Frances P.O.V. "Frances please wake up." narinig kong may bumulong sa tenga ko. Dahil dito ay pinilit ko iminulat ang mga mata ko. "Louise..." mukha ng nag aalalang si Louise ang nabungaran ko. Nakahiga ako sa kama sa kwarto ko habang nakaupo sya sa tabi ko at nakahawak sa kamay ko. Napansin ko na nakatayo din sa hindi kalayuan sina Mom and Dad, mabilis silang lumapit sa akin ng nakitang nagising na ako. "Anak ok ka na ba?" tanong ng nagaalalang si Mommy habang si Dad ay halata din ang pag aalala sa itsura nya. Tumango ako "Ok lang po." sagot ko saka sumulyap ako kay Dad. Biglang pumasok sa isip ko yun nangyari kanina "Dad nasaan na si Migs? Panaginip ko lang ba yun nangyari?" Malungkot na umiling si Dad "Totoo ang nangyari kanina anak, nasa hospital na ngayon si Migs at ginagamot n

