Gabi na nang lumabas ako sa kwarto namin para magpahangin. Tulog narin naman kasi si Zacheo dahil napagod yata, kahit kanina palang ay halos natulog na siya sa buong byahe.
Nagbihis lang ako ng short atsaka pinaresan ko lang ng itim na bra sa taas bago dahan-dahang pina-ikot ang door knob ng pinto para makalabas na. Nadaanan ko pa ang babaeng clerk kanina na ngayon ay may kausap na sa phone at ngiti-ngiting nagpapacute sa bago niyang customer.
Naku! Kung ako ang naging manager dito, hindi na siya maaabutan ng isang araw dahil baka natanggal ko na siya sa serbisyo niya.
Hindi ko na lang siya pinansin pa at dumiretso nalang sa labas dahil atat na atat na akong magpahangin. Ang init ba naman kasi sa loob dahil nasira ang aircon at aayusin pa daw mamaya ng maintenance nila.
"Charlotte!" napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Kio sa di kalayuan.
Nakangiti siyang lumapit sa akin habang ako naman ay hindi maipinta ang reaksyon sa kanya. Ayan na naman siya. Kakausapin na naman ako tungkol sa mga walang kwentang bagay.
"Naghanda ako ng barbeque natin doon. Tara!" Aya niya bago hawakan ang kamay ko at hinila ako papunta sa cottage na ino-occupy niya.
Nang makarating kami roon ay nahagilap ko agad ang mga Christmas lights na nakadecor sa upper part ng mga upuan. May lamesa sa gitna at sa ibabaw niyon ay ang mga pagkain na sa tingin ko naman ay hinanda niya. Sa labas ng cottage ay naroon ang lutuan ng barbeque na kalalagay niya lang ng uling para masimulan na raw niya ang pag-iihaw.
Napalatak ako at pinag cross ko ang kamay ko bago siya sulyapan.
"Bukod pala sa pagda-drum at pagmamaneho ng yate, may alam ka ring ganito? Wow!"
Napalingon siya sa akin at mahinang natawa.
"Of course. Besides napakadali lang nitong gawin. Mag-eenjoy ka rin lalo pa't nasa beach tayo." aniya na ngayon ay nagpapaypay na sa barbeque.
Sumulyap uli ako sa lamesa at kinuha ang maliit na BBQ fan roon. Nilapitan ko si Kio at iniabot ito sa kanya.
Napakamot naman siya sa batok niya at hilaw akong nginitian.
"Ang laki mong tanga!" I hissed.
"Grabe kana sa'kin ha," utas niya bago in-on ang fan para makapag-ihaw na.
"Halos kurutin ka na niyan pero hindi mo parin napansing may dala ka palang ganyan? Nagpapakahirap ka pa talaga sa pagpapaypay diyan ha!"
Umiling-iling ako at pumasok nalang sa cottage. Sinilip ko pa ang plastic bag na nakalagay lang sa lamesa. Mga junk foods ang laman niyon. Kumuha lang ako ng isang Piatos at binuksan iyon para kainin.
"Si Zacheo nga pala nasaan?"
"Ayun, tulog parin,.." sagot ko sa kanya.
"Na naman!?"
"Hayaan mo na. Antukin talaga ang isang 'yun,"
Narinig ko ang pagtawa niya kaya hindi ko nalang siya pinansin. Nang maubos ko na ang kinakain ko ay inabot ko nalang ang mineral water sa lamesa at ininom iyon. Ilang minuto rin kaming walang imik sa isa't-isa dahil may ginagawa siya at ako naman ay hindi na nagawang mang disturbo pa.
Napatitig nalang ako sa dalampasigan. Madilim na ang kapaligiran ngunit kitang-kita parin sa di kalayuan ang paghampas ng alon sa baybayin. Dinama ko ang hangin na tumatama sa balat ko. Habang tinatangay ng hangin ang buhok ko, nagulat nalang ako nang may biglang umakbay sa'kin.
Saglit akong natigilan. Nang mapagtanto kong si Zacheo lang pala, ay inirapan ko nalang siya.
"Ba't di mo'ko ginising?" bakas sa boses niyang nairita siya.
Hinarap ko siya. "Ang init eh!"utas ko bago ko tanggalin ang braso niya sa balikat ko. Hindi naman siya nagpatinag at inakbayan uli ako.
"Mainit ba talaga? O tatakasan mo na naman ako?"
