Frances P.O.V.
"Ok class tama na yan, back to your seat now." pagsasaway samin ni Mrs. Asuncion.
Saka lang sila nagsibalikan sa kanilang mga upuan ang mga pasaway na estudyante.
"Today class magkakaroon kayo ng special project na ipapasa nyo sa sunod na buwan. By pairs kayo, para hindi na ako mahirapan sa pagpapair..makakapartner nyo kung sino ang nasa tabi nyo." excited na sabi ni teacher habang nakatayo nakasandal sya sa teacher's table.
Excited much? Excited san? Para project lang..anyway buti na lang ang makakapartner ko ay si..
Paglingon ko sa kanan ko magkapartner na pla sina Tiff at Amanda. Even number pla ang hilera namin sa harap...
Oh my gosh, you mean that leaves me to...
Paglingon ko sa kaliwa , ayun oh ang babaeng nakasmile. Seriously, hindi ba sya nangangawit ngumiti? Ako napapagod sa kanya eh.
"So I guess tayo ang magkapartner." sabi nito habang hinaharap na sakin yun upuan nya.
I mentally rolled my eyes.
"I think so, do i have a choice?" komento ko, saka ngumiti ng pilit.
Tinaaas ko ang kamay ko "Mrs. Asuncion, what is this project all about?"
"Ok, simple lang naman ang gagawin nyo, you have to come up with assessment of your partner personality and lifestyle, sa paraang ito mas makikilala nyo pa ang isat isa. Gusto ko mas creative ang presentation nyo, mas creative mas mataas ang grades. This will represent 50 % of your 1st grading , Understood ba class?" sagot ni teacher na nakapagpasimangot sa akin.
What? You must be kidding me. kikilalanin ko pa ang babae na to? Yun ngang partner ko sya pahirap na sakin tapos ngayon gagawa pa ng assessment, tapos creative pa dapat? Kapag minamalas nga naman.
"You mean Ma'am in essay format or what?" Tanong ni Tracy.
"Bahala na kayo kung paano nyo gusto ipresent, basta iemphasize nyo dun kung paano mas lubos na makikilala ng classmates nyo ang mga partner nyo."
Oh well, ano ba ilalagay ko? Siya yun taong gustong umagaw sa trono ko, isang alien an biglang lumitaw galing kalawakan na may dalang virus na ang epekto ay tumutulo ang laway ng nakakakita sa kanya...yeah Thats it! perfect.
Parang walang nakikinig sa sinabi ni Ma'am , busy pa rin ang mga mata nila sa pagtitig sa "undesirable creature" sa tabi ko.
Sa wakas nagbell na din, time to go home. I just shoved all my things inside my bag. Kinda tired, dami nangyari ngayon araw na to.
Kanya kanya na labasan ang mga estudyante, kasabay ko ang friends ko na palabas na din.
Nag uusap usap sila kung saan daw ang gimik, since Friday naman today. Sabi ni Amanda sa mall daw, bowling tapos watch ng movie, sabi naman ni Tiff mag punta na lang kami later sa bar.
Well, whatever, hindi naman ako sasama sa kanila. Wala ako sa mood , gusto ko lang umuwi at magpahinga.
Nasa labas na kami ng pintuan ng tinawag ako ni U.C (short for Undesirable Creature) kaya kaming anim ay napatigil at napatingin sa kanya.
"Hey Frances, gusto mo istart na natin yun brain storming ng project natin? my place later?" hopeful na tanong sakin ni U.C.
Nag isip ako, well mas ok na din ata yun, kasabihan nga 'keep your friend close and keep your enemy closer' kung mas madami ako malalaman sa babae na to mas mapapadali ako na pabagsakin sya bago pa man sya umangat at suwagin ako.
I tap at my chin na akala mo nag iisip, pero sa totoo lang eh nakabuo na ko ng desisyon.
"Oh sure Lavapiez, what time do you want?" habang ngumiti ako ng fake.
"How about you text me your address at puntahan kita ng mga 6"? Habang may nilabas na sticky note na may nakasulat na number.
Nagpaaalam na ko sa kanya, si Enzo parang gusto pa kausapin at magpacute kay U.C. kaya hinila ko na sya.
Sinabi ko na lang sa kanila na hindi ako makakasama, try ko na lang bukas..kaso naalala ko may practice pala kami ng cheerdance every Saturday.
Paglabas namin ng school ay nagpaalam na ako sa kanila, nandun na yun driver ko naghihintay kaya sumakay na ko sa van. Sa loob ng sasakyan saglit ako naidlip, hindi ko alam bat para nadrain ako ngayon, dahil ba to kay Migs o dahil sa babaeng banta sa popularity ko?
Saglit pa ay nasa bahay na ko, I checked my watch 4:30 na. Saglit lang nandito na ang U.C., speaking the devil, itetext ko nga pla sya para ibigay ang address ko.
Hinubad ko ang sapatos ko saka mabilis na umakyat ng kwarto, as usual wala naman sina Dad and Mom. Si Dad ay busy sa kung anu anong klaseng engagements bilang Mayor ng bayan namin, while si Mom busy sa mga business trips. Bukod sa pag aari namin na school, meron din siya sariling business na ineexport kaya madalas nasa ibang bansa sya to take care of it.
Solong anak lang ako, malang sa malamang, hindi na nga sila halos magkakitaan sa bahay, pano pa sila makakagawa ng kasunod ko. Pabor din naman sakin, ayoko kasi ng may kahati ng atensyon nila, which is kulang na kulang sakin.
I texted her my address, after that I took a shower. Pwede pa ko mag nap kahit mga 30 mins lang, para may energy ako mamaya para iispy ang kalaban. I set my alarm at nahiga sa kama.
Krinnnng! Kringgg!
Parang kakahiga ko lang tumunog na agad ang alarm? Hay sarap matulog, sarap mag inat inat. Tinignan ko ang oras, 5:30 sakto.
May 30 mins pa ko para mag ayos, ayoko kasi sa lahat ay nalalate sa usapan. Kahit ba kalaban pa ang imemeet ko, be professional dapat always on time, lagi sinasabi ni Dad.
Naghilamos muna ako baka may muta pa, nag toothbrush din. Saka nagpalit ng damit, suot ko maong na short shorts at dark blue na tank top. Naglagay ng konting powder, mascara and lipgloss.
Sinusoot ko na ang aking dark gray vans nang may nagtext sakin, nasa labas na daw sya. Dahan dahan pa ko kumilos, pra mag antay sya. Pang inis lang. Kinuha ko un cellphone and wallet ko saka bumbaba.
Nagpaalam ako kay Manang Lory, ang aming mayordoma. Tumango lang sya at isinara ang gate.
Nakita ko sya sa labas, nakatayo sa labas ng kotse nya. Her car is a shiny black Porshe Carrera, pero mas nakatawag pansin sakin ang taong may dala nun.
She's wearing a black Nike sport short and white sport shirt, her hair is in a high ponytail. Mukhang kakagaling lang sa practice,
Bagay na bagay sa kanya yun ganung look...This girl is really stunning, pero syempre wala sa bokabularyo ko na sabihin sa kanya yun.. asa pa sya.
Nakangiti sya habang papalapit na ko, tinitignan nya ako mula ulo hanggang paa. Obviously she's checking me out.
"Do you like what you see?" pang asar na salubong ko. Gusto ko ipaaalam na obvious ang pagtitig nya sakin.
Bahagyang namula sya "Yeah a little.." sabi nya habang pinagbukas ako ng pinto sa harap.
Pero sa halip na umupo sa unahan, binuksan ko ang likod at mala señorita na umupo.
Naiiling at nangingiti na lang sya bago umupo sa driver seat. Pinastart nya na yun sasakyan at mabilis na nagdrive. Tahimik lang ang byahe namin, walang gusto magsalita isa man sa amin.
Ilang saglit pa nakarating na kami sa bahay nya, which is isang ..... condo? Pinark nya sa basement yun kotse nya at pumasok kami sa lobby ng building at binati ng mga guards, sumakay ng elevator at umakyat sa pinaka penthouse ng condo.
Pagpasok sa loob ng penthouse namangha ako sa laki at lawak ng unit nila, up and down eto at puno ng mga modernong at mamahaling kagamitan. Carpeted ang floor, May malaking flat Screen tv, may piano, may sofa na mahaba na halatang mamahalin, may 12 seater na dining table, meron din mini bar sa gilid.
"Did you like it?" Sabi nya habang sinenyasan ako papunta sa taas.
Hindi na ko sumagot, ng binuksan nya yun room nya. Malaki din, pink color ang wall paper, pink din ang color ng bedsheet ng king size bed nya.may mini ref, may malaking dresser, may flat screen tv din sya na nakadikit sa wall, nasa gilid ang study table nya na may nakapatong na laptop.
"I guess you like this too." nakangiti na sabi nya bago kumuha ng softdrink in can sa mini ref nya bago inabot sakin.
"Sino kasama mo dito?" habang lumilinga linga. Nakapukaw ng pansin sakin yun balcony nila, lumapit ako at tinanaw ang labas, ang lakas ng hangin at ang ganda ng tanawin. Kitang kita ang buong bayan, may mga makukulay na ilaw kasi gabi na din pla.
"Actually my Dad, but he's in province right now para icheck yun business namin." pumunta din sya ng balcony at tumabi sakin.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa labas, first time ko kasi makita ang bayan namin mula sa itaas ng building. Napakaganda pala.
Binuksan ko ang softdrink na hawak ko saka uminom. "Ang ganda dito..." hinawi ko yun ibang hibla ng hair ko na tumatakip sa mukha ko dahil sa lakas ng hangin.
"Yes, so breathtakingly beautiful..." halos pabulong na sabi nya.
Lumingon ako sa kanya, napansin ko nakatitig pala siya sa akin. Medyo nagblush tuloy ako. Pero binawi ko ang tingin ko at pumasok na sa loob. Sumunod na din sya pero nakakatitig pa din sakin, may dumi ba ko sa mukha? Makatitig wagas eh.
"Come on start na natin." pagyaya ko para mabawasan ang tensyon sa aming dalawa.
She opened her laptop and searched for something, bale magkatabi na kami nakaupo sa kama. Hapos magkadikit na nga yun tuhod namin, eh pareho pa naman kami nakashorts. Bakit parang nakukuryente ako pag nagdidikit ang balat namin? I just ignored it at nag concentrate sa sinisearch nya.
Inalis nya yun pagkakatali ng hair nya, parang telang malambot na bumagsak yun hair nya sa balikat. Ang bango, napasinghap ako. Amoy bulaklak na bagong pitas sa umaga. I wonder kung anong shampoo nya, ang bango pa din kasi kahit mukhang galing sya sa practice at pinagpawisan.
Napapadikit na pala ako sa kanya ng hndi ko namamalayan, masyado ako naaakit sa mabangong amoy nya ramdam ko pati ang init na nagmumula sa katawan nya, That gave me goosebumps. Bigla sya lumingon, napansin nya siguro na mas lumalapit ako sa kanya.
Eye to eye kami, ang lapit na naman ng mukha nya sa mukha ko. parang 1 sentimetro lang pagitan. Napagmasdan ko na naman ang magandang kulay ng mata nya na nagrereflect mula sa ilaw ng laptop nya. Dahan dahan ako napatingin sa pink lips nya, parang ang sarap halikan.
Wala sa sarili na inilapit ko ang mukha ko, ganun din sya sa akin.
Saglit pa ay naglapat ang aming labi, ang lambot ng lips nya..I swear parang nakakita ako ng sangkatutak na fireworks sa kalangitan at parang may mga nagkakagulong paro paro sa stomach ko.
Our tongue were fighting for dominace, and I won of course. Automatically she wrapped her arms around my waist to bring me closer and I put my arms around her neck. That moment bacame heated nang biglang...
Rinnggggg! Ringggg!
Para akong binuhusan ng malamig na tubig, mabilis ako kumalas sa kanya at tumayo. Habol namin ang hininga namin. Patuloy pa din ang pagring ng telepono nila, nagmamadali nya sinagot. Dad pla nya, kinakamusta sya.
Nang mahimasmasan ako reality hit me. s**t what the hell did I just do? I didn't think straight and I kissed her. Hinalikan ko ang babaeng nauumpisahan ko na kainisan...Whats happening to me? Gulong gulo ako bigla.
Nun sinabi ko kanina na keep your enemy closer, I didn't mean it literally. s**t I'm doomed. Pano ko ipapaliwanag sa kanya yun, ano ang iisipin nya? Pero gumanti din naman siya at hindi nya ako tinulak.
Maya maya pa bumalik na sya, hindi ako makatingin ng diretso. Hindi ko alam ano sasabihin ko super awkward ng sandali. Ganun din sya umupo lang sa kama nya.
"About what happened earlier-" pagsisimula nya pero pinutol ko ano man ang sasabihin nya.
"It was nothing, don't make a big deal out of it." emotionless na sabi ko.
"Lets just say I tried lang kung gaganti ka sa halik ko, and I guess you liked it alot, didn't you"? Tumingin ako sa mga mata nya. nanlaki ang mga mata nya...Hindi sya makapaniwala sa sinabi ko.
"You mean you tricked me? you tried lang ano ang weakness ng kalaban mo ganun ba. Alam ko naman ayaw mo sakin ang you felt threatened sa pagsulpot ko." medyo naninigkit ang mata nya habang lumalapit sa akin.
"Whatever floats your boat, kung ano pa isipin mo I dont care. Gusto ko na umuwi masyado ng gabi." tumayo ako bago lumabas na ko ng kwarto nya. Ang lakas ng kaba ng dibdib ko, feeling ko maghyhyper ventilate na ata ako.
Nilock nya yun condo at sumakay ulit kami ng elevator pababa ng basement. Tahimik na sumakay sa kotse nya at mabilis na naihatid ng bahay. Wala na sya sinabi kahit ng bumaba ako. Alam ko galit sya, pero ewan parang nalungkot ako bigla., pero I brushed that thought at saka nagdoorbell.
Lumabas si Manang at pumasok na ko sa loob. hindi ko na nilingon si Louise hanggang sa narinig ko na palayo ang sasakyan nya.
Pinaghanda ako ng dinner ni Manang Lory, hindi pa pala ako kumakain kya pla kumakalam na ang sikmura ko.
"Señorita dumaan po si Sir Migs kanina." sabi nito habang sinasalin ang juice sa baso.
Nagulat ako, oh yeah si Migs, bakit parang bigla sya nawala sa isip ko. hndi ko inexpect na dadaan pala sya dito kanina. Kung alam ko lang dapat mas naging busy ako sa kanya kanina kesa naging busy ako sa paghalik sa....
Ah ewan, gusto ko kalimutan yun nangyaring halik kanina. Baka sumakit lang ulo ko sa kakaisip ng matinong dahilan bakit ko ginawa yun.
"Ano po sabi ni Migs manang?" sabi ko habang kumukuha ng ulam.
"Nang nalaman nya na wala kayo sabi lang ay magkita na lang daw kayo sa school sa Monday." tumango lang ako.
Inubos ko lang yun pagkain sa plato ko saka umakyat, naglinis ulit ng katawan bago nahiga. Masyadong marami ang nangyari ngayong araw na to. Sa pagod ko maya maya pa ay nakatulog na ko.