Cierra Maureen's POV Mukhang nainis talaga sa akin si Francoise. Hindi niya ko sinabayanag kumain sa loob ng office niya kanina dahil wala siya roon tapos hanggang sa makauwi ako sa bahay namin, hindi ko na siya nakita. Wala man lang siyang text o tawag sa akin. Ayoko naman siyang kulitin kaya para na lang akong tanga na kanina pa tingin nang tingin sa cellphone ko. "Totoo bang lalabas kayong dalawa ni Minton?" gulat na tanog sa akin ni mama habang aglalakad ako pababa. Pumayag na si papa na aalis ako para makipag-date kay Minton kahit hindi naman 'yon talaga ang gagawin namin. Pumayag lang si papa dahil ang daddy mismo ni Minton ang nagpaalam. Akala talaga nila na may date kami kaya tuwang-tuwa ang mga magulang niya. Nahihiya rin sigurong tumanggi si papa sa daddy ni Minto dahil tum

