Frances P.O.V. Nang makarating na kami ng hospital ni Dad ay nagmamadali akong tumakbo sa emergency room kaso pinigilan ako ng nurse n nandoon at dinala na daw sa operating room si Louise..nanghihina akong napaupo sa mga upuan sa hallway ng hospital. "Anak gusto mo muna ba maglinis ng sarili mo?" si dad, hindi ko na namalayan na tumabi na pala siya sa akin. Tuliro pa din ako ng mga oras na yun. Saglit kong tinitigan ang mga kamay ko na may natuyong dugo, maging ang damit na suot ko puno na ng mantsa na dugo. Tumango ako bago ako inalalayan ni Dad papunta sa pinakamalapit na CR. Pagpasok ko ay binuksan ko ang gripo bago hinugasan ang mga kamay ko, muling nagflashback sakin ang pangyayari, muli ay hindi ko mapigilan maluha, awang awa ako kay Louise. Naghilamos ako ng mukha bago tiniti

