Chapter 41: Evil Lord! "Gamit ang Evil Form ay kasing lakas ko na ang mga Rank 7 kahit na High Ranked Evil pa lang ako. Paano pa kaya kung paangatin ko pa ng isang beses ang Rank ng katauhan ko bilang Evil?" Masayang tanong ni Zac sa sarili. Hindi niya inaasahan na ang trahedyang dala sa kaniya ng Demonic Beast ay magiging biyaya pala para mapaangat niya ng mataas ang level. Pero hindi lang ito ang lahat ng natanggap niya, sa sobrang sabik niya ay hindi niya pa namamalayan na maihahalintulad na pala sa mga Quasi Rank 8 ang pisikal na lakas ng katawan niya dahil sa kaluluwa ng Demonic Beast. "Status." [Level: 200/200 (Evolution Available)] [Evolution available, would you like to evolve to Evil Lord?] [Yes/No] Siyempre, pinili agad ni Zac ang [Yes]. Nabalot ng makapal na mana ang p