I let out a heavy sigh. Nang tanungin niya iyon ay napa-isip ako bigla. Paano nga kong tinakasan ko siya habang tulog siya. Pagkakataon na rin 'yun para makalaya ako mula sa kanya.
Pero bakit hindi ko ginawa? Dahil ba nakalimutan ko? Dahil ba naaawa ako? O dahil kinakain ako ng konsensya ko na pagbigyan na muna siya sa hiling niya?
Hindi naman siya ganoon kasama gaya ng iniisip ko. Na trigger lang talaga ako noong kidnapin niya ako at pagnasaan ng hindi maganda. Sino ba namang babae ang magugustuhan ang ginawa niya? He even cut my connection to Alliyah and Rico. Nasa ospital ang mga 'yun at ang babata pa.
Maiintindihan ko sana kung may dahilan siya sa pagkuha sa'kin pero nang sabihin niyang may gusto siya sakin? Para akong plinantahan ng bomba dahil sa kaba.
"B-bakit naman kita tatakasan..."panimula ko. Doon ay tinanggal niya ang braso niya sa balikat ko at sumandal sa upuan. Nakatingin narin siya sa dalampasigan.
"It's your chance to run away, kasi tulog na tulog ako."
Tumikhim ako. "Kung tatakasan kita, e di sana kanina ko pa ginawa!"
"Oo nga!" Zeo inserted habang nilalatag na sa lamesa ang mga natapos niya na. Napa face palm naman ako ng maalala na nariyan lang pala siya sa tabi at nag-iihaw ng barbeque habang nag-uusap kami ni Zacheo.
"Kung sabagay, may point ka. Nevertheless, baka mamaya o bukas mo gawin, hindi ba?" Wika niya. Kumuha siya ng grilled pork sa plato atsaka kumain na. Binigyan niya rin ako ng hotdog nang mapansing nakatingin lang ako sa pagkain niya.
Ilang minuto rin kaming kumakain ng barbeque bago dumating sina Pierre at Seline. Pierre was smiling towards Zacheo habang si Seline naman ay kimi lang ang ngiting ipinukol sa amin.
"Dude!" Umapair lang siya kay Kio bago inilalayan si Seline sa tabi ko para maka-upo.
"Napapadalas na iyang bakasyon niyong dalawa ah?" Puna ni Zacheo sa kanilang dalawa na ikinanguso lang ni Seline.
Pierre chuckled. Pinagsaklop niya ang kamay nilang dalawa bago binalik ang tingin sa amin.
"We're dating-" hindi niya natapos ang sasabihin niya nang takpan ni Seline ang bibig niya.
"Pwede ba manahimik ka nalang?"
Umiling-iling ang binata habang itinaas nito ang dalawang kamay sa ere. "Okay. Okay, chill lang ano ba?!"
"So, as I was saying kanina..." iminuwestra niya ang kamay niya para ipakilala ako sa kasintahan niya or whatsoever na status nila.
"This is Charlotte. Zeo's mistress!" Aniya at natatawang sumandal sa upuan.
Namilog naman ang mata ko sa sinabi niya. He's rude ha! Sarap e zipper ng bibig niya.
"She's not my mistress! She's my soon to be lover!" Nilingon ko siya nang sabihin niya iyon.
Tumikhim si Kio sa tabi niya. "Bakit hindi pa ba?"
Nahagilap ko naman ang kakaibang titig niya kay Kio na ipinagsawalang bahala ko nalang. Bahala na sila sa iisipin nila sa'kin. I'm not his mistress, he abducted me at wala na akong magagawa roon.
"And by the way, Charlotte. This is Seline Abigail Sanderas. My future wife!"
Nagkatinginan naman kami and when I've seen her smiled at me, I also returned the favor. Knowing me, hindi talaga ako 'yong tipo ng tao'ng namamansin talaga. Pumapansin lang ako kapag inunahan ako. It's just that, nakaka-ilang lang talaga para sa'kin.
Matapos naming kumain at magkwentuhan ay nagpaalam na muna ako sa kanila na maglakad-lakad lang ako saglit sa dalampasigan. Busy rin naman sila sa pag-iinom kaya sinamantala ko na para naman makapag-isa ako.
"Hey!" Napalingon ako sa tumawag sakin. It's Seline. May bitbit siyang alak sa kanang kamay niya.
I smiled. "Bakit?" Tanong ko.
"Gusto mo ng closure?"
