Napa-nganga na lang kami dahil sa pagkamangha kay Isla May. "Did she..." tanong ko na hindi ko pa natatapos ay sumagot na si Teacher Kalvin. "Yes!" tuwang-tuwa na sinabi niya at halos mapunit ang kanyang mga labi sa lapad ng ngiti. I can't believe this. Isla May managed to manipulate the horse's body? Hindi ko alam kung posible ba para sa Curses na mag-manipula ng actions ng hayop, dahil tao lang ang tanging nako-kontrol nila usually, but she managed to do it? "I don't think that's possible, Teacher," singit ni Soren na nakatitig kay Isla May na pinapaandar ang chariot at nakikipagbanggaan na sa kasabay. He must be reading Isla May's emotions. Napalingon tuloy kami ni Teacher Kalvin sa kanya. "It's her body. Inalis niya ang bigat niya kaya inakala ng kalesa na wala na siyang sakay," pal

