Maaga kaming nagising ngayong araw, ang ikatlong araw ng Sports Festival ng Blaire, sapagkat gaganapin ngayon ang dalawang sports na sasalihan nina Isla May at Soren. Alas singco pa lang kasi ay pinaghahanda na ang players ng Triathlon dahil alas sais ay magsisimula na upang hindi rin mabilad ang players. Isang advantage sa lahat ng manlalaro dahil hindi sila kaagad mapapagod. Ang Badminton naman ay mamaya pang hapon, pero nakabihis na rin si Soren. Si Isla May ay excited na mula pa kagabi, although kinakabahan daw siya. Nakaraos naman ang kanyang cocktail dress sa buong maghapon kahapon at nilabhan niya pa iyon kagabi upang maisuot niya raw iyon sa huling gabi ng Sports Fest. Speaking of kagabi, naalala ko yung magical place na pinuntahan namin ni Lincoln. Sayang nga lang at hindi ako

