"Sino nga, Elvis?" iritableng tanong ko. Naubos na ang pasensya ko. Right, ito talaga si Taumer. Maiksi ang pasensya. "Biro lang! Siya yung may tattoo sa may right arm. Nakikita mo ba? Kusang naukit yun doon. Kasi kakaiba siya." Kakaiba? Hinanap ko yung tattoo sa braso ng dalawa. Napa-face palm na lang ako nang mapagtanto kong parehong may manggas ang mga damit ng dalawang naglalaban. "Elvis!" inis na sabi ko at sinamaan siya ng tingin. Tumawa naman siya nang tumawa. "De, ito na talaga..." seryosong sabi niya. "Uy, oh! Natumba si Theo! Totoo ba 'to?" Napatingin ako ulit sa baba. Yung lalaking nakangisi kanina ay nakahiga na ngayon sa sahig. So, siya si Theo. Napatayo ang ilan sa mga nanonood na para bang hindi inaasahan ang nangyari. "Grabe, first time yun, Taumer," hindi makapaniwal

