Frances P.O.V.
"Wait lang Amanda." sabi ko, habang patuloy pa din ang paghila nya sakin.
Naisip ko kasi na kailangan ko pla ng plano...ano naman ang gagawin ko? pwede ba yun lalapitan ko na lng bigla si Migs at sasabihin ko sa kanya na gusto ko makipagbalikan?
A big no no, dalang Filipina pa din naman ako.
Tsaka in the 1st place, siya naman unang nakipaghiwalay sakin kaya hindi pwede ang ganun. Nasan naman ang pride ko dun?
Di ko pa nga alam kung magstay na sya dito sa Pilipinas o babalik din agad ng US..hindi ako dapat magpadalos dalos.
Kaso hindi naman nakikinig ang mahaderang kong kaibigan na patuloy pa din ang paghila sa kamay ko.
Paliko na kami sa corner papunta sa kabilang building nang biglang...
Blag!
May tinamaan akong malambot na bagay, tapos napansin ko na lang mga papel na nagliparan sa paligid.
Oppss! may nabangga na pla ako, ang kulit naman kasi nito si Amanda eh.
Nagdalawang isip pa ako kung tutulong ba ako sa pagpulot o aalis na lang kami, kaso madami papel na nalaglag sa floor kaya kahit paano eh naguilty naman ako.
Hindi ko napansin yun mukha nun nabangga ko, which is babae pla. Nakatakip kasi un hair nya sa mukha.
Yumuko ako para pumulot ng papel. Actually wala sa vocabulary ko ang maguilty kaso ewan ko masyado lang siguro akong masaya kahit ang bait ko ngayon.
Inaawat nga ako ni Amanda na tumulong pero nag insist ako. Minsan lang naman maging mabuting estudyante.
Halos napulot nya na din yun ibang papel ng tatayo na siya, nagkasabay pa kami..
Opppsss muntik na namn kami magkabanggaan ng ulo. Napatitig ako sa kanya, ganun din sya sakin.
Halos two inches lang ang pagitan ng mukha namin kaya napagmasdan ko mabuti ang facial features nya.
Her eyes were gorgeous shade of brown, slighty lighter than mine. Since nasa labas kami nasisinagan ng araw yun mga mata nya, kitang kita ang dark gray specs sa loob nito.. grabe..so beautiful, tapos ang haba ng pilikmata nya.
Sabay na kami nakatayo ang posisyon pero hindi ko pa din maalis ang mata ko sa kanya.
Her face is so flawless, wala kahit single blemish. Her hair is shoulder length, straight pero curly sa dulo, yun mga usong style ngayon ng mga artista.
I lowered my gaze, napansin ko yun suot nya. Tight pink tank top at black skinny jeans, bakat ang malaking hinaharap nya at ang flat stomach , maging ang long sexy legs nya.
Seriously...did I just check her out?
At kailan pa ako humanga sa kapwa ko babae? First time lang nangyari sa akin ito.
Tapos napansin nya siguro ang ginawa ko pagtitig sa kanya, nang tignan ko uli sa mukha, nakasmile na pla siya.
Tumigil ata t***k ng puso ko.
Paano lumabas ang biloy nya sa pisngi. Wow ang cute ng dimples nya.
Para kinikiliti ang tyan ko....? What???......kinikilig ba ako?
"Tapos na ba kayo magtitigan? Malapit na kasi magstart yun sunod na klase." sabi ng bestfriend ko na sa totoo lang ay nakalimutan ko na kasama ko pala.
Sheeet, nandito nga pla si Amanda. Ang tagal namin nagtitigan, hindi ko namalayan gaano katagal...
Nagblush tuloy ako bigla.
Para akong nagising sa pagkakahipnotismo sa kagandahan nya.
Napansin ko hawak ko pa pala yun mga papel na pinulot ko, mabilis ko inabot sa kanya.
"Eto miss, next time titingin ka sa dinadaanan mo!" masungit na sabi ko para takpan ang pagkapahiya ko sa sarili ko dahil sa pagtitig ko sa kanya.
Kahit alam ko na ako naman ang nakabangga sa kanya, keber lang.
Kunwari lang yun para makabawi sa pagkapahiya ko kasi nahuli nya ako na tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.
Isipin pa nya interesado ako sa kanya..
....hindi naman diba?
Maang na napatingin lang yun babae, nagtaka siguro sa biglang pagsusungit ko.
Kinuha naman nya yun papel, tapos hindi naman nagsalita ng kahit ano.
Baka pipi. Sayang maganda pa naman, kaso pipi naman.
Bago siguro yan dito, now ko lang nakita eh, saka nakacivilian pa sya, hindi nakasuot ng uniform namin.
Maging si Amanda parang nagtataka din sa biglang pagsusungit ko, pero deadma lang ako.
Umalis na kami ni Amanda, pipi naman kasi ata.
Nilingon ko pa sya, nakita ko nakatayo pa din dun, parang natulala. Nashock ata sa akin ..kawawa naman.
At kelan pa ako naaawa sa ibang tao? Duh.
Anyway,
San na ba yun iniisip ko kanina? Aha yun plano nga pla.
Mamaya na nga lang uwian. Magstart na class eh.
Nang makapasok na kami sa sunod na klase, dire diretso kami umupo.
Nandun na yun teacher namin si Mrs. Asuncion.
Care ko kung nagstart na sya ng klase, sa unahan kami naupo. Dun naman lagi upuan namin sa harap, sa likod lang yun mga losers.
Laging bakante ang pwesto namin, walang gusto umupo dun. Takot lang nila sakin.
