CHAPTER NINETEEN
NAGKAKAPE kami sa kusina habang nagluluto ako. Sinadyang pagpahingahin ni Carson si Aling Virgie para masolo namin ang kusina. Gusto talaga niya nang kami lang kahit hindi naman gano’n kaimportante ang mga pinag-uusapan namin.
“I badly wanted to have the CEO position,” sabi ni Carson.
Kanina ay pinag-uusapan lang namin ang pagbibigay niya ng scholarship sa apo ni Lola Ganda na sponsored ng kompanya nila at napunta iyon sa pagiging CEO niya.
“Hindi naman kaila sa akin na `yong ibang kasosyo ni Lolo, ang tingin nila sa `kin, kagaya ni Dad na hindi kayang magseryoso at hindi kayang umako ng responsibilidad. Siguro dahil sa happy-go-lucky ko na attitude. What can I do? I always have reason to have fun. For someone like me, who’s never been into a serious commitment with another person, pa’no ipagkakatiwala ni Lolo, bilang chairman, ang gano’ng posisyon?
“I badly wanted to prove them wrong. Alam kong ako ang magiging CEO ng kompanya balang-araw pero pinilit ko si Lolo na ibigay na niya sa `kin ngayon. I’ve been under his training for a long time already. Siguro dahil hindi na ako makapaghintay na ipamukha sa board na hindi ako kasing sira-ulo ng tatay ko. Na kaya ko rin ang ginagawa ni Lolo. Ang sabi naman ni Lolo, kung kaya kong maging committed sa kompanya, dapat kaya ko ring maging committed sa isang seryosong relasyon, lalo na sa pamilya. Alam mong ikakasal at ikakasal pa rin tayo sa isa’t isa, right?”
Nakangiting tumango ako.
“Napaaga lang dahil sa pangungulit ko kay Lolo,” he says with a shy smile. “Kung desidido akong maging CEO ng kompanya, kailangang mapagtagumpayan ko ang hamon at maikasal ka sa `kin. Ibinigay rin niya sa `kin ang lahat ng shares niya kaya walang magagawa sakaling tumutol man ang board sa pag-a-appoint sa `kin. That’s one of the perks of having your grandfather the owner and the chairman of the company. I know you hated me. I’m sorry kung napilitan kang magpakasal sa `kin. You’re just twenty-four and—”
“I’m turning twenty-five,” putol ko sa sasabihin pa sana niya. “Of legal age and with my sanity intact. Alam kong darating tayo sa ganito. Hindi man ngayon pero sa malapit na hinaharap. Tinanggap ko na `to dati pa. Nagkaroon ako ng pag-aalinlangan pero alam ko rin sa sarili kong ayokong biguin ang Bianon.”
“At pinili ka ni Lolo dahil alam niyang makakabuti ka para sa `kin. We are married because I am selfish and you are selfless.”
“Sabi ko naman sa`yo, bigyan mo `ko ng kahit ilang anak, bayad ka na, eh.”
Carson chuckles. Hinawakan niya ang isang kamay ko at hinalikan ang likuran ng palad ko.
“Hindi ko ma-imagine ang sarili ko ngayon kung hindi ikaw ang babaeng `yon. Hindi ako ang lalaking pinangarap mong pakasalan pero sisikapin kong huwag kang bigyan ng sakit ng ulo habang mag-asawa tayo.”
Mariing naglapat ang mga labi ko. Pambihira naman. Pinong-pino ang pagkurot na naramdaman ko sa puso ko dahil sa sinabi ni Carson. Kung alam lang niya, hindi nga siya ang lalaking pinangarap ko pero siya naman ang lalaking ayoko nang pakawalan. He makes me want to break my principles just so I could keep him with me.
Hinaplos ko ang pisngi niya. Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko alam kung papaano.
“Salamat. Huwag kang mag-alala. Hindi rin kita bubungangaan habang mag-asawa tayo. Saka hindi kita papanain.”
“Huwag mo rin akong he-headbutt-in.”
“Ay...” Idinikit ko ang noo ko sa noo niya. “Eh, ito? Pwede na ba?”
“Okay na okay sa `kin ang ganito. Thank you for keeping up with me.” Nginitian pa niya ako bago dumampi ang mga labi niya sa mga labi ko.
