Louise P.O.V. “Tinakwil na nila ako.” malungkot na sabi ni Frances after nya makausap ang mommy nya. Niyakap ko sya at umiyak sya ng umiyak sa balikat ko. Wala akong nagawa kung hindi aluhin sya at bumulong sa kanya ng “Magiging Ok din lahat.” Nang medyo nahimasmasan na sya ay tahimik lang sya na sumandal sa couch at nag isip ng malalim. Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan ay humarap sya sa akin. “Mine...dito muna ako sa inyo.” I held her hand “Mine syempre dito ka na titira..hindi mo na dapat sinasabi yan. OK naman yun kay Daddy.” “Salamat Mine...” “Dapat pala ayusin ko na yung kwarto natin, tapos later punta tayo ng mall bibili tayo ng mga gamit mo.” sabi ko, hindi ko alam pero naexcite ako sa idea na magsasama na kami ni Frances sa iisang bahay. Parang instant live-in ang

