Frances P.O.V. Ilang araw pa din akong naconfine sa hospital pagkatapos kong magkamalay. Under observation pa daw ako sabi ni Dad, gusto lang nilang matiyak kung talagang Ok na ako. Dinalaw din ako ni Matteo pagkatapos nya makarecover. Mabuti na lang at hindi din siya napuruhan sa aksidente. Pareho kaming swerte at himalang maituturing ang nangyari. Naareglo na din nina Dad ang may ari ng sasakyan na nabangga namin. Nagpasalamat ako sa kanya pero humingi din ako ng despensa kasi dahil sa akin ay nadamay pa siya sa nangyari. Sabi nya ayos lang daw yun kasi nakita nya na naging maayos na kami ng parents ko at natutuwa naman daw sya at may magandang nangyari pagkatapos ng aksidente. Pinauwi ko muna si Louise sa Manila dahil ayokong lumiban pa siya sa klase, ilang araw na din kasi syang a

