Kabanata 6

2196 Words
Bumalik ako sa dorm noong maggagabi na. Natural na lakwatsera talaga ako kaya nalibot ko na ang buong Kari Academy. Sobrang lawak nito pero kakaunting mga gusali lang halos ang nakatayo rito at madalas ay mga puno na nagkalat. Ang mga gusaling nadaanan ko ay madalas mga bakante o mukha lang talagang abandonado. Dalawang matino lang ang nakita ko, bukod sa lecture building, ay ang opisina ng mga guro at direktor pati na ang clinic. The rest, hindi na ako sigurado kung ginagamit ba talaga. Napadaan din ako sa isang napakalawak na field na malayo sa lahat ng gusali. Puno rin ito ng tuyong mga dahon ngunit kapansin-pansin ang pabilog na sementadong parte rito na kumukulong sa matitingkad na berdeng d**o. Ito ay ang Training Ground ng academy. Ilang metro mula rito ay matatagpuan naman ang malawak at may kataasang gusali ng Kari Arena na gawa sa bato. Kitang-kita ang mataas na puting tarangkahan at mga nagtataasang pader, ngunit masisilip pa rin ang malawak na sementadong espasyo pagtapak mo sa loob. Sa tantiya ko, nasa mahigit dalawampung steps ang layo nito mula sa entrance ng mismong arena. The Kari Arena is a rectangle with rounded corners. Wala itong pintura na tila ba kinapos sa budget, although mataas ang expectations ko sa loob nito. Nang pabalik na ako sa dorm sapagkat narating ko na ang dulo ng Kari, napadaan naman ako sa isang playground na hindi ko inaasahan dahil sigurado naman akong walang bata rito sa Kari. Malapit lamang ang palaruan sa dormitory building, ngunit hindi ito kaagad mapapansin dahil halos palibutan ito ng mga puno. Mayroong tatlong swings na magkakatabi, dalawang slides, dalawang seasaws, at mayroon pang mga nagkalat na laruang pala, timba, at iba pa na pupwedeng gamitin sa paglaro ng buhangin. It is absolutely a child's heaven, pero alam kong heaven din ang lugar na ito para sa akin. Napaatras ako nang biglang mayroong isang lalaki na nagpadulas sa slides at nakangiting pusa sa akin. Hindi ko naramdaman ang presensya niya! "Curses naturally have anger issue, so this place was built for that. More like a comfort area for them," paliwanag niya habang pinagmamasdan ang gulat ko pa ring mukha. I don't remember asking about the place's purpose, but it was good to know that piece of information. I didn't know we have anger issue until this stranger said it. "Marami pang nagkalat na palaruan dito sa campus. Takbuhan ng lahat iyon when we feel angry or sad." Tumango na lamang ako sa kanya. The unfamiliar man was sitting at the end of the slide, his legs were crossed, while staring at my face. Nakabukas ang unang dalawang butones ng kanyang puting uniporme na mayroong itim at pulang checkered na collar. Bagsak ang hanggang balikat na buhok ng lalaki, bagay sa pahaba niyang mukha. Kulay putik ang kanyang mga mata na maya't maya ay nagiging abo. Manipis ang kanyang may pagkaputlang mga labi na inipitan niya ng isang stick ng sigarilyo. "Is smoking allowed inside the campus?" tanging lumabas sa bibig ko makalipas ang ilang minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nawi-weirdo-han din ako sa papalit-palit na kulay ng kanyang mga mata. Bumaba ang tingin ko sa gold plated na ID na nakasakbit sa leeg niya. Nababasa ko mula roon ang pangalang Tripp Ekker. "They hardly care," tugon niya at saka sinindihan ang sigarilyo. Sinipsip niya iyon saka ibinuga ang usok sa gilid niya. "Aren't you going back to the dorm? Magdidilim na." Alangan akong tumango sa kanya bilang pagsang-ayon. "Alright. I'll see you around then," paalam ko sa kanya na tila ba matagal na kaming magkakilala at saka ko na nilisan ang lugar na iyon. Ngunit naka-tatlong hakbang pa lamang ako ay mayroon siyang hinabol na mga salita. "My eyes switch colors whenever I use my bane. I can read your mind, freshman." Oh. That explains his weird eye colors. Huminto ako sa paglalakad at sandali siyang nilingon with a sheepish smile. "I like them gray," tanging sinabi ko at saka na ako nagmadaling umalis. Tanging halakhak na lamang niya ang narinig ko. Nang matanaw ko ang aming dormitoryo, nagtaka pa ako nang makitang maraming estudyante ang nasa labas. May mga nagkalat na mga mesa na gawa sa kahoy na pinatungan ng tig-iisang lampara. Nakaupo ang mga estudyante sa mga iyon na tila ba naghihintay ng pagkain. Nagmistulang karinderya ang tapat ng dormitoryo. Maya-maya pa ay may mga lumabas sa dorm na may dala-dalang trays. Inilapag nila ang mga iyon sa isang mahabang lamesa na nakadikit sa pader ng gusali, kasabay noon ay ang pagtayo ng tig-iisang estudyante kada mesa upang magsandok ng pagkain ng kanya-kanyang grupo. Nang tuluyan akong makalapit, kusang hinanap ng mga mata ko si Clementine, pati na ang tatlong mga kaklase ko. At sakto namang lumabas silang apat mula sa dorm na nakapantulog na, tila ba bumaba lang talaga sila upang kumain. Habang kumakain na ang lahat, nanatili akong nakatayo rito sa isang tabi. Naramdaman ko na nilapitan ako ng isa sa mga kaklase kong babae. "Tayong dalawa na lang ang walang room. Yung dalawa ay roon na raw sa silid ni Clementine," aniya habang pinapanood namin ang dalawa naming kaklase na umupo sa isang mesa kasama si Clementine at isa pang babae na hindi pamilyar sa akin. "Aren't you going to eat?" tanong niyang muli nang hindi ako kumibo sa sinabi niya. Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin dahilan upang mapatingala ako sa kanya sapagkat hanggang balikat niya lamang ako. Umiling ako. "I guess I'll have to sleep at the lobby tonight." Tiningnan niya ako na para bang nawi-weirdo-han siya sa akin. "Clementine said she'll ask others kung may bakante pa. Too bad hindi nakiki-share ng rooms ang Class of Experts pati na ang iba pang matataas ang levels sa ating low levels. Sila pa man din ang mayroong maaliwalas na silid." Napangiwi ako sa sinabi niya. Kung totoo nga iyon, ang unfair naman na nagsisiksikan ang apat na estudyante sa isang silid habang ang mga ito ay mag-isa, o maximum na ang dalawa, sa kanilang maaaliwas na mga silid? "Ayos na ako sa lobby kung wala talaga. Mukhang malapit naman nang magawa yung kabilang dorm," tugon ko sa kanya sa kabila ng pagkadismaya ko. Napatingin ako sa ID nitong kaklase ko. Mayroon din siyang portrait na larawan doon at sa ibaba noon ay ang pangalang Isla May Dumont. Matangkad ang babaeng ito at malinis ang hitsura kahit na mukhang hindi siya nag-aayos ng buhok o mukha. Hindi ko alam kung natural na naka-frown ang mukha niya dahil kanina pa niyang umaga suot iyon. Napatingin kami sa direksyon ni Clementine nang bigla niyang tawagin si Isla May. Doon ko pa lamang siya nakitang ngumiti at saka niya ako nilingon. "Anong malapit? Ilang taon nang tinatayo 'yan pero hindi pa rin tapos. Good luck na lang sa paghihintay mo," sabi niya saka ako iniwang mag-isa rito sa dilim. Ngunit kaagad din akong sumunod sa kanya nang makitang sinenyasan din ako ni Clementine na lumapit. Iginiya kami ni Clementine sa harapan kung saan makikita kami ng lahat ng estudyante na abala sa pagkain ng kanilang hapunan. "Magandang gabi. Mayroon pa ba sa inyong space para sa dalawang baguhan natin dito?" malakas na sinabi ni Clementine dahilan upang mapatingin sa amin ang lahat. Halos mailang ako sa lahat ng atensyon na natatanggap ko. Hindi kasi ako masyadong sanay na nasa spotlight, hindi tulad ng nakatatanda kong kapatid na si Carson na parating laman ng balita. Sabay kaming napatingin ni Isla May nang mayroong isang babae ang nagtaas ng kamay. Nakaupo iyon sa mesa na tatlo lamang ang okupadong upuan. "May space kami para sa magandang dilag," sabi niya sa kanyang sigang boses saka ito kumindat sa akin. Napaawang ang bibig ko nang dahil sa inasta niya. "Isla May, you can go," bulong ko kay Isla saka siya marahang itinulak. Nag-aalangan pa siyang tumingin sa akin pero lumapit din naman doon sa mesa. "Wala na bang iba?" muling tanong ni Clementine ngunit nanatiling tahimik ang paligid at tanging kalansing ng kubyertos lamang ang maririnig. Malungkot na humarap siya sa akin. "I guess you have to sleep sa lobby muna," aniya na tinugunan ko lang ng isang simpleng pagtango. It can't be helped. Ginawa naman niya ang part niya na tulungan kami. Isa pa, wala namang problema sa akin kung saan ako matulog. Sa mansyon nga ay iniwan akong natulog sa porch nang hindi man lang kinukumutan o ano pa man. Akmang babalik na sa mesa nila si Clementine nang makarinig kami ng malakas na pagkalansing ng mga kubyertos na tila ba padabog na ibinaba iyon sa plato. Mula sa isa sa mga napakaraming mesa na nakakalat dito, isang lalaki na may suot pang uniporme ang lumapit sa amin. Pamilyar ang postura nito sa akin habang naglalakad papalapit ngunit hindi ko maaninag ang mukha niya