Nagising na naman ako sa clinic. Gusto ko na lang sapukin ang sarili ko at ilang beses na akong nawalan ng malay. Sinabi ko nang ayaw ko nang bumalik dito, eh. Padabog akong umupo sa kama at inilibot ang paningin, ngunit tanging puting tela na nakapalibot sa kama lamang ang nakikita ko. Maya-maya pa ay narinig kong may papalapit sa kinaroroonan ko. Nag-uusap sila nang hawiin nila ang tela at saka pumasok sa aming ward. None other than Lincoln and Carson, pati na ang nurse. "Just how many times do I have to meet you here?" nagagalit na tanong sa akin ni Carter nang makita ang hitsura ko. Magkasalubong ang kanyang mga kilay na parang lalamunin ako nang buhay. Nanatili naman akong kalmado at nagkibit-balikat sa kanya. "I'm alright, though," tanging sabi ko na ikinairap niya. Malamang ay na

