Chapter 43: Cooperation Mabagal sa paningin ni Albert ang ginawang paghawi ng espada ni Klein. Kahit gamitin ang mas mabagal sa normal na bilis niya ay madali niya pa rin itong maiiwasan. Ngunit dahil nga sa inaapakan na gumulo sa balanse niya at pumipigil ding magpagalaw sa kaniya ay hindi niya mapapakinabangan ang natural na bilis. Damang-dama niya rin sa harapan ang mapanganib na aura ng espada na wala man siyang impormasyon tungkol dito, alam niyang sa oras na mahiwaan siya nito ay magreresulta ito sa malalang pinsala o baka kamatayan pa niya. Nanlamig ang buong katawan ni Albert habang nakatingin sa papalapit na espada. Ang paligid niya ay bigla na lang nabalot ng itim na aura na parang sumesenyales sa kamatayan. Dahil sa aura na ito, ang desperasyon sa puso ni Albert ay tumindi. I