“Fulfilling ba, Mister?” tanong ko pa. “Nakuha mo na ang isang bagay na matagal mo nang pinaghihirapan, `di ba?”
Umangat ang isang sulok ng mga labi ni Carson.
“Ang akala ko, magiging maayos na ang lahat kapag nakuha ko na ang gusto ko. Mali pala ako. Umpisa pa lang `yon ng araw-araw na stress at pressure sa trabaho. Nag-uumpisa pa lang ako pero minsan gusto ko nang umayaw. Kaya lang hindi ko naman magawang sumuko. Lalo na at may tiwala sa `kin ang mga empleyado at sinusuportahan nila ang leadership ko. It’s enough to keep me going. And you, of course.” Pinisil pa niya ang baba ko. “Kapag sobrang pagod na `ko, alam kong pwede akong tumakbo sa`yo.”
Isinuklay ko ang kamay ko sa buhok niya.
“Oo naman. Asawa mo `ko at pwede mo ring ituring na best friend.”
“MAALIWALAS ang mukha n’yong dalawang mag-asawa. At mukhang okay ang mga bagay-bagay sa pagitan n’yo. I’m quite surprised na wala pang humihirit ng annulment sa isa sa inyo—”
“Cut that, Camya,” saway naman ni Carson.
“Ang alin?”
“The annulment thing. May kumakain dito, o.”
“Nagbibiro lang naman ako,” pakibit-balikat na katwiran pa ni Camya.
“Ayoko ng birong ganyan.”
Nagkatinginan pa kami ni Camya. Nang makahulugan niya akong nginitian ay nagkibit-balikat naman ako.
“Oo nga naman, Ate Camya,” si Chamomile. “Ang sweet-sweet nila tapos isisingit mo `yang mga ganyang bagay.”
“Saka mas nakakakilig kaya sina Kuya at Cris kaysa sa mga nobela mo,” pasakalye naman ni Calla.
“Kay Calla na galing `yan, ha,” dagdag pa ni Chamo. Pagkatapos ay nagtawanan sila. Pigil na pigil ko naman ang mga ngiti ko.
“Totoo ba `yan?” Parang hindi makapaniwala si Camya.
“Dalasan mo kasi ang paglabas sa lungga mo, Ate. Nasa labas ang inspirasyon para makapagsulat ng magandang nobela. `Di ba, Chamo?”
“`Oy, ginagalingan ni Calla, o. Takot mawalan ng allowance siguro.”
“Umoo ka na nga lang.”
“Ipagdadasal ko nga nang mataimtim `yan,” sabi naman ni Camya. “Gusto ko ng babae bilang unang pamangkin.”
“Lalaki nga ang gusto ko,” giit naman ni Carson. Inilagay niya ang kamay niya sa tiyan ko. “Maging lalaki ka, baby. Maging lalaki ka. `Di ba magiging lalaki ka?”
Pabirong hinampas ko ang kamay niya.
“Huwag mo nang pangunahan ang baby. Baka imbes na maging tao, mauwi sa tae.”
Sabay na napa-‘yuck’ sina Calla at Chamo.
“Ikaw, Cris? Kung ikaw ang papipiliin, ano ang mas gusto mo? Girl o boy?” naiintrigang tanong ni Camya sa akin.
I smile shyly.
“Boy. `Yon ang gusto ni Carson, eh. Mahirap na kapag na-disappoint siya. Baka suotan niya ng jersey ang anak naming babae.”
“Pwede naman,” nakangising pasakalye ni Carson.
“ANG akala ko ay rumor lang ang balitang nagpakasal ka na. Your grandfather sure has ways of making things happen, huh. Gano’n pa man, you have a beautiful wife with you tonight.”
Nginitian ako ni Mrs. Valenciano, ang inaanak ni Lolo Conrad sa kasal na siyang nagse-celebrate ng wedding anniversary nila ngayong gabi. Magarbo para sa akin ang party na iyon pero sa tingin ko ay nasa limampu lang ang bisita ng mag-asawa. Ang sabi ni Carson, mga malalapit na kaibigan at mga kamag-anak ng mag-asawa ang imbitado.
