Chapter 1
Chapter 1: The existence of someone.
Nakahiga sa sahig at walang malay ang binata. Tuloy-tuloy ang mga mensahe na tumutunog sa kaniyang isipan kaso wala siyang ideya sa mga sinasabi ng sistema.
[You've absorbed the soul of Angel]
[You've received her talent and potential]
[Potential and Talent of the host has already reach the limit of the mortal level and cannot improve anymore]
[Potential and Talent of Angel will be turning into experience points for host]
[Level 87 jumped to level 100]
Matapos mamatay ng Guild Master dahil kay Zac ay awtomatikong nadagdagan ng malaking experience points ang level niya. Kaya naman malaki ang tinalon nito at naging level 87.
[The body has reached the max level for next evolution]
[Host unconsciousness detected! Evolution will be on hold!]
[The system will take action since the Soul is slowly dissipating and will just be wasted if left alone.]
[Host still have 63% of Angel's talent and potential.]
[Turning Angel's talent and potential to harden the host body]
[Angel's remaining talent and potential have been absorbed. Her existence will be completely erased.]
Nagliwanag ang buong katawan ni Zac at ang kutis ng katawan niya ay lalo pang pumuti at kuminis. Siguradong ang mga prinsesa at prinsipe ay mabibighani sa taglay niyang kagandahang anyo. Kahit na mas mukhang humina ang binata dahil sa pagbago ng kutis niya ay naging malaki naman ang inilakas ng tibay ng katawan niya.
Kahit mismo ang binata ay magugulat sa oras na makita niya kung gaano na ngayon katibay ang katawan niya.
....
Sumikat na ang araw at makikita pa rin na nakahiga sa sahig ang binata. Sa tabi niya ay nakaupo ang walang kagana-ganang si Shi, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa dibdib niya ang sakit nang mawala si Angel.
"Kasalanan ko kung bakit siya namatay. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nangyari sa ala-ala pero nakita ko, hindi! naramdaman ko sa mga ala-alang iyon ang sakit noong nakita ko ang pagkamatay mo sa imahe." Wika ni Shi. Kagaya ni Zac ay may nakita rin siyang kaunting ala-ala at may na-absorba rin siyang maliit na parte ng soul ni Angel, soul na naglalaman ng walang kapantay na talento at potential.
Kung ikukumpara ang nakuha niya sa binata ay masasabing kapiranggot lang ito. Pero ang kapiranggot na iyon ay sapat na para umangat sa rank 4 ang kaniyang rank. Una palang ay naramdaman niya na ang paglakas ng katawan niya matapos ma-absorba ang soul, ngunit pakiramdam niya ay may mahalaga namang nawala sa kaniya na naging kapalit nitong lakas na nakuha niya.
"Sandali! Sino 'yong sinasabi kong nakita ko sa ala-ala? At bakit parang galit ako sa sarili ko?" Biglang gumuhit ang pagkagulo sa mga mata ng bandido na para bang biglang nabura sa isipan niya ang mga nakita kagabi na ngayon-ngayon niya lang iniisip.
"Ala-ala? Anong ala-ala ang sinasabi ko?" Tanong ulit niya sa sarili na tila mas nawala sa isipan ang mga nangyari kay Angel. Bumabalik na rin sa dati ang tono ng pananalita niya at lalo siyang naguluhan sa kaniyang mga sinasabi.
"Huh? Bakit pala ako umiiyak kagabi? Hindi naman mahalaga ang pamilya na binabantayan ko. Tsk! Oo nga pala ang Phoenix! Nakuha ng Butler ang Phoenix."
"Iba talaga ang trip ni Master, sa sahig pa natulog." Umi-iling na wika ni Shi ng makita niyang nakahiga ang Master sa sahig.
"Sandali! Bakit pala umiiyak at parang galit si Master kagabi? Hindi niya naman kaano-ano ang dalawang matanda na kasama ng Phoenix dito sa bahay na binabantayan ko." Napaisip saglit ang bandido at nanlaki ang mga mata niya ng maisip niya ang isang bagay. Tuluyan nang nabura ang mga ala-ala na naiwan ni Angel sa mundong ito, kahit buhay ang kaniyang Lolo at Lola ay siguradong wala na rin siya sa ala-ala nila.
"H-hindi kaya sobrang nalungkot si Master sa pagkawala ng Phoenix? Sabagay, sabi nga pala niya na mahalaga sa kaniyang katawan ang Phoenix."
Gumalaw ng kaunti ang katawan ni Zac at dahan-dahan itong bumangon. Umupo siya sa sahig at pinagmasdan ang mga kamay niya.
"Huh? Ano itong nag-i-init sa dibdib ko?" Nakatingin sa palad na tanong ni Zac sa sarili. Pakiramdam niya ay gusto niyang wasakin ang isang bagay.
Dumilim ang paningin ni Zac ng maalala niya ang nangyari. "Ang Mayor ay galing sa Goodman family at may ginawa sila. Sigurado akong may ginawa silang hindi maganda kaya ganito ang nararamdaman ko." Kampanteng wika ng binata. Nabura na sa utak niya ang nangyari kay Angel. Pero tuwing naiisip niya ang mga Goodman ay pakiramdam niya ay gusto niya silang wasakin. Kaya kahit hindi niya alam ang eksaktong nangyari kay Angel ay alam niyang may ginawa silang hindi maganda kaya ganito ang nararamdaman niya sa kanila.
Ang nangyaring laban sa pagitan nila ay malinaw na nakatatak sa isipan niya. May naiwang takot sa kaloob-looban niya matapos malamang kahit rank 5 Pinnacle stage na siya ay hindi pa rin ito sapat para pakiramdaman ang aura ng mana ng Mayor.
Hindi lang mararamdaman ng adventurer ang aura ng mana ng isang nilalang upang malaman ang rank nito, kapag mas mataas ng isang rank ang kabilang panig ay senyales ito na walang magagawa ang mas mahinang panig para pakiramdaman ang aura ng mana ng mas mataas na rank. Kahit ang early stage ng rank 4 ay mahihirapang pakiramdaman ang aura ng Pinnacle stage rank 4 kahit wala itong ginagawa, at lalong magiging imposibleng pakiramdaman ito kapag ginusto ng rank 4 pinnacle stage na itago ang kaniyang aura.
"Shi. May dala kabang mapa?" Kaswal na tanong ni Zac sa bandido. Wala na ang mga lungkot na makikita sa mga mata niya at kahit ang pananakit ng dibdib niya ay tuluyan nang naglaho kaya naman balik na sa dati ang dalawa.
"Meron akong kumpletong mapa ng mga sakop ng Miraven Kingdom pero normal na mapa lang ito. Hindi nakalagay ang mga delikadong lugar na pwedeng madaanan sa paglalakbay." Paliwanag ni Shi at naglabas ng mapa sa pouch niya. Inabot niya ito kay Zac at nagwika, "Parang nagbago ang kutis mo Master."
"Nagbago?" Tinignan ni Zac ang braso niya at totoo ngang mas pumuti at kuminis ang kaniyang kutis.
Naguguluhan ang binata ay napaisip siya ng nag-iisang posibleng pwedeng gawin para tignan kung may nagbago nga sa kaniya.
"Status."
[Level 100/100 - Evolution available]
"Level 100? Sigurado akong marami akong narinig na level up nung namatay ang Guild Master pero hindi ito umabot ng level 100. Anong nangyayari?" Naalala niya ang sunod-sunod na level up na narinig sa isipan ng mamatay ang Guild Master. Malaki ang tinalon ng level niya dahil sa rank 5 ang napatay.
"Wala rin namang mangyayari kung aalalahanin ko pa kung bakit. Isa pa, mas lalo akong lalakas sa hindi ko malamang dahilan ng pag-angat ng level ko. Isa itong biyaya." Tinanggal na ng binata sa isipin ang kakaibang bagay na nangyari sa kaniyang level. Kung tutuusin ay natuwa nga siya dahil sa mas lalo siyang lalakas sa pamanagitan ng pagtamo niya ng level 100.
"Shi hanapin mo sa labas ang isang binata na walang malay. Kaibigan ko ito at sa hindi ko malamang dahilan ay naiwan ko siya sa labas kagabi." Utos ni Zac na agad sinunod ni Shi. Lumabas ang bandido at hinanap sa baryo si Kaito. Maliit lang naman ang baryo kaya nakita niya rin ito kaagad.
[Do you wish to evolve?]
[Yes/No]
Pinili ni Zac ang [Yes].
Biglang nabalot ng itim na usok ang paligid niya. Tinibayan ng binata ang kaniyang loob sapagkat alam niyang walang kapantay na sakit ang mararamdaman niya sa pag-evolve kagaya noong una. Ngunit kasabay ng tindi ng sakit na matatanggap niya ay ang malaking benepisyo. Alam niya na imposibleng magkaroon ng benepisyo ng walang kapalit, kaya naman kahit mahirap ay gagawin niya ito ng walang pagaalinlangan.
Ang maliwanag na kalangitan ay nabalot ng dilim na tila nagbibigay ito ng senyales na may malaking sakuna ang darating sa mundong ito. Naglalakasang hangin ang tumama sa baryo ng Ipan na kahit ang ilang bahay dito na gawa sa bato ay tinangay ng hangin sa himpapawid.
"Anong nangyayari?" Sa isang parte ng baryo ay buhat ni Shi sa balikat ang walang malay na si Kaito. Nakatingala siyang nakatingin sa biglang dumilim na kalangitan. Gamit ang buong lakas niya bilang rank 4 ay hirap na hirap na agad siyang manatiling nakatayo sa sahig. Kapag nagkamali siya ng kahit isang galaw ay siguradong tatangayin din siya ng malakas na hangin at base sa lakas ng hangin na ito, siguradong malalagay sa peligro ang buhay niya at ng kasama.
"Ano iyon?" Nanginig ang mga binti ni Shi at parang mawawalan siya ng lakas ng makita ang isang buhawi na gawa sa itim na usok. Nang mapagtanto niya ang lokasyon ng pinanggalingan nito ay gumuhit ang pag-aalala sa mukha niya.
"Master!" Pinilit humakbang ng bandido paabante para magtungo sa buhawi dahil namuo ang buhawi sa kinatatayuan ng bahay ng mag-asawang matanda na pinamahayan ng phoenix na binantayan niya. Halos maubos na ang lahat ng mana sa katawan niya nang makarating siya sa harap ng pinagmulan ng buhawi. Nang makita niya ang nasa gitna ng baba ng buhawi ay para siyang nakakita ng halimaw.
Doon ay may pigurang napakaputi ng kutis. Ang mga mata niya ay nakapikit ngunit makikita sa ekspresyon ng mukha niya na parang wala itong pakialam sa mga nangyayari. Masiyado itong kalmado sa gitna ng napaka delikadong sitwasyon na kinakaharap niya.
Ang aura na inilalabas ng pigurang ito ay parang walang katapusang kapangyarihan. Pakiramdam niya ay kaharap niya ang isang nilalang na hinding-hindi matatalo kahit na kailan. At kilala niya ang pigura ng lalaking ito kahit na nagkaroon siya ng sungay, ang kaniyang Master. Ang respeto at tingin niya para sa tinatawag niyang Master ay lalo pang lumaki.
Siguradong kung may nang insulto ditong iba ay baka makikipagpatayan ang bandido para ipamukhang hindi sila karapat-dapat na insultuhin ang tinitingala niyang Master sa kaniyang puso.
"K-kailangang umatras. Mawawalan na ako ng mana." Wika ni Shi at tumalikod tiyaka pinilit na humakbang palayo. Nakakadalawang hakbang palang siya ay bigla rin siyang huminto nang may mapansing kakaiba at mabagal na lumingon sa kinaroroonan ni Zac.
Nang mapansing wala na ang napakalakas na hangin ay na-relaks na ang mga tuhod niyang kanina pa nanginginig at tuluyan na itong bumigay. Bumagsak sa sahig ang mga tuhod niya at dahan-dahang ibinaba sa sahig ang walang malay na si Kaito.
"Anong nangyari, Master?" Tanong niya sa binata. Kanina ay naglalabas ng napakalakas na aura ang binata dahil sa hindi niya pa nakokontrol ang kapangyarihan kanina habang nag-e-evolve. Pero ngayong nakatago na ang aura niya ay para nalang siyang isang ordinaryong tao.
Ang madilim na kalangitan ay bumalik sa dati nitong liwanag. Ang marahas at mapangwasak na hangin ay tuluyan nang naglaho. Kahit ang kakaibang buhawi na gawa sa itim na usok ay wala na sa kinaroroonan ni Zac. Naglaho ang lahat na parang bula.
Tinignan ng binata ang mga palad niya. Matapos ang evolution ay umangat ang kaniyang rank at lalo siyang lumakas. Pakiramdam niya ay kaya niyang wasakin ang kahit na ano gamit lang ang pisikal na lakas niya.
"Sapat na kaya ito para wasakin ang Mayor at Goodman family?" Tanong ng binata sa sarili. Kampante siya matapos maranasan ang evolution, hindi, kahit na hindi pa siya nag-evolve ay kampante siyang napakalakas na ng katawan niya. Ang evolution niya ay pinataas lang ang rank niya at pinalaking lalo ang mana na pwede niyang gamitin gamit ang anyong tao. Pero kung gagamitin niya pa ang Evil form ay siguradong mas lalakas pa siya.
"Status."
-------------------------
Name: Zac Morgan
Age: 20
Race: Mid Ranked Evil
Level: 1/150
Passive: Undying body.
Active:
Frigid Qi, Ruler, Evil Puppet.
-------------------------
"Evil Puppet." Hindi na nagulat ang binata sa bago niyang active skill. Kanina ay nakita niya na ito pero dahil sa pagkasabik sa evolution ay isinantabi niya muna ang pagtingin sa impormasyon ng skill. Natanggap niya ang skill na ito nang maging level 100 siya, pero ngayong nag-evolve siya ay wala siyang natanggap na bagong skill.
[Evil Puppet - is a skill that can control beings weaker than the host temporarily. Can be use to one being only. The stronger the will of being, the harder it is to be controlled.]
Ang Evil Puppet na skill ang isa sa mga pinaka dahilan kung bakit maraming sakunang natanggap ang halos lahat ng race na umatake sa Evil Clan para puksain sila. Kinailangan nilang lumaban muna sa sarili nilang mga kasamahan na kinokontrol ng mga evil bago makalaban ng tuluyan ang mga totoong kalaban.
"Evil Puppet." Itinutok ni Zac ang daliri niya sa walang malay na si Kaito at sinunod ang mga instruksyon sa paggamit ng skill. Bawat skill na natatanggap niya ay may detalye kung paano gamitin at sa bawat skill na natatanggap niya ay mataas ang kaniyang talento na nagpapadali sa paggamit ng mga ito. Kagaya ng Frigid Qi, sobrang taas ang talento niya sa paggamit ng yelo kaya kahit isipin niya nalang ang uri ng yelong i-a-atake niya ay gagana ito.
Hindi kagaya ni Red na sakto lang ang talento. Mataas ang talento ni Red sa elementong apoy at masasabing isa siyang henyo pagdating sa elementong apoy. Ngunit kahit na ganoon ay hindi pa rin kasing taas ng talento niya ang talento ni Zac sa yelo kaya kailangan niyang gamitin ang mga detalyeng pinag-aaralan sa libro at sundin ito ng maigi upang hindi magulo ang papakawalan niyang skill.
Kagaya ng Flame Dragon niya. Kailangan ay magpokus siya ng maayos dahil sa isang pagkakamali lang ay maaaring sumabog ang Flame Dragon bago ito mag-anyong dragon. Mukha lang madali para sa kaniya ang paggamit ng Flame Dragon pero ang totoo ay pinagsanayan niya ito ng ilang taon kaya naging bihasa na siya.
Pero kahit na sobrang taas ng talento ng binata ay may mga kahinaan pa rin ito. Kung ikukumpara ang mga atake niya sa atake ng iba ay masasabing mas mahina ang sa binata dahil sa sariling imahinasyon niya lang ang gamit. Hindi kagaya ng mga ipinasang skill o technique sa mga faction at clan na matagal nilang pinag-aralan para mas magamit ang mas malakas na atake. Inaaral nila kung paano at ano ba ang mga dapat gawin para lalo itong lumakas.
Kaya naman para mas mapalakas ng binata ang kaniyang mga atake. Kakailanganin niyang bumasa at mag-aral ng mga atake na nakabase sa paggamit ng Frigid Qi. O kaya naman ay pwede niyang pag-aralan ang Frigid Qi at umimbento ng sarili niyang atake na magtataglay ng walang kapantay na lakas. Pero para magawa ito ay kakailanganin niya ng mahabang panahon para matapot ito.
Nang gamitin ni Zac ang Evil Puppet sa nakahigang si Kaito ay may manipis na itim na parang sinulid ang tumama kay Kaito. Sobrang bilis nito ay magiging mahirap para sa iba ang makita ito.
Kumalat ang kaunting itim na sinulid sa bawat parte ng katawan ni Kaito. Kahit sa loob ng katawan niya ay mayroong pumasok. Sa mga kamay niya ay mayroon, sa mga paa at kahit sa kaniyang ulo. Matapos gumana ang skill ay biglang tumayo ang walang malay na si Kaito at ibinuka nito ang kaniyang bibig.
"Shi?" Nakangiting wika ni Kaito.
"Kilala mo ako?" Tanong ni Shi sa binata. Kanina niya lang nakita ang binata at ang alam niya lang ay kasama ito ng Master niya bago dumating sa baryo.
"Mn. Kaya ko rin kontrolin ang mana niya. Kaya siguradong pwede kong gamitin ang mga skill nila sa pakikipaglaban kapag may kinontrol ako." Napatango ang binata sa resulta ng skill. Ang pagkontrol sa iba ay magiging malaking tulong sa kaniya.
"At ngayong ganito na ako kalakas ay siguradong bilang nalang ang mga adventurer o bandido na mas malakas saakin kaya marami akong mapaggagamitan ng Evil Puppet."
Habang kausap ni Shi si Kaito ay biglang pumikit ang mga mata nito at bumalik ulit sa pagiging walang malay. Bumagsak ang katawan niya sa sahig.
"Shi, buhatin mo si Kaito kailangan nating pumunta sa isang lungsod."