Nang mayroon kaming kumatok sa pinto ng hostel ay kaagad kong naitulak palayo si Lincoln. Hinihingal akong napalingon sa pintuan at ramdam ko ang init sa buong katawan ko. It's just a kiss—a passionate one. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili na kalimutan na lamang iyon. Base sa nararamdaman naming dalawa ni Lincoln kanina, alam naman naming hindi namin itutuloy iyon sa kung ano mang iniisip ninyo na malisyoso. It just happened na nandito iyon sa kama namin ni Isla May naganap at hiyang-hiya talaga ako! Although gusto ko ring sapakin ang lalaking 'to. Why did he kiss me, for f**k's sake? Binuksan ni Lincoln ang pinto at iniluwa noon si Isla May. Kasunod niya si Soren na kakaligo lang at basa ang buhok. "K-Kumusta ang game?" salubong ko sa kanila kahit na sobrang lakas ng pagkabog ng puso