Wala naman sinabi si Mrs. Asuncion, o nagtanong bakit late kami. Yan ang perks ng pagiging anak ng may ari ng school.
Nang may maalala ako bigla, si Migs, nandito kaya sya?
Lumingon ako sa likod, naghahanap. Kaso wala eh, baka may inayos pa siguro sa Registrar's office.
Namiss ko tuloy sya bigla, gusto ko sya makakwentuhan ulit. Like the old times..
Blah blah blah.
Yan lang ang naririnig ko sa sinasabi ng guro namin. Ang isip ko nasa malayo..
Pupuntahan kaya ako ni Migs sa bahay mamaya? Ilang bahay lang naman ang pagitan nya sa amin.
Hindi kaya nagalit kasi tinakbuhan ko siya kanina?
Ay naku bigla bigla kasi sumulpot ng walang pasabi. Eh hindi pa naman ako ready.
"Class may bago pala kayo kaklase." napukaw ang pansin ko sa sinabi ni teacher.
Ano ba yan , bagong kaklase na naman. May bago na naman ba ako pagtitripan.
.
Dahan dahan pumasok ang isang babae.
Yun girl na nabangga ko kanina. Yun cute na may dimples?
Eeew did I just say that? hindi sya cute period.
At saka pipi sya, teka bat dito sya pumapasok? Hindi ba dapat nasa special school sya or something?
"Please introduce yourself." ginaya pa sya ni Ma'am papunta sa unahan.
"Hi everyone." sabi ng babaeng pipi sabay pacute na smile.
O my gosh ang ganda ng boses. Hindi pala pipi, normal naman pla.
Dapat ba ako matuwa dun?
"Hi everyone...I'm Louise Andrea Lavapiez, i just turned 17 last month. I was basically born here, but was raised in New york, we've been moved back here just a week ago.." pacute pa din na smile nya, yun smile na tipong nang aakit.
Nagkakagulo ang mga guy classmates ko, haba ng leeg kakasilip sa unahan... tumutulo pa ata ang mga laway, ewww..gandang ganda sa pacute na babae sa harap.
I rolled my eyes.
Nakakainis ah, kung makareact sila wagas. Tusukin ko kya mga mata nila. Hindi naman siya ganun kagandahan. Hmp.
"Ok thank you Ms. Lavapiez, you may take your sit now."nakasmile din na sabi ni Mrs. Asuncion.
Nakakahawa ba talaga ang smile ng babae na to? parang lahat sila abot tenga ang ngiti ah.. Nakakaasar na .
Yun mga baliw ko na classmates nagkakagulo pa rin, now lang ba sila nakakita ng maganda? Ako nga araw araw na nila nakikita.
Lingon lingon sya, naghahanap ng bakanteng mauupuan.
Pagtingin ko sa kanang upuan ko, aba bakante.
Hindi naman siguro sya uupo dito no. Pasimple ko pinatungan ng bag ko.
Tumingin ako sa bandang likuran, s**t wla na pla ibang bakante.
Aba hindi ko na problema yun kung san pa sya uupo.
Napansin ni teacher na hindi pa nakakaupo yun babaeng pacute.
Pagkatapos napansin nya bakante yun nasa kanan ko, kung san nakapatong ang bag ko.
"Please sit beside Ms.Montejar over there." with matching turo pa.
Ano daw? Tama ba narinig ko, tatabi sakin? Dapat dun sya sa likod at hindi dito sa harapan katabi namin.
Batuhin ko kaya yun isang estudyante tulog sa likod para madala sa nurses office at lumayas sa klase para dun sya maupo. Dun sya nababagay, hindi sa tabi ko.
Babatuhin ko na sana ng stapler (para medyo mabigat bigat) kaso biglang nasa harap ko na pala yung babaeng pipi, ehem si Lavapiez pla.saka inantay nya na tanggalin ko un bag ko sa upuan.
Nagkunwari busy ako, kunwari nagsusulat.
Saka siya tumikhim. deadma pa din ako, tinignan ko yun bagong color ng nails ko kulay pink, san ka pa.
Mukhang nainip na sa pagkatayo, aba inalis ang bag ko nilagay sa sahig saka umupo.
Asar ah. mahal ng bag ko na Prada, tapos ilalagay lang sa maalikabok na sahig?
Hilahin ko kya ang upuan para mahulog?
Tawa ko lang kung nagkataon.
Pagalit na dinampot ko yun bag ko sa sahig saka nilagay ko sa likod ko.
Napansin ko na hindi pa rin maalis ang titig sa kanya ng mga estudyante, especially mga guys..sana matunaw na nga lang sya eh. maging si Enzo ngiting ngiti akala mo kinikiliti.
Pati si Nathan kung makatitig kala mo luluwa na ang mata.
Biglang siniko ni Tiff sa tagiliran, napasigaw ang lalakeng higante. OA naman kala mo nasaktan.
"Naku Frances mukhang may aagaw na sa pwesto mo ah." pabulong na sabi ni Tiffany sa akin.
"Tignan mo kung paano siya pagkaguluhan ng mga boys." dagdag pa nya habang nakatingin kay Louise na kinakausap na ni Enzo at ng iba pang guys.
Tumaas ang kilay ko, lahat ata ng dugo ko sa ulo umakyat sa ulo ko.
Seriously? Hindi pa pipanganak ang babaeng tatalo sa isang Frances Montejar at lalong hindi lang isang bagong estudyante na galing sa kung saan lupalop ang pwedeng itapat sakin.
Yan ang sinisigurado ko.