"Tulong! Bulag ba kayo? Tulungan niyo 'ko!" Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ang huling sigaw nito. Ilang metro na ang layo ng mga ito sa akin, pero hindi ako nagdalawang-isip na habulin ang mga ito. Huminto ako sa paglalakad nang nasa likuran na lang nila ako. "Stop," utos ko sa mga ito. Nahinto ang mga ito sa paglalakad at unti-unti akong nilingon. Pinagmasdan ako ng dalawang lalaki mula ulo hanggang paa, at gano'n na lamang ang pagkabigla nila. Napabitaw sila sa pagkakahawak sa braso ng babae at nanatiling nakatingin sa akin. "I'm not that beautiful, though," bulong ko sa sarili ko. Pero this time, wala nang script. It was definitely my own words. Nang harapin ko uli sila, gano'n pa rin ang mga titig nila sa akin. Gano'n rin ang babaeng hostage. Hindi ko kita ang mukha nito n

