Chapter 6

1705 Words
"Sebastian, ikaw na muna ang bahala sa kapatid mo. Aalis na muna kami ng dad mo." Paalam ng mommy ni Sebastian. Parang walang narinig si Sebastian dahil busy itong manood sa tv. Nagkatinginan ang mag-asawa. Hindi na nila inabalang kulitin ang kanilang anak kaya naman tahimik silang umalis. Kasalukuyan naman nagbibihis si Elisha Marie. Aalis rin siya ngayon. Pupunta na naman ito kina Daniela para maglaro. Gusto lang ni Elisha Marie na iwasan ang kuya Seb niya dahil nag-iiba na rin ang kan'yang ugali matapos niyang halikan si Elisha Marie. Palabas na ngayon si Elisha Marie sa kan'yang kuwarto. Hinanap niya muna ang kan'yang Lola para magpaalam. At nang makita niya ito ay kausap ng Lola niya ang mommy at daddy niya. Hinintay niya munang umalis ang mga ito bago niya lapitan ang Lola niya. Minsan kasi ay pinagbabawalan na rin si Elisha Marie na makipaglaro sa mga kaibigan niya at ang gusto ng magulang ni Elisha Marie ay dito sa mansyon na lang niya anyayahahan ang mga kaibigan niya para maglaro. Maya-maya pa ay umalis na rin ang mga magulang niya. Patungo na rin si Elisha Marie sa garden. Nagdidilig kasi ng mga halaman ang kan'yang Lola. Wala magawa ang Lola niya kaya ito ang araw-araw na ginagawa niya. "Lola, lalabas na po muna ako. Pupuntahan ko lang si Daniela." Paalam ni Elisha Marie sa Lola niya. Nagulat pa ang kan'yang Lola nang magsalita sa likuran niya ang kan'yang apo. Inihinto muna niya ang kan'yang ginagawa at kan'yang hinarap si Elisha Marie. "Ginulat mo ko apo. Oh sige, pero dito mo na lang ayain ang mga kaibigan mo. Dito na lang kayo maglaro. Bukas na bukas ay pwede na rin kayong maligo sa pool. Nililinisan pa lang kasi yung pool." Sabi ng Lola Lourdes niya. "Talaga po Lola? Wow Lola, gusto ko po 'yan." Halos lumaki pa ang mga mata ni Elisha Marie habang nagtatalon ito sa tuwa. Kasalukuyan naman nakasilip sa bintana si Sebastian. Nakita niyang tumatalon sa tuwa si Elisha Marie. Umiling lang siya at sabay ngisi niya. "Aalis na naman siya," wala sa sariling sabi ni Sebastian. "Wala ba siyang alam na gawin kundi ang maglaro ng Chinese garter?" Pagkasabi ni Sebastian ay inis na isinara niya ang kurtina. Napatingin si Elisha Marie mula sa bintana ng kuwarto ni Sebastian. Napansin niyang tila may nakamasid doon. Hindi niya sigurado. Basta pakiramdam niya ay gumalaw yung kurtina. "Ano ba ang tinitignan mo doon sa bintana ng kuya Sebastian mo? Ikaw Marie, itigil mo na 'yan. Kapatid mo na siya." Pagalit na sabi ni Lola Lourdes. "Lola, napatingin lang ako roon kasi nga gumalaw yung kurtina." Asik ni Marie. "Alam kong nanonood na naman siya ng p*rn kaya ito nagkukulong sa kuwarto niya. Kunwari pa si kuya. Gusto lang niya ko isamang manood sa kuwarto niya para lang__" Ginulat ni lola si Elisha Marie kaya nawala sa isip niya ang mga nasa isip niya. "Ano ba ang iniisip mo? Iniisip mo na naman ang kuya mo noh?! Makukurot kita sa singit Elisha Marie!" Pagdidiin ni Lola Lourdes. "Lola, aalis na po ako. Babalik po ako mamaya. Ipaghanda niyo na lang po kami ng meryenda ni Daniela." At patakbong umalis si Elisha Marie papuntang ilog. "Grabeng batang ito. Nag-utos pa," sabay iling ni Lola Lourdes. Lihim naman siyang sinundan ni Sebastian. Nakasuot siya ng hoodie jacket at nakashade rin ito upang hindi siya makilala ni Elisha Marie. Sa kan'ya pa naman Ibinilin ng kan'yang mga magulang na babantayan niya ang makulit niyang kapatid. At sa pagsunod niya kay Elisha Marie ay ngayon lang nakatapak si Sebastian dito sa lugar na pinuntahan ni Elisha Marie. Habang naglalakad siya papuntang ilog ay napapansin niyang parang may nakasunod sa kan'ya. Lumingon siya at nakita niya ang magkapatid. Si Daniela kasama ang kuya niya. May dala silang basket at magpipicnic ata ang mga ito. Ngumiti si Elisha Marie nang makita niya ring parating na rin ang iba pa nilang mga kaibigan. Sobrang saya niya dahil kompleto na sila. " Wow! ang aga mo Marie ha. Kumakain ka na ba?" Ani ng kan'yang kaibigang si Daniela "Nahiya akong magsabi na gusto kong kumain. Narito kasi yung kuya ni Daniela. Baka sabihin na naman niya sa akin na napakataw ko." Sa loob loob ni Elisha Marie. "Ah, oo tapos na. Nga pala, gusto niyong pumunta sa mansyon?" Tanong ko sa kanila. Narinig iyon ng iba kaya naman si Aaron ang nagsalita at sumang-ayon. "Ikaw kuya Aaron ah, crush mo lang si Marie eh. Ngayong dalaga na siya ay nagiging papansin ka na." Nahihiyang napatingin si Marie kay kuya Aaron niya. Kaibigan siya ni kuya Clint. Ang kuya ni Daniela. "Crush ko din naman si Marie eh," sabi ni Clint. Kumunot ang noo ni Marie sa dalawang umamin. "Ayaw kong marinig 'yan at bawal kayong pumunta sa mansyon. Bawal ang boys doon. Magagalit ang kuya ko. Kami lang tatlo ni Daniela at Kristel ang pupunta doon." Sabi ni Elisha Marie. "Sinong Sebastian? Yun ba yung kuya-kuyahan mo? Baka pwede rin namin siyang maging kaibigan. Diba Aaron?" Sabi ni Clint. Tiningnan ni Clint si Aaron. Halos ang mga ito ay magkakasing-edad lang. "Hindi rin ako sigurado kung papayag si kuya Seb na maging kaibigan niya ang mga kaibigan ko. Baka magalit sa akin si kuya Seb dahil may mga kaibigan akong lalaki. Baka pagbawalan din niya kong lumabas." Sa loob loob ni Elisha Marie. Naiinip naman si Sebastian mula sa pinagkukublihan niya mula sa malaking puno. Umalis na rin siya dahil naiinitan siya sa suot niyang hoodie jacket. Need niyang maligo ulit kaya naman bumalik itong mag-isa sa mansyon. Nang marating niya ang mansyon ay agad na nagtungo siya sa kuwarto niya. Sakto namang nagriring ang phone niya kaya naman dali-daling sinagot niya ang tawag ng mommy niya. "Mom," sambit ni Sebastian mula sa kabilang linya. "Seb, huwag mong hahayaan na maglaro ang kapatid mo sa labas. Baka uuwe na naman iyon na may galos ang paa niya. Bumili kasi ako ng gamit niyang pang-swimming. Sige iyon lang ang bilin ko sayo." Saka naputol naman ang linya. "Ginawa na ko ni mom na babysitter. Hindi sa lahat ng oras ay mababantayan ko siya. Humanda talaga sa akin si Marie," sabi nito habang mag-isa siya sa loob ng kan'yang kuwarto. "At dahil sa kakulitan mo, mauubos ang oras ko sayo." Dagdag pa niya. Saka nito inihagis ang phone niya sa kama. Isa'-isa naman niyang tinanggal ang kan'yang saplot sa katawan. Halos wala itong itinira nang dumiretso siya sa loob ng banyo. Binuksan niya ang pihitan ng shower. Ramdam niya ang lamig ng tubig na nagmumula roon. Why he is feeling like this? Habang hinahaplos niya ang buong katawan niya ay iniisip niya si Elisha. Nakita na ni Sebastian kung gaano kaganda si Elisha. May picture siyang nakatago sa kan'yang wallet at gabi-gabi niya iyon tinitignan bago siya matulog. Pero biglang sumisingit sa isip niya si Elisha Marie. "Damn it! Why is it that every time I think of Elisha, Marie is the last thing on my mind before I go to sleep?" Wala sa sariling sabi ni Sebastian habang nakapikit ang mga mata niya. Sinasalo ng kan'yang mukha ang bawat pagpatak ng tubig sa shower. At ngayon naman ay nakikita niya si Elisha Marie sa kan'yang isip. "Damn that kiss! She is my first kiss. Bakit siya pa?" Sa loob loob ni Sebastian. Lumipas ang ilang oras. Umuwe si Marie na paika-ikang maglakad. Inalalayan naman siya ni Clint at Aaron. Paano ba naman na hindi iika-ikang maglakad. Nahulog siya sa Puno ng mangga. Mabuti na lang at mababa ang punong naghulugan niya. Nagulat siya sa uod na kumapit sa kamay niya kaya ito nahulog. Tumama ang binti niya sa bato at mukhang na-injured siya. May mga galos din ito sa kan'yang kaliwang binti. Natatakot siya sa kuya Seb niya. Alam niyang magagalit ito sa kan'ya. Handa naman si Marie kung magalit man ang kuya niya. Wala na siyang magagawa pa. Nangyari na eh. Nag-aalala naman si Lola Lourdes sa kan'ya nang makita niya si Marie. Dito siya dinala sa sala ng mga kaibigan niya. Pababa naman ng hagdan si Sebastian na bagong ligo lang ito. Nakita niyang hawak ng isang lalaki ang binti ni Marie dahil ginagamot niya ang sugat nito. "Hey, don't touch her!" Salubong ang mga kilay ni Sebastian. Napatingin ang lahat sa nagmamay-ari ng boses na iyon. Umawang ang ibabang labi nila Kristel at Daniela. Natakot naman si Lola Lourdes dahil galit na si Sebastian. At heto na ang kaba ni Marie. Galit ang kuya Sebastian niya at aktong nakita pa niya na ginagamot ni Clint ang sugat niya. Natakot si Marie sa kuya Sebastian niya. Kinakabahan siya. "Hindi ko naman gustong si kuya Clint ang gumamot ng sugat ko. Pero atleast, naagapan naman ang pagdurugo nito. Takot naman si Daniela at Kristel. Ayaw naman ni Lola dahil nerbyosa rin siya." Sa loob loob ni Marie. "Daniela, Kristel. Umuwe na kayo. Salamat kuya Clint, kuya Aaron." Malungkot na sabi ni Marie dahil pakiramdam niya ay itong araw na ito ang huli niyang makikita ang mga kaibigan niya. Umalis ang mga kaibigan ni Elisha Marie. Nakayuko lang si Elisha Marie dahil ayaw niyang salubungin ang mga titig ng kan'yang kuya Sebastian. Kinakabahan siya. "You, maligo ka na. Gagamutin ko ang sugat mo." Utos ng kan'yang kuya. Marahang napaangat ng ulo si Marie. Tiningnan niya ang kuya niya. Hindi siya nakapagsalita kaya ang Lola niya ang nagsalita. "Ako na ang bahala sa kan'ya senyorito." Sabi ni Lola Lourdes. "No Lola, ako na ho," giit ni Sebastian. Kusang tumayo naman si Elisha Marie na hindi umiimik. Nanatiling nakayuko ang ulo nang lagpasan niya ang kuya Sebastian niya. Kahit masakit ang kan'yang isang binti ay pinilit niyang maglakad. Hindi na nakapagsalita pa si Lola Lourdes dahil sa sinabi ni Sebastian. Binilin na kasi sa kan'ya ng mga magulang niya kay Lola Lourdes na bantayan ang kan'yang kapatid. Kaya alam na ni Lola Lourdes na mapapagalitan si Sebastian ng kan'yang mommy. Hindi nakatiis si Sebastian dahil ang tagal maglakad ni Elisha Marie kaya ang ginawa niya ay binuhat na lang niya ito at idinala sa kan'yang silid. Kahit nagulat si Marie sa ginawa ng kan'yang kuya Sebastian, nanatiling nakatikom ang kan'yang mga bibig. "Oh siya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD