Chapter 71: Richard Goodman's Past Life (Part 5) Dahil sa nalamang banta sa buhay ng mga magulang niya ay pinili niyang hindi muna magpakita sa kanila upang imbistigahan ang mga tao sa likod ng pagbabantang natuklasan. Sa maikling panahon na paghahanap niya ng sagot ay agad niyang natuklasan ang tungkol sa matagal nang kakompetensiya ng kaniyang mga magulang sa negosyo. Marami rin siyang nakalap na impormasyon tungkol sa mga kalaban kagaya ng pagiging masama ng kanilang relasyon kahit noon pa sa mga magulang ng kaniyang kinikilalang mga magulang ngayon. "Matagal na pa lang magkaaway ang mga kamag-anak nila Ina sa mag-asawang 'to." Kagaya ng sa Ina niya ay naiwan na lang din ang mag-asawang ito. "Hmph! Ang lakas ng loob niyo. Porke't Rank 5 kayo at mas mababa ang rank ng mga magulang ko

