Cierra Maureen's POV Hindi magawang mawala ng ngiti sa labi ko habang hawak ni Francoise ang kamay ko at ang mga mata naman niya ay nasa kalye. Nakasunod kami sa kotse ni Minton papunta sa racing niya. "Kanina ka pa ngiti nang ngiti hah," saad ni Francoise nang mapansin niya na kanina ko pa siya tinitignan habang nakangiti. "Ang saya mo yata masyado na hindi ko kayang tiisin ka." Napatango ako dahil totoo naman. Magalit man siya o mainis sa akin. Dedmahin man niya ko buong araw, hahayaan ko lang siya dahil alam ko naman na kapag lumamig na ang ulo niya siya mismo ang maglalakad pabalik akin. Ano man ang mangyari sa mundo alam ko pa rin na may isang tao na maglalakad palagi pabalik sa akin kahit na gaano pa siya kagalit. "Dapat ko na bang habaan ang pagtitiis ko para naman matiis kong

