Chapter 45: Secret Faction! Madilim at malamig na paligid ang makikitang nilalakaran ng tatlong pigura. Ang lugar na ito ay ang kuweba kung saan itinago ni George ang kaniyang Rank 8 Trial, ito rin ang nag-iisang lugar na pinagkuhanan ni Zac ng Concealment Ring at Rank 6 Pure Mana Pill. Kasama niya rito ngayon si Kaito at Shi upang gawin ang plano na naisip niya para mas mapalakas ang kapangyarihan na puwede niyang makontrol. Hindi masiyadong kita ang mukha ni Kaito at Shi dahil sa madilim na paligid. Gayunpaman, mahahalata sa mga mata at labi nilang abot langit ang ngiti na masaya at sabik na sila para makuha ang regalong ibibigay sa kanila ni Zac. Kahit na tumaas na ang pinapangarap nilang hinahangad na antas ng lakas nang maging rank 5 sila, hindi pa rin nila inaasahan na posibleng ma

