2

1796 Words
“HOW MUCH, Miss Enriquez? One million, two million o baka naman five million ang kailangan mo para lang mangyari ang hinihingi ko?” Nasa loob na sila ngayon ng pribadong opisina ni Jenna. At tama nga siyang papasukin ito doon kahit na nga ba ito ang kauna-unahang tao na nakipag-usap sa kanya ng ganoon. Ramdam niya ang pagsubo ng kanyang dugo. Hindi lang ubod ng suplado ang lalaki, nuknukan pa sa kaarogantehan. May isang sandali na gusto niyang bulyawan ito. Baka nakakalimot ito kung kaninong teritoryo iyon? Pero pinanatili niya ang control. Hindi siya papayag na ang mayabang na lalaking kaharap ang sisira sa kanyang poise. Ni wala rin siyang balak na makipagtagisan dito ng tapang. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ang ganoon ang dapat na gawin. Minsan, higit na epektibo ang kabaligtaran niyon. “Napakarami mong pera kung handa kang magbayad, Mister—” walang kasinglumanay ang tono niya. “Jaime dela Merced,” may ere pa ring pakilala nito. “Magkapatid kami ni Mary Grace sa ina. Anak siya ng pangalawang asawa ng mama ko.” Napatango siya. “Mister dela Merced, as I was saying, napakarami mong pera—” “Kahit buong kayamanan ko ay handa kong ubusin para lang huwag masira ang kinabukasan ng kapatid ko,” putol nito sa sasabihin niya, at sa kauna-unahang pagkakataon sa paghaharap nilang iyon, ramdam na ramdam niya ang biglang pagbabago ng tinig nito. Bagaman nasa timbre pa rin nito ang kakaibang tigas, hindi rin maikakaila na nabahiran iyon ng labis na concern para sa kapatid nito. Pero hindi rin niya kinalimutan na ang gusto nitong ipagawa sa kanya ay mangangahulugan ng pagtaya ng kredibilidad ng mismong negosyo niya at ng personalidad niya mismo. “Magkano, Miss Enriquez?” untag nito sa kanya. “Hindi lahat ng bagay ay may katapat na halaga, Mister dela Merced.” “Call me Jaime,” bigla ay putol nito sa kanya. “Then call me Jenna,” kaswal na wika niya at nagpatuloy. “Nakakalula ang mga halagang binanggit mo. Mas mahala pa kaysa sa total contract price ng transaction namin. My business is doing fine. Pero ang magkaroon ng alok na kagaya ng sa iyo ay ibang usapan. Meaning, I could be many millions richer if I would want it. At ni hindi ako pagpapawisan. Kahit saang bagay, mas madaling manira kaysa mag-buo.” “Name your price,” tila inip na sabi nito. “Para maging mabilis na ang usapang ito.” “I’m so sorry, Jaime. Pero hindi rin naman ako basta-basta nasisilaw sa salapi. Her wedding is set,” seryososng sabi niya. “May kontrata kaming pinanghahawakan. Proteksyon namin iyon sa bawat isa.” Nagsalubong ang kilay nito at nagtagis ang mga bagang. May sandaling kinabahan din siya. Tila may taglay na panganib ang lalaking kaharap. Pero ipinaalala niya sa sariling wala siyang dapat ikatakot. Naninindigan lang siya sa katwiran niya. At bakit ba basta na lang siyang maniniwala dito? Ni hindi nga siya nag-abalang hanapan ito ng pagkakakilanlan. Hindi sapat na mukha at astang mayaman ito. “Ilang beses mo nang nakaharap si Mary Grace?” tanong nito mayamaya sa tinig na kataka-takang mababa. “Hindi ko na mabilang. I met her last month. Kasama niya dito ang isang kaibigan niyang ako rin ang humawak ng kasal a few months ago. Gusto ni Mary Grace na makasal before the end of this year. I suggested the months of October and November since December is also a busy month for weddings. And my December calendar is almost full. We checked the hotels and churches. Punuan na ang schedule for December kaya kahit na gusto sanang ipilit ni Mary Grace na December din magpakasal, nag-decide na siya na gawing October ang kasal nila.” “Do you know how old she is?” “Nineteen,” mabilis na sagot niya. “And her fiance, Jason is twenty-seven years old. Ako rin ang nag-ayos ng marriage license nila. May pirma ng mama ninyo para sa parental consent ni Mary Grace na magpakasal. In fact, I met Mrs. Divina Plamenco twice already. Dapat nga sana ay kasama rin si Mrs. Plamenco sa pagpunta dito noong isang linggo na nagpirmahan kami ng kontrata pero sabi ni Mary Grace ay nagtungo sa Bangkok ang mama ninyo.” Tumango ito. “Yeah. May dinalaw siyang kaibigan doon. I don’t understand women. Nabuhay ba ang mga babae para paglagpas ng disotso ay magpakasal na? At napakakunsintindor ni Mama. Ayaw niyang maniwala sa akin na napakabata pa ni Mary Grace para magpakasal. Kahit saang angulo ko tingnan, hindi pa siya handa sa bagay na iyon.” Tumikhim si Jenna. “I don’t think nasa posisyon ako para magbigay ng sariling opinyon.” “How old are you, Jenna?” “Thirty,” proud na sagot niya. “And still single?” “Yes, why?” “Nothing. Bakit hindi na lang gumaya si Mary Grace sa iyo? There’s so much in life for her. Bakit siya magpapatali agad sa isang kasal? She’s ruining her life. She’s crazy.” Isang paghinga ang ginawa niya. “Somehow you’re right. She’s crazy in love.” “In love?” kunot ang noong ulit nito. “Maybe she’s just crazy in love with the idea of being in love.” “Maraming beses na silang nagpunta dito ni Jason. Sa negosyo kong ito, alam kong