Tumayo si Taumer at mabilis ang mga naging pangyayari. Binigyan niya ng isang suntok sa mukha si Dustin na ikinabigla ko at ng lahat ng tao. Saka niya binitbit ang tray at naglakad na palayo. "Taumer! Wait!" rinig kong sigaw ni Fiona pero hindi ako tumigil sa paglalakad. Mas lalo ko pang binilisan. Sa sobrang pagmamadali ko, may nabangga akong isang estudyante. Natapon yung tray ko pero hindi ko na pinulot. "S-Sorry," nasabi ko na lang at napatingin sa nakabanggaan ko. Ang gwapo niya! Grabe, ang daming gwapo rito sa paaralan na 'to! "Pasensya na rin, natapon ang pagkain mo." Saka niya itinuro ang mga platong nagkalat. "Mukhang gutom ka pa naman," aniya nang makita ang gabundok na pagkain na natapon. I gave him a shy smile." Hindi naman gaano." Dahil doon, nag-insist siya na ihatid n

