Umalis na ang members ng Ruvekha at matinding bagyo ang naiwan... We're here at Sandra's room... Hanggang ngayon ay tulala pa rin ako dahil sa mga nangyari. Hindi ako makapaniwala na nagawa 'kong saktan si Vile. Bakit? Pakiramdam ko ay ibang tao ang gumawa. Pakiramdam ko ay hindi ko talaga ginusto ang lahat. Pinagsisisihan ko lahat... Para bang hindi ko na kilala ang sarili ko. Parang may nag-uudyok sa akin na magalit sa kanya at saktan siya. Hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko ay pinaglaruan ang emosyon ko. Ang alam ko lang ay sobra akong nasasaktan ngayon. "Guys, hanggang ngayon masama pa rin ang panahon..." Sabi ni Dexter. "Yeah... Ngayon lang umulan ng ganito kalakas," sabi naman ni Rex. I heard Lola Veron sigh... "It's because a healer died. Hindi ko rin maintindihan, nagi

