Chapter 33: Entering the Ancient Gate! May mga abnormal na limitasyon ang pumipigil sa mga makakapangyarihang Adventurer para hindi sila makapasok. Tanging ang mga Adventurer na nasa wastong edad lang ang maaaring pumasok para makarating sila sa Ancient Realm. Labing-lima lang ang maaaring pumasok. Mayroon din itong limitasyon sa edad na tanging mga Adventurer lang na hindi tataas ng dalawampu't limang taon ang edad ang p'wedeng pumasok, tuwing may mas matatanda sa edad na ito ang pumapasok ay nagkakaroon ng problema ang Ancient Gate. Sa magkaibang panahon, sinubukan na noon ng Royal Clan at Noble Faction ang piliting pumasok kahit na hindi bababa ng dalawampu't lima ang edad nila. Mayroong kakaibang p'wersa na pumipigil sa mahihinang Adventurer na mas mataas sa dalawampu't lima ang eda

