Chapter 29: Strange tree. "Magandang hapon sa inyong lahat mga magigiting na Outer Disciple, hinihingi ko pangsamantala ang inyong atensiyon dahil may nais akong i-anunsiyo. May isang Outer Disciple sa pangkat ni Outer Elder Li ang magte-teleport papunta sa bundok." Paparusahan na sana ni Agua si Lanter sa kahangalan nito pero napahinto siya nang marinig niya ang boses ng kanilang Elder Wang. Eksaktong pagkasabi ng matanda sa anunsiyo nito ay nakaramdam siya ng presensiyang bigla na lang sumulpot sa hindi kalayuan. "Rank 6?" Natulala saglit si Agua sa gulat. Napansin niya na hindi niya matukoy ng maayos ang antas ng rank ng kakarating lang na presensiya. At alam niya na tanging mga rank 6 lang din ang makakapagtago ng kanilang mga aura laban sa pandama niya. 'Rank 6? At sumakto pa ito