nang dahil sa kakulangan ng liwanag dito sa labas. "She can stay in my room," tipid na sinabi ng pamilyar na boses saka ko naramdaman ang mabigat na kamay niya na umakbay sa akin. Pinagtitinginan kami ng lahat ng mga estudyante at para silang nakakita ng multo. Maging si Clementine ay tila nagulat at hindi na nakapagsalita. Hindi na ako nakapag-react nang kaladkarin ako ng lalaki pabalik sa kanilang mesa at saka ako s*******n na pinaupo sa bakanteng upuan. Umupo siya sa tapat kong upuan katabi ang isa pang lalaki na magulo ang buhok at tila tamad na tamad sa pagsubo ng pagkain. Nang inangat ko ang tingin ko sa lalaking kumaladkad sa akin, halos malaglag ako sa upuan nang makilala ko siya. Sa tulong ng liwanag na nagmumula sa lampara, malinaw ko nang nasilayan ang pagmumukha niya. "Carter?" naibulalas ko nang dahil sa pagkabigla. Medyo na-kontrol ko pa ang lakas ng boses ko kung kaya iilan lamang ang napalingon sa amin. Isa na ang roommate niya sa mga iyon na napalingon sa amin, tila ba nagising lang siya sa pagsigaw ko. "What are you doing here, Prez?" tanong niya sa iritableng boses habang kunot-noong pinagmamasdan ako. Umiling ako habang unti-unting napapangiti. "Dad sent me here." "You knew her?" biglang tanong ng kasama namin sa mesa at kunot-noong napatingin sa akin. "Akala ko ay nagpaka-good samaritan ka lang," komento pa nito at saka nagpatuloy sa pagkain at mabagal na pagnguya. Napabuga ng hangin si Carter habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Hindi kami nagkita for two whole years at ganito ang bati niya sa akin? "She's my little sister," simpleng sinabi niya saka siya biglang tumayo. "Wait here. Ipangkukuha kita ng pagkain." Hindi na niya ako hinintay na magsalita at nagpunta na siya sa buffet table. Carter Saige. Hindi ko pa nababanggit na mayroon pa kaming isang kapatid ni Carson, ngunit hindi na ito nakatira sa mansyon dahil kusa itong umalis. Siguro ay nasakal sa paraan ng aming ama sa pagpapalaki sa amin. Hindi ko alam na dito pala siya sa Kari Academy nagpunta simula noong lumayas siya dalawang taon na ang nakalilipas. Kaya pala malakas ang loob niya dahil may libreng dormitoryo rito. He is Carson's fraternal twin brother, by the way. Sobrang magkaiba rin ang pa-uugali ng dalawa kaya siguro magkaiba rin sila ng piniling landas sa buhay. Napatingin naman ako sa nag-iisang kasama ko sa table na nakatingin sa akin at tila hindi makapaniwala sa sinabi ni Carter. Ruby-plated ang ID na suot niya which only means na kabilang na siya sa Class of Experts. Ang pangalan niya ay Jon Kadence Boneflare. Mula sa tamad na hitsura kanina, biglang umaliwalas at sumigla ang mukha niya. "So you're the one and only Presley? Nice to meet you, princess. I'm your brother's bestfriend, Kad. We've been together for almost two years," nakangiti niyang sinabi saka niya inabot ang kanyang kamay. Tinanggap ko naman iyon at nakipag-shake hands. "Nice meeting you, Kad." Nang makabalik si Carter sa lamesa, inilapag niya sa harapan ko ang isang plato na mayroong gabundok na kanin at ulam na gulay. Sinimangutan ko siya nang makitang nakamasid pa rin siya sa akin. Walang nagbago sa mukha ni Carter bukod sa ilang maliliit na galos sa gilid ng mga labi niya. Teka, nakipag-away ba 'to o ano? "I didn't know you're also a curse. Like me," sabi ko sa kanya nang dinampot ko ang mga kubyertos at nagsimula nang kumain. Nanatili siyang nakatingin sa akin nang seryoso. "You shouldn't have come here. In-enjoy mo na lang sana yung pribilehiyo mo roon bilang isang Saige." Naibagsak ko ang kubyertos na hawak ko nang marinig ang sinabi niya. Kinunutan ko siya ng noo. "Are you being sarcastic with me?" iritable kong tanong sa kanya. Hindi nagbago ang ekspresyon niya sa mukha at walang pagkurap na sinalubong ang mga tingin ko. "I'm saying this is not the best option for you." Mas lalo akong napasimangot sa sinabi niya dahil siya mismo ang tumalikod sa pribilehiyo niya bilang isang Saige. Dapat nga ay ma-proud pa siya at sinundan ko ang tapak niya—unintentionally! Umirap na lamang ako sa kanya at nagpatuloy sa pagkain. "It's your first time meeting after two whole years and you're arguing?" hindi makapaniwalang komento ni Kad nang marinig ang pagtatalo namin. "Saiges are unbelievable," dagdag pa niya bago muling ngumuya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD