Alas tres pa lamang ay nakagising na ako upang maghanda sa laro ko ngayong umaga, ang Track and Field. Alas sais pa lamang ang simula ng laro pero gusto ko sanang tumakbo-takbo muna to warm myself up. Nakaputing t-shirt lang ako at itim na jogging pants. Wala pa kasi yung sariling jersey ko na may apelyido ko sa likod at ipinatahi pa lamang. Useless na rin naman kung dumating pa dahil hindi ko na magagamit pagkatapos ng araw na 'to. Pero maganda rin iyong souvenir sa pagbalik namin sa Kari. I heard maganda raw talaga ang tela ng jersey, sports t-shirt, jacket, at pants nila. Mayroon din silang ipinamimigay na shoes sa players ngayong huling araw ng Sports Festival, pero mukhang kasabay na no'n ang jersey ko at iba pang damit. Iniwan ko na si Isla May sa kwarto mag-isa dahil mahimbing pa

