"Wondering why I'm here with you? Well... let's just say that I'm here to return the favor," aniya muli at saka na lumayo sa akin ngunit hindi pa rin inaalis ang mga tingin niya. What favor? Ah—what I did to his boss, Stanley Naiver, gagawin niya rin sa akin? As if I'll let him touch me. Akmang tatayo na ako nang maayos at lalayasan na siya nang biglang gumapang ang mga ugat ng puno sa mga paa, kamay, at buong katawan ko at mas lalo akong naitali sa puno. Napamura ako nang mahina nang makita ang nakatawang mukha ni Denver. Maya-maya pa ay dumating sina Soren at Isla May na nakatali rin ng makakapal na ugat ng puno habang ang kabilang dulo noon ay hawak-hawak ng isang pamilyar na lalaki, si Otis. Isa rin itong kampon ni Stanley. Nalilito akong tumingin sa dalawa kong kaibigan. Ganoon din

