Pagbalik namin sa bahay ng ale na ini-interview kanina e pinakain kami kaagad at kakatapos lang nilang mag-ahin ng hapunan para sa aming lahat. Dahil malungkot ang lahat ng tao ngayon sa bayan ng Miñu dahil sa nangyari, sa loob na lang ng bahay nila kami kumain unlike sa nakasanayan nila noon na sabay-sabay sila sa labas. Isa pang nakakalungkot para sa pamilya ng mga biktima ay hindi nila mabisita pa ang mga nagkasakit dahil hindi pa sigurado ang mga eksperto kung nakakahawa iyon. Habang kumakain kami ay nakatayo lamang sa gilid ang ale at pinapanood kami. Malungkot ang mukha niya at mukhang maiiyak na naman. Narinig ko kanina na ang pangalan niya ay Aling Marette at ang dalagang anak niya ay si Joy. Maaga pa actually para maghapunan, pero ganoon daw talaga ang oras ng pagkain nila rito

