ako pero maagap kong hinuli ang kamay niya at mahigpit kong piniga iyon. “Wala bang nagturo sa`yo na masama ang manuro? O baka paraan mo `to para ipakita sa iba na hindi ka nila kaya?” Nakita kong namilog ang mga mata niya at ilang sandali pa ay napangiwi siya habang nakatingin sa kamay niyang hawak ko. Mukhang namihasa yatang mam-bully ang babaeng `to dahil hindi pinapatulan. Huwag lang sanang makakarating `to sa mga estudyante at baka isipin nilang may war freak silang teacher. “Let go of me!” Umangat ang isang kamay niya para sana sampalin ako pero nahawakan ko na ang pulsuhan niya bago pa man tamaan ang maganda—ehem—kong mukha. “Pinapaalala mo sa `kin ang ugali ng tipikal na kontrabida sa mga teleserye. Kung makapang-api ka, akala mo kung sino kang may-ari ng mundo. At kapag ikaw naman ang nasasapawan, kung makapanisi ka sa iba ng kamalasang inabot mo, akala mo kung sino kang ipinanganak para kawawain at sagabal ang tingin mo sa ibang tao sa landas mo. Pero kung hindi rin dahil sa`yo, hindi kikita sa mga commercial ang mga TV station. Kaya lang, hindi rin pwedeng sisihin ang mga tao kung tatangkilik sila ng mga banyagang palabas na sa tingin nila ay hindi sila pinaglololoko.” “Bitiwan mo `ko, nasasaktan ako!” asik pa ni Clarifate sa `kin. “Matatanggap ko ang cliché pero para baliin ang logic masabi lang na merong twist?” I grit my teeth. “Umayos ka, Clarifate. Pero parang mas bagay sa`yo ang pangalang ‘Marga’. Hindi ko tino-tolerate ang mga gano’ng teleserye kaya huwag kang umasa na ito-tolerate din kita. Nagkakaintindihan na ba tayong dalawa?” Nang hindi siya tumugon ay diniinan ko ang hawak ko sa mga kamay niya. Impit siyang dumaing. I let go of her eventually. Matalim ang tingin niya sa `kin habang minamasahe ang nasaktang kamay niya. “Sabi sa`yo, mukha lang akong mabait, eh.” “Iiwan ka rin ni Carson. Tandaan mo `yan!” nanlilisik ang mga matang asik na naman niya. “Hindi ko siya pipigilan,” tugon ko sa bored na tono. “`Ayan, sa kagustuhan mong ipamukha sa `kin na dapat akong ma-insecure ako sa`yo, nagmumukha kang kawawa.” Napapadyak pa si Clarifate bago nagdadadabog na lumabas ng restroom. Napatabi ang dalawang babaeng nakatayo sa pinto na halatang kanina pa kami pinapanood. Napabuntong-hininga na lang ako. Parang hiningal ako ro’n, ah. “Pasensiya na, nakita n’yo pa `yon,” kimi ang ngiting sabi ko sa dalawa. Mukhang kaedad ko lang naman sila. Ang isa sa kanila ay chubby at maganda ang kutis habang ang isa naman ay payat at morena. “Gusto ka naming maging friend,” sabi ng chubby nang lumapit silang dalawa sa salamin. “Matagal na kaming may hanash sa babaeng `yon. Akala mo kung sino siya para sabihing magdahan-dahan ako sa pagkain. Akala siguro niya, por que payat siya, siya lang ang may karapatang tawaging maganda.” Naaaliw ako sa facial expression niya. Parang gusto niyang masahin si Clarifate na parang bulok na pudding. “`Tapos ipinagmamayabang pa niya na featured siya sa mga magazine?” nakangiwing sabi naman ng kaibigan nito. “High-class escort naman `yon, sinasabi ko sa inyo.” “Ako nga pala si Nikkita at ito naman ang pinsan kong si Amber. Ikaw ang asawa ni Carson, right?” “Ako naman si Mary Cris.” “Ituro mo naman sa `min `yong ginawa mo,” hirit ni Nikkita. Natawa tuloy ako. TAHIMIK lang ako hanggang sa sakay na kami ni Carson sa sasakyan pauwi. Humilig ako sa dibdib niya at ipinikit ang mga mata ko. Sa tingin ko ay tama lang ang ginawa ko kay Clarifate pero parang naging dahilan lang `yon para mabagabag ng ibang bagay ang isip ko. “Misis, may nangyari ba?” untag ni Carson. “H-huh?” takang anas ko. “Kanina ka pa tahimik. Ayaw mo ba `kong kausapin?” Napaayos ako ng upo. “Hindi naman sa gano’n.” Napalabi ako. “Ang totoo niyan, Mister, meron ngang nangyari. No’ng nagpunta akong restroom kanina, sinundan ako ni Clarifate tapos... `yon.” Gano’n na lang ang pagsasalubong ng mga kilay ni Carson. “Inaway ka niya? Ano’ng ginawa niya sa`yo?” Sabi ko na, eh. Kaso ang hirap ding magtago kay Carson. “Huwag kang mag-alala. Mas marami akong nasabi kaysa sa kanya. Ako pa ba?” mayabang kong sabi. “Sinaktan ka ba niya?” “Sinubukan niya,” pakibit-balikat kong sagot at natawa. “Hindi naman ako gano’n kaapektado. Meron nga akong nakilalang dalawang bagong kaibigan kanina. Sina Nikkita at Amber. Mga inaanak daw sila nina Mrs. Valenciano. Masama raw talaga ang ugali ng Clarifate na `yon, hindi lang sa `kin.” “Pagsasabihan ko na talaga siya.” Pinahilig uli niya ako sa dibdib niya at niyakap na ako nang mahigpit sa pagkakataong `to. “Kung nakita mo lang ang hitsura niya kanina,” napabungisngis pang sabi ko. “Alam kong hindi mo hahayaan na apihin ka niya pero ayoko namang mai-stress ka.” Naramdaman ko pa ang paghalik niya sa buhok ko. “Huwag mo na siyang isipin. Magpahinga ka na.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD