Frances P.O.V. “Tulungan mo ako makaalis dito at makabalik ng Manila.” Nagulat sya sa narinig at tila nag iisip. “Please Matteo....ayokong pilitin nila akong magpakasal kay Migs.” nagmamakaawang sabi ko. Wala na akong ibang choice kung hindi umalis sa lugar na ito. Kung hindi lang naman dahil kay Dad ay wala sana ako dito, hindi ko kasi alam na may iba palang pinaplano si Mommy pagpunta namin dito. “I don’t know Frances...i think you should talk to your parents first.” naiiling na sagot nya. “Narinig mo naman ang sinabi ni Mommy kanina diba?” Kailangang makumbinsi ko siya, wala na ako maisip na ibang pwedeng tumulong sa akin. Ayoko naman papuntahin si Louise dito para tulungan ako, ayokong madamay o mapahamak pa sya. Hindi ko kayang ipagsapalaran ang kaligtasan nya. Hindi ko din kasi