kilatisin ang mga tao kung napipilitan lang bang magpakasal o hindi. At natitiyak ko sa iyo, hindi ganoon si Mary Grace. She’s maybe young compared to my other clients, yes, but she definitely knows what she is doing. Hindi siya nagpapadalus-dalos lang.” “You know nothing much about my sister. She excelled in school. Natapos niya ang elementary sa loob ng tatlong taon. Isang beses o dalawang beses kung ma-accelerate siya sa loob ng isang school year. At ganoon din noong high school. She’s only eighteen when she finished her college. Summa c*m laude as everybody expected. Akala niya siguro, lahat ng bagay ay nakukuha sa mabilisan dahil ganoon ang nangyari sa pag-aaral niya. Ni hindi siya pinagpawisang maghanap ng trabaho. Hindi pa man siya guma-graduate ay iba’t ibang alok na sa mga malalaking IT companies ang tinanggap niya. She’s so damn lucky taht she earns her money the easiest way. Ganoon kasimple ang lahat sa buhay niya. But she doesn’t realize it yet, hindi ganoon ang buhay may-asawa.” “Tha’t impressive,” aniya. “Pahapyaw lang na nabanggit sa akin iyan. At si Jason pa ang nagsabi. Proud na proud siya sa fiance niya. Mary Grace is humble about her success. At isa pa, mas nakatuon ang atensyon ni Mary Grace sa wedding plans. Siya ang mismong nagpapasya sa kaliit-liitang detalye. She’s very hands-on.” “Because she’s obsessed,” nabahiran na naman ng galit ang tinig nito. NAPAILING na lang si Jenna. Wala na siyang magagawa kung ano ngayon ang pananaw ng lalaking kaharap niya. Basta ang tingin niya ngayon dito ay walang iniwan sa isang ama na masama ang loob na mag-asawa ang unica hija. At nauunawaan din naman niya iyon. Iyon nga lang, silawin man siya nito ng malaking halaga ay hinding-hindi niya gagawin ang gusto nito. “Hindi naman sa itinataboy kita, Jaime. Pero kagaya ko ay abala ka rin sigurong tao. I believe we don’t have any business to each other to waste more time.” Tinitigan siya nito. “So, hindi ka talaga pumapayag sa alok ko?” Bigla ay bumalik ang kaarogantehan nito. “May kredibilidad akong kausap. At kapag pumirma ako sa isang kontrata, pinapanindigan ko iyon anuman ang mangyari.” Tumayo na ito. “Well, wala na akong magagawa. Pero gusto lang ipaalala sa iyo na hindi lang naman ikaw ang puwede kong alukin. I could pay a demoliton team para mangyari ang nais ko. I just considered you as one of the options.” “Demolition team?” gulat na sabi niya at muntik nang ikawala ng hinahon niya. “Talagang sisirain mo ang kasal ni Mary Grace.” “I’m very much serious about it. Kaya kung talagang magaling kang wedding planner, ngayon pa lang ay sinasabi ko sa iyo ngayon na triplehin mo ang galing mo. Baka lahat ng preparasyon mo ay masayang. Worst, masayang ang paninindigan mo. Kapag nasira ang kasal ni Mary Grace, sa iyo mababaling ang sisi. This fancy business of yours will be ruined. At ewan ko lang kung may matitira pa sa iyo.” Tumalim ang mata niya. “You can change your mind, Jenna. Kung papanig ka sa akin, may security pa rin ang future mo. Kahit na sabihin pang idedemanda ka ni Mary Grace sa pagsira mo sa kontrata ninyo, I can give you the best lawyer in town. Think about it.” At pumihit na ito. Bumilis ang pag-ahon niya sa upuan. “Jaime dela Merced,” halos apoy ang lumabas sa bibig niya na habol niya dito. “Yes?” may kahalong ngisi na lingon nito sa kanya. “Nagbago ka na ba agad ng isip? Well and good. How much do you want?” Isang sarkastikong ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. “Actually, may nakalimutan ang akong gawin. At gusto kong ipaalam sa iyo na kauna-unahang beses ko itong gagawin sa isang tao.” “Really? I should congratulate myself,” hambog na sabi nito. “Think again.” At bigla na lang lumipad ang kamay niya at malakas na lumagpak ang palad niya sa pisngi nito. Namanhid ang kamay niya sa impact niyon. Pero sandali ring namayani ang takot sa dibdib niya. Hindi nagpakita ng emosyon ang lalaki sa ginawa niya. Ni hindi nito sinapo ang pisngi na tiyak niyang nasaktan. He just looked at her. “Ikaw ang pinakamasamang taong nakilala ko. At kahit nagpapakilala ka pang kapatid ng kliyente ko, wala kang karapatang manghimasok sa usapan namin.” “I’m going to charge you physical injury.” “Oh, yeah,” tila nakakalokong sabi niya. “Kanina nga lang ay ipinagmayabang mong kaya mong kumuha ng magaling na abogado, di ba? Go ahead, magdemanda ka. At ipapa-blotter din kita. May banta kang sirain ang kasal ng mismong kapatid mo.” “I have my reason.” “Puwes, may katwiran din kami para ituloy ang kontrata namin. At labas ka doon. Now, get out!” “Hindi mo ako basta-basta maitataboy. I never forgive an injury. I’m going to punish you.” “Siyanga? Ano ang gagawin mo?” “You’ll see. Hindi naman ako nagmamadaling magbigay ng parusa. We’ll see each other again.” At tuloy-tuloy na itong tumalikod. Naiwan siyang nakatayo doon. At aminin man niya sa sarili o hindi, nagkaroon din siya ng kaba sa pagkakataong iyon. Parang mauubusan ng lakas na napaupo na lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD