Frances P.O.V. Dumating na ang araw at ngayon na ang akong 18th birthday. Maaga pa lang ay nagising na ako. Madami ng tao sa loob at labas ng bahay, nag aayos na yun caterer, yun cake pinapasok na, yun mga bulaklak na idedecorate sa buong area. Powder blue ang napili ko motif, ang gown ko ay nahahawig sa suot ni queen Elsa sa movie na frozen. Pati ang hairstyle nya ay igagaya ko sa akin. Nakita ko si Mommy sa ibaba "Anak mabuti ay maaga ka nagising, maaga ka magprepare para maayusan ka na." "Mom naman ang aga pa." reklamo ko, hindi pa nga ako nagbreakfast. Grabe talaga si mommy masyadong perfectionist. "Mabuti na yun maaga, hindi kung kailan nandyan na saka ka magmamadali." Hindi na ako nakipagtalo pa, dahil for sure hindi naman ako mananalo sa kanya. Pumunta na lang ako ng kitchen

