Chapter 15: Going too far! Nang matapos sila sa kanilang mga misyon ay agad bumalik sa sikretong formation ang dalawa at nagteleport pabalik sa loob ng Sect. Gabi na kaya nang matapos nilang kumpirmahin na natapos na ang mga iniatas na misyon sa kanila ay nagtungo agad sila sa kanilang dormitoryo para matulog. .... Mortal Defying Sect's School, Room 5 Ang room 5 ang silid ni Outer Elder Li. Kahit mukhang malaki ang silid na ito ay masasabing maliit pa rin ito kung ikukumpara sa ibang silid na halos doble ang lawak at laki kumpara sa silid na ito. Dalawampo lang ang lahat ng Outer Disciple na hawak ni Outer Elder Li kaya kahit na dumalo ang lahat ng disipulo ay marami pa rin ang magiging espasyo sa mga upuan. Madalas lang na dumadalo sa kaniyang pagtuturo ay lima pero nadagdagan ang mg

