Frances P.O.V. “Naambush daw si Dad, 50-50 sya ngayon sa hospital.” balita ko sa kanya at hindi ko mapigilang mapaiyak. Hinila nya ako palapit sa kanya at saka niyakap ng mahigpit “Magiging Ok lang ang Dad mo.” bulong nya habang inaalo ako. Saglit akong umiyak sa balikat nya “Pupuntahan ko si Dad sa hospital...” saka ako kumalas ng yakap. “Samahan na kita...” volunteer nya saka kinuha sa kwarto ang susi ng sasakyan. “Dad aalis muna kami puntahan namin ang dad ni Frances” paalam nya kay Tito. “Sige tawagan nyo ako kung anong balita..” narinig naming sabi nya bago kami tuluyang nakalabas ng condo. Habang nasa byahe kami ay maraming bagay ang pumapasok sa isip ko. Paano kung mawala na si Dad? Makakaya ko ba mawala sya, lalo na at alam ko na may sama siya ng loob sa akin. Hindi tuloy

