Cierra Maureen's POV "She ruined my face and my shirt, daddy." Laglag ang panga ko habang pinapanood na malakas na humahagulgol si Ynah sa daddy niya. Hindi ako makapaniwala na pinaghandaan niya talaga ang ganitong eksena. Ang galing niyang umiyak habang ang papa ko ay kalmado lang na nakaupo sa tabi ko kahit na alam kong kanina pa siya naiinis. Nasa living room kami ng office ni Chairman Sanchez. Nakaupo si Chairman sa pang isahang sofa na nagmistulang kabisera ng dalawang mahabang sofa na inuupuan namin. Ang isang sofa at sa amin nila mama at papa at isa naman ay sa mag-ama. Napataas ang tingin ko kay Francoise na nasa likod ng mag-ama na nakatayo at napakasama ng tingin niya kay Ynah. Naramdaman ni Francoise na nakatingin ako sa kanya kaya napatingin siya sa akin at umayos ng tayo.

