Louise P.O.V. Dilim...yun lang ang nakikita ko.. "Nasaan ako?" nakakapagtaka...ang huling naaalala ko ay inihinarang ko ang katawan ko sa bala na pinutok ni Leila kay Frances...my Frances. Nasaan kaya siya? Ok lang kaya siya? Sana ok lang siya... Maya maya pa ay naramdaman ko na nahuhulog ako sa isang malaking butas, walang katapusang pagkahulog...pero wala pa din ako makita kung hindi kadiliman, wala din ako maramdaman kahit ano. Walang sakit, walang pagkalungkot....Somehow I felt serenity and peacefulness. Parang gusto ko na dito..pero wala naman ako ibang makita bukod sa kadiliman.. Nang may naririnig akong umiiyak, lumingon ako pero wala akong nakita dahil madilim ang paligid ko..patuloy ang pag iyak ng tinig na yun. Sino kaya yun? Naramdaman ko may pumisil ng kamay ko pero wala

