Frances P.O.V. “Kakausapin ko si Migs.” seryosong sabi ko at I’m sure madilim na ang mukha ko. Pinigilan ako ni Louise pero inalis ko lang ang pagkakahawak nya sa braso ko saka ako nagmamadaling pumasok ng bahay nila para hanapin ang lalaki na yun. Ilang sandali pa ay nakita ko sya sa may living room nila at kausap ang ilang kamag anak nila. Lumapit ako sa kanya at saka bumulong “Migs, can we talk?” Lumingon sya sa akin at biglang lumaki ang ngiti ng makita ako. Naasar ako kasi akala ba nya ay maloloko pa nya ako? “Sure France.” Niyaya ko sya sa may area ng bahay nila na walang masyadong tao, tinulungan ko pa sya itulak yung wheelchair nya. Gusto ko na nga siya itulak sa damuhan sa sobrang inis ko pero nagpigil lang ako. Pumunta ako sa harapan nya saka nanlilisik ang mata ko na tum