Nag-isip pa ako sandali. Closure? Hindi ako mahilig sa ganon pero girlfriend naman siya ni Pierre at mukha naman siyang mabait. Why not, di'ba?
"Sure..."
Inunahan ko na siya sa paglalakad. Siya naman ay nakasunod lang sa'kin. Ninanamnam ko lang ang hangin na tumatama sa'kin at ang hampas ng tubig alat sa aking mga binti.
"Did Zacheo, kidnapped you?" Panimula niya.
Tumango naman ako at binalingan siya. "Did he forced you to date him?" Balik ko namang tanong sa kanya.
"Sort of." She replied. Natawa naman kami pareho.
"Hindi ko talaga maintindihan ang mga pumapasok na kalokohan sa isip nila!" Utas ko.
"I agree. Sometimes men were unbelievable. Kung ano ang gusto nila, nakukuha nila. That's the power of money!"
Money. That's the word their that functions as connection between rich people. They uses money for their likings not for helping people who've encountered poverty in life. Kung sabagay, pera naman nila iyon. Sila ang nagpapakahirap nun' para maiangat nila ang sarili nila. I cannot blame them for that.
"Ang unfair nga eh. Kung bakit pa sa ganoong tao naibibigay ang mga yun', why not for us? Tayo ang mas nangangailangan nun'."
I heard her sigh at huminto sa paglalakad. Ang atensyon niya ngayon ay nakatoun sa karagatan. Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan. She's really beautiful. Walang lalaki ang hindi maaalis ang tingin sa napaka-amo niyang mukha. She's my definition of a goddess. He really stands beauty and perfection.
"Alam mo? Hindi naman lahat ng mayaman ay ganoon. Some of them were poor hearted. I mean, just look at Pierre. Hindi lang halata pero nadiscover ko lately, he donated money in a charity. Hindi ko nga lang matandaan kung ano yun' kasi may nagsabi rin lang sa'kin."
"Then bakit parang inis na inis ka sa kanya tuwing magkasama kayo?" I asked. Ngumiti lang siya ng kimi, tila ba ay hindi siya komportable na pinag-usapan namin si Pierre.
"It's because galit ako sa mga lalaki. Lahat sila manloloko sa paningin ko. I once had a boyfriend. He cheated on me. Sa pinsan ko pa..." Nilingon ko siya. Malungkot ang mga mata niya at nagbabadya ang mga luha sa mata niya.
"Ka kabreak lang namin last month. That day I was very disappointed. Sa kanya, sa pinsan ko at sa sarili ko. Kung bakit kami umabot sa ganon. Ang akala ko pa naman he really love me."
Tumawa siya ng peke."That was all a lie. If he really love me. He would'nt have cheated on me. Ang sabi niya, pagkakamali lang iyon. But damn it! Masakit parin eh." Patuloy niya.
Her tears were falling. Ramdam na ramdam ko kung paano siya nasaktan sa mga kinwento niya. Hindi ko alam kung ano ang masasabi ko.
Hindi rin ako makabigay ng advice dahil magkatulad lang kami ng pinsan niya. Nang-agaw nang may nobya na.
Tumikhim ako para pukawin ang atensyon niya. "Then, paano naman kayo nagkakilala ni Pierre?"
Iyon nalang ang naging tanong ko sa kanya. Curious rin naman ako kaya mas mabuting ganoon nalang ang naitanong ko.
"After I witnessed their betrayal on me. Naglasing ako. I drunk all night na halos nakikisayaw na ako sa kung kaninong lalaki. I planned on having s*x with other men but ended up pulling Pierre accidentally. And then ayun na! We got attached to each other..."
I was very shocked when I heard those statements from her. Ganon siguro kasakit ang naramdaman ni Vivien noong agawin ko si Lucas sa kanya.
Alas nwebe na ng gabi nang matapos kami sa kuno'y barbeque party ni Kio, kahit lima lang naman talaga kami at kunting ihaw lang iyon. Naka-inom lang kami ng kunti dahil may inihanda rin palang alak si Kio. Hindi na nga sana ako iinom pero mapilit eh. Hindi ko rin naman nakitang nagreklamo si Zeo dahil siguro'y nakukulitan narin siya sa kaibigan kaya pinagbibigyan niya na lang.