Nakahinga ako nang maluwag kahit papaano. Baka kasi pag-usapan lang nina Carson ang tungkol sa negosyo, baka ma-out-of-place lang ako.
“Pasensiya na po kung hindi ako ikinasal sa tradisiyonal na paraan. Iba rin ang trip ni Lolo pero ang mahalaga, tama ang babaeng pinakasalan ko. Mary Cris is not used to this but she’s trying her best for me.” Carson looks at me with adoration.
Gusto ko siyang kutusan sa totoo lang. He’s doing too much for my ego tonight. Hindi ko mapigilang ma-overwhelm pero hindi ko rin pwedeng kalimutan na kailangan naming maging ganito sa harap ng maraming tao. Kailangang maniwala ang mga tao sa paligid namin na normal nga kaming mag-asawa at wala kaming weird na set up.
“Gano’n ba?” Mrs. Valenciano says in surprises. “Sinabi ba ni Carson sa`yo na intimidating ako?”
“H-hindi naman po, Mrs. Valenciano,” tugon ko. “Kayo nga raw ho ang pinakapaborito niyang hingan ng regalo noon pa, eh.”
Napahalakhak si Mrs. Valenciano maging ang asawa nito.
“Tumigil ka nga riyan, Carson. If I know, laging cash ang gusto mong natatanggap.”
“Marami akong nagagawa sa cash, Tita,” katwiran naman ni Carson at nagkatawanan naman sila.
“I like your dress, Mary Cris. It’s just simply elegant,” manghang sabi pa ni Mrs. Valenciano.
Suot ko ang black off-shoulder dress na gawa ni Chamo.
“Thank you po. `Yong sister-in-law kong si Chamomile ang may gawa nito.”
“Napaka-talented talaga ng kapatid mong `yon, Carson.”
“On a serious note,” si Mr. Valenciano. “If you want your marriage to last like ours, always listen to your wife. I don’t know what’s with women but they always know what’s best.”
“Ah, that’s one of the best advices I’ve heard so far,” napatangong sang-ayon naman ni Carson at nginisihan ako.
Pasimple ko naman siyang kinurot sa tagiliran.
“Please enjoy yourselves, lovebirds. Aasikasuhin lang namin ang ibang bisita. See you later, okay?” paalam sa amin ni Mrs. Valenciano.
Nagpasalamat naman kami sa mag-asawa. Nakangiti ako nang sa wakas ay maupo na kami sa table namin. Pero sana ay hinay-hinay lang si Carson sa pagpapakilala sa akin sa mga kakilala niya. Kahit na nga ba mabait naman sina Mr. and Mrs. Valenciano ay nanginginig pa rin ang mga tuhod ko sa kaba. Hindi ako sanay na humarap sa mga malalaking tao, sa totoo lang.
“Brother!”
Kitang-kita ko ang pagngiwi ni Carson nang malakas siyang tapikin ni Ziggy sa likod. Dumating na rin ito kasama si Thirdy at mukhang wala silang kasamang date. Tumayo si Carson at malakas na tinapik si Ziggy sa tiyan. Napaubo si Ziggy at napangiwi.
“What’s up, Brother? Na-miss n’yo `ko?”
“Mas masakit `yon.” Kahit nakangiwi ay nilapitan ako ni Ziggy at hinalikan sa pisngi. “Hello, Mrs. Florencio. You look gorgeous in that dress.”
“T-thank you,” nahihiyang tugon ko naman.
“Hello, Mrs. Florencio. You’re simply beautiful.” Thirdy kisses me on the cheek, too.
“Kayo rin.” Hindi ko na naman mapigilang ma-overwhelm. Ang sarap nilang pagmasdang tatlong magkakaibigan. “Bakit wala kayong kasamang date?” tanong ko pa.
“Kilala na kami ni Tita Rita,” sagot naman ni Ziggy. He’s referring to Mrs. Valenciano. “Masyadong hopeless romantic `yon. Ayaw niya kaming nakikitang may kasamang date just because we simply need a companion. Gusto niya, kapag nakita niya kaming may ka-date, sa altar na ang tuloy namin n’on. Ang hassle, `di ba?”
“Kaya imposible siyang maging CEO sa ugali niyang ganyan,” Thirdy says matter-of-factly.
“At nagsalita ang hindi single.”