Cierra's POV "Mas lalo lang akong natakot sa kakayahan ng papa ni Cierra." "Si Ynah na 'yon pero nagawa pa rin siyang paalisin ng papa ni Cierra." "Nakatatakot talagang banggain si Cierra dahil kahit siya ang mali, nagawa pa rin siyang kampihan ng papa niya." Puro na lang tungkol sa akin, sa papa ko at kay Ynah ang pinag-uusapan g buong nursing department namin. Mas lalo lang silang natakot sa akin at sa tuwing makakasalubong ko sila, bigla-bigla na lang siyang napapalikod sa ibang gawi. Ang iba naman kinakampihan pa rin si Ynah kahit hindi naman talaga nila alam ang totoo. Sa totoo lang naaawa naman ako kay Ynah pero desisyon na ni papa 'yon. Tuluyna na nga niyang pinaalis si Ynah sa university namin kahit na nasa kalagitnan na kami ng second semester. Alam kong malaking kahihiyan

