Cierra Maureen's POV Pagbaba namin ni mama ng sasakyan agad naming napansin ang driver ni papa na nakatayo sa sasakyan na palagi nitong ginagamit. Naglakad papalapit sa amin ang personal driver ni papa kaya napatingin ako kay mama. "Sa tingin ko nasa office na ni chairman ang papa mo," saad ni mama at napatango naman ako. "Magandang umaga po sa inyo, madam and Miss Cierra. Nasa loob na po si senador," sambit nito sa amin at napatango naman kami parehas ni mama. Mukhang gusto na talaga ni papa na matapos 'to kaya naroon na siya kaagad. Kaibigan ni papa si Chairman Sanchez na tito naman ni kuya Mikee kaya ewan ko kay Ynah kung bakit pa siya nagsumbong kay chairman. Alam naman niya na hindi na pantay ang pagtrato ng mga tao rito. Makukuha niya ang simpatya ng mga studyante rito pero hind

