Chapter 5

1466 Words
Frances P.O.V. Mabilis lang dumaan ang weekends, sa umaga pumunta lang ako ng school para sa cheerdance practice namin nina Amanda. Hinayaan ko muna siya mag instruct sa routine namin kasi wala pa din ako mood dahil sa nangyari kahapon. "Girl ok ka lang ba dyan, kanina ka pa tahimik ah?" tanong sakin ni Amanda habang umiinom ng bottled water. Kakatapos lang ng practice at kasalukuyan kaming nakaupo sa bench ng gym. "Ok lang naman, madami lang ako naiisiip, about dito sa steps and routine natin, projects sa school..tapos naiisip ko pa si Migs, dumaan nga sya samin kagabi kaso wala ako." nagbukas ako ng coke in can bago ininom. "Oh really, where were you then?" Nagtatakang tanong nya. Hindi ko kasi nasabi sa kanya na natuloy ang pagkikita namin ni U.C. para gumawa ng "project". Bumalik na naman sa alaala ko yun halik na nangyari kagabi. Wala sa loob na napahawak ako sa labi ko. "Frances?" hinihintay pala nito ang sagot ko. "Ahh hmmm...nagkita kami ni Louise, you know magpartner kami sa project diba, we discussed lang yun outline ng gagawin namin." mabilis na paliwanag ko. "Ahh yeah...that girl Louise Lavapiez? So close na kayo now? I thought you didn't like her cause shes like a threat to your popularity?" Alam kasi niya na inis ako sa babae na yun, lalo na mukhang magiging kalaban nya pa sa pagiging Queen bee ng school. "Of course not!" depensang sagot ko. "Kinikilala ko lang ang kalaban ko, para alam ko kung pano sya pababagsakin. You know.." paliwanag ko pa. Tumingin siya sa akin at ngumiti "That's my girl, hindi lang kagaya nya ang tatalo sayo. So what did you find out? Did she get bitchy on you and you guys went physical? " Natatawang sabi nya. Alam kasi nya may ugali ako na maging physical lalo na pag bitchy din ang kaharap ko. Like nun last year, isang co-junior student ang nagkakalat ng masamang balita sakin. Sa inis ko pinuntahan ko sya sa classroom nya saka sya pinalo ng thick history book sa ulo. Ayun ang laki ng bukol. How physical nga yun nangyari sa samin ni Louise? Kung alam lang nya .. Kinabukasan, Sunday, nagstay lang ako sa bahay maghapon. nanood ng movies, katext ang mga friends ko at nag aantay baka sakali mapadaan si Migs..kaso wala eh. Baka busy, dinalaw siguro yun lolo niya sa hospital. Naisip ko itext si Louise pero ano naman ang sasabihin ko? Uy kamusta kana .. nagenjoy ako sa "kissing session" natin last time. Ewwww ang awkward naman nun. Pero madalas ko pa din maisip yun maamo nyang mukha, at yun nangyari sa amin. Sobrang bilis kasi ng pangyayari. Hindi ko pa nga alam pano ako kikios sa harap nya bukas. Play it cool na lang siguro, yun parang walang nagyari. Maaga ako nagising kinabukasan, hindi ko na inantay tumunog ang alarm at bumangon na ko. Mabilis ako naligo, nagtoothbrush, at nagpatuyo ng mahaba kong buhok. Nagsuot ng uniform, nagpowder at nglagay ng lipgloss. Nacheck ko na din ang mga gamit ko at mabilis na bumaba. Nakahain na si manang ng breakfast pagbaba ko. "Manang si Dad?" tumusok lang ako ng hotdog saka kinagat. "Naku señorita maaga po umalis, may grand opening ata restaurant sa bayan imbitado sya for ribbon cutting." inabot sakin ni Manang yun allowance ko, binulsa ko saka ako lumabas. Nag aantay na yun driver paglabas ko, pinagbuksan ako ng pintuan ng van saka ako pumasok. I checked my phone, ang dami ko pla messages. Maaga kasi ako nakatulog kagabi, kaya hindi ko nabasa. May text si Amanda, nag good morning, maging sina Tiff at Tracy. May text din si Louise, kinabahan ako. Pagopen ko, sabi nya kalimutan daw namin yun nangyari nun Friday, it was a big mistake daw at obvious na pinagtripan ko lang sya. Nasaktan ako sa sinabi nya. Ginusto ko naman talaga yun halik na yun, hindi yun isang simpleng trip lang. Pero syempre ayokong sabihin yun sa kanya yun kaya hinayaan ko na lng siya sa gusto nyang isipin. After 15 minutes nasa school na ako. Mabilis ako bumaba ng van hindi ko na inantay na pagbuksan pa ko. I couldn't wait to see Migs..gusto ko magsorry kasi wla ako nun gabi na dumalaw sya, at the back of my mind excited din ako makita si Louise. I miss staring at her gorgeous face.. What? Sheez! Ano ano na yung naiisip ko. Ilang saglit pa nakita ko na din si Migs, nasa pinto ng classroom inaabangan ata ako. Nang makita nya ko ngumiti ng pagkatamis tamis, sinalubong nya ko. "Hey beautiful, how are you? Dumaan ako sa bahay nyo nun isang gabi kaso wala ka daw." sabay kami naglalakad papasok ng room. Nakita ko sina Amanda na nasa loob na ng classroom Nakathumbs up pa sakin, samantala si Enzo nakasimangot. Haha problema nun? "Ah yah sorry about that Migs, nagbrainstorm kasi kami ng classmate ko about dun sa project at saka hindi ko alam na dadaan ka sa bahay.." wala naman kasi pasabi na dadating. "Ganun ba, thats ok. Next time itetext muna kita bago ako pumunta." sabay ask nya ng cellphone number ko. He saved my number sa phone ko, I saved mine in his. Bigla na nag ring ang bell at saka na kami umupo. Nagtatanong ang mga mata ni Amanda, aba gusto pa ata makichismis, sumenyas ako na mamaya na lang. Mabilis natapos ang klase, pagdating ng lunch hinahanap ng mga mata ko si U.C., tinignan ko lahat ng table sa cafeteria kaso wala sya..baka umabsent. Medyo nalungkot ako pero dineadma ko na lang. Natetempt pa ko itext sya, itatanong kung pumasok ba sya. Syempre need pa namin pagusapan yun project, you know.. Magcocompose na ako ng message bigla sumulpot si Migs. Naitago ko tuloy bigla yun cp ko sa bulsa ng uniform ko. Naupo sya sa tabi ko, pinakilala ko sya sa tropa, sabay sabay sila bumati. Si Tiff akala mo kinikilig, kaya si Nathan bigla sya inakbayan sama ng titig kay Migs. Si Enzo din naman binibigyan ng death glare si Migs, natatawa na lang ako. Sa kanilang lahat si Amanda lang ang kilala nya dati pa, dati kasi hindi ko pa kabarkada sina Tiff noong dito pa nag aaral si Migs. Paano kami dalawa lang ang lagi magkasama. Nagtry out pla sa basketball si Migs, sa States pla ay varsity din sya ng basketaball. Bukod dun ay player din sya ng football at lacrosse. No wonder bigla lumaki ang patpatin nyang katawan dati, payat lang kasi sya na matangkad dati. Nakalimutan ko na tuloy itext si Louise, masyado ako naging busy sa pakikipagkwentuhan kay Migs. Nakwento nya yun buhay nya sa States ng ng 2 taon, nun gaano daw sya nalungkot ng nawala ako. Pero sabi nya sa ngayon ay dito muna daw sila ulit, bukod sa may sakit daw ang lolo nya eh wala magmamanage ng sakahan at manggahan nila. Sa totoo lang namiss ko siya talaga, masaya ako nandito na sya ulit. Kahit hindi ko alam kung hanggang kailan. Nag ring na ulit yun bell, tapos na agad ang lunch. Ang bilis ng oras hindi ko namalayan. Tumayo na kami at dumaretso na sa sunod na klase. Ang gugulo nila Enzo at Nathan nagbabatuhan ng papel, tatawa tawa lang si Migs. Mabilis din natapos ang last class namin. Nang pauwi na kami, may binulong sakin si Migs, dadaan daw sya maya sa bahay wag daw ako aalis. Syempre kinilig naman ako, eto naba ang simula ng pagbabalikan namin? Ang laki ng ngiti ko. Pagdating ko sa bahay nagpahanda ako kay Manang ng dinner, pinaluto ko yun fave ni Migs na sinigang na hipon tsaka adobo. Dali dali ako nagshower at nagpalit ng damit. Nang natiyak ko na magandang maganda na ko saka ako bumaba. Sakto tumunog ang doorbell, ako na nagbukas ng pintuan. Ngiting ngiti ako pagkakita ko sa kanya, hindi ko tuloy napansin na may kasama pla sya, ng bigla ito tumikhim paglingon ko.......si Louise? Natigilan ako, napalis ang ngiti ko saka kumunot ang aking noo. Ano ginagawa ng babae na to dito at bakit nya kasama si Migs?? Shes wearing a fitted black shirt and a khaki short, showing her sexy figure, and white converse. While Migs is wearing a blue tribal tshirt , cargo pants and blue Adidas superstar. Napansin ni Migs ang pagtataka ko. Baka pinsan nya, paghuhula ko pa. "Ahmm France, this is Louise ...my...my.." hindi matuloy tuloy na sabi nya. Halatang kinakabahan. "His girlfriend." pagpuputol ni Louise. Nakatingin sya sakin parang inaantay magiging reaksyon ko. "Oh"! yun lang ang nasabi ko. Para akong binagsakan ng malaking bato. Pinilit ko maging maging kaswal ang boses ko at facial expression ko..pero sa loob ko nandun ang sakit, pagkabigla at pagtataka. Si Migs may girlfriend na?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD