Magdidilim na ang kalangitan kaya may kadiliman na rin sa lugar na ito, but the giant mushrooms and the little ones glowed a very warm light; it was as if the light shone directly from the moon. Kaya mula rito ay kitang-kita pa rin ang magandang tanawin ng isang talon. Halos patakbo akong lumapit doon dahil para ako nitong hinihila papalapit. Asul na asul ang tubig at nararamdaman ko ang enerhiya ng mahikang pumapalibot dito. Mga nagliliparang mga paru-paro, mga gintong kulay na isda na patalon-talon mula sa tubig at ang mga makukulay na halaman sa paligid ng tubig ang malinaw kong nakikita sa harapan ko ngayon. "Do you like it?" Naramdaman ko na lamang na nakalapit na sa tabi ko si Lincoln habang nakatingin lang sa tanawin. Tumango lamang ako nang hindi lumilingon sa kanya. "This is ju