Pumasok na ako sa kwarto namin habang sila naman ay naroroon parin nag-iinom. Si Seline at Pierre naman ay pumasok narin sa kwarto nila kaya ang naiwan nalang doon sa cottage ay si Zacheo at Kio. Dahil tinatamaan narin ako sa ininom namin kanina ay nagpaalam nalang ako sa kanila na matutulog na. Pumayag naman si Zacheo kaya iniwanan ko na sila at dire-diretso na ako sa pagpasok sa kwarto namin.
Habang nakahiga sa kama, ay hindi ako mapakali. Lalo pa't mula rito ay nasusulyapan ko ang cellphone ni Zacheo sa bed side table ng kama. Lumakas tuloy ang kaba ng dibdib ko. Nagdadalawang-isip ako kung kukunin ko iyon o hindi. Sandali akong lumabas para silipin sila ni Kio sa cottage at nang makita kong busy parin sila sa pag-iinom ay bumalik na ako sa kwarto.
Nanginginig kong pinulot ang cellphone niya at dahan-dahan itong binuksan.
Kumunot ang noo ko nang tuluyan ko na itong mabuksan. His wallpaper is not Sabrina. Ibang babae iyon, na sa tingin ko ay ka edad lang namin ni Vivien. Nakangiti ito habang si Zacheo naman ay nakayapos sa kanya.
May iba pa ba siyang babae bukod sa akin? He loved her? Kung ganon bakit niya pa ako kinidnap. Bakit parang nagpapakita siya ng motibo sa'kin na tila ay gusto niya ako.
Unti-unti kong hinaplos ang pendant ng kwentas ko na ibinigay niya sa'kin. Ano ang ibig sabihin nito? Ginagamit niya lang ba ako? For what?
Hindi ko alam pero parang may ano'ng kumurot sa puso ko. Am I jealous? I gasped. Hindi ako nagseselos. Hindi pwede Charlotte, hindi mo siya mahal okay? Kalma! Pagkatapos nitong island hoping na'to, you'll part ways at magkanya-kanya na.
Mabilis kong pinindot at binuksan ang i********: nang makita ko ang logo sa home screen ng cellphone niya. Agad kong ni log out ang account niya at ni log in naman ang sa'kin. Kinakabahan parin ako dahil sa takot na baka ay bigla akong mahuli ni Zacheo na nangingialam ng cellphone niya.
Hindi ko naman ugaling mangi-alam ng gamit ng iba kaso sa sitwasyon ko ngayon ay pursigido na ako. Miss na miss ko na si Rico. His illness is serious and my mind kept on telling me to assure everything. Kahit pa pinangakuan ako ni Zeo na nasa maayos na kalagayan ang kapatid ko. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya, naroon pa lang ako sa point na hinahanapan parin sa kanya ang tiwala na gusto ko. And it seems hindi ako sure sa kanya.
Pagkabukas ko palang ng account ko ay binaha agad ako ng mga messages from Alliyah and Craig. Inuna ko munang buksan ang message sa'kin ni Alliyah dahil mas importante sa'kin ang kalagayan ng kapatid ko.
alliyahain'tpretty:
Ate! Finally may sponsor na si Rico!!!
Ate?!
Sabi mo bibili kalang ng prutas. Bat antagal mo naman? Natabunan ka ba ng mansanas?
Ate, tinatanong ni Rico bat antagal mo raw?
Napatakip ako sa bibig ko nang mabasa iyon. Natuwa ako nang mabasa ang unang message niya sakin.
alliyahain'tpretty:
Are u okay ate? Nasan ka na ba? Nag-aalala na kami sayo!
Nanginginig ang mga kamay kong nagtitipa nang mga sasabihin ko sa kanya.
Me:
Alliyah! Thank God for the good news! Pasensya at ngayon ko lang kayo na contact. I need to finish something before I could get back to you. I'll promise if I finish this, babalik ako!
Hindi online si Alliyah dahil malamang ay busy iyon sa pag-aaral niya. Freshman siya sa SFU, ang pinapasukan niya. Gusto ko sanang itanong kung sino ang nagbabantay kay Rico habang wala siya when I heard someone opening the door.
Si Zacheo!
Agad kong binitawan ang cellphone niya at ibinalik iyon sa lamesa.
"Akala ko ba matutulog ka na?"
His eyes narrowed on me. Binabasa niya ako. Umiling naman ako habang nagpaypay sa sarili.
"You sure?" Aniya.
"You look tense..."
Tumikhim ako. "I-im fine. Nainitan lang ako!"
Hindi ko na siya nakitang umimik pa sa halip ay dumiretso na siya sa banyo upang magpunas siguro.