Kabanata 7

2207 Words
Hinayaan akong matulog ni Carter sa kanyang kama habang siya naman ay nahiga sa isang pahabang sofa sa tabi ng pintuan ng silid. Hindi na niya ako kinibo pa mula nang magtalo kami kanina sa hapag-kainan. Hinatid niya lang ako rito at siya na rin ang kumuha ng malaking bagahe ko sa silid nina Clementine. "Good night, Presley," rinig kong bulong ni Kad at saka na lumubog sa kanyang kumot. Tanging ang side table lang ang naghihiwalay sa single beds na hinihigaan namin. Hindi ako makatulog noong gabing iyon. Nanatili akong nakatulala sa kisame buong gabi hanggang sa abutin ako nang madaling araw, oras na ng paggising ng dalawa kong roommates. Nasa alas cuatro pa lamang iyon pero bumangon na si Carter at gumayak habang si Kad ay tumawad pa ng limang minuto. Umupo ako sa kama habang pinagmamasdan si Carter na gulu-guluhin ang kanyang buhok sa harap ng salamin. Nakapagsuot na kaagad ito ng kanyang itim na jogging pants na mayroong logo ng Kari sa parteng binti at pulang t-shirt na mayroon ding logo sa dibdib. Pinaresan niya ang uniporme niyang iyon ng puting rubber shoes. Mukhang physical activities ang schedule nila ngayon dahil sa uniporme na suot nila. "Ew, you didn't take a shower?" nakangiwing tanong ko sa kanya habang pinapanood siya sa ginagawa niya. Ni hindi siya lumabas ng silid na ito upang maligo at nagbihis lang. And I remember what Clementine said pala, na ang paliguan dito ay ang creek sa likod ng dormitoryo. "Mind your own business, Prez. The creek's water must be freezing at this hour," aniya habang nagsusuot ng cream-colored na jacket. Humarap siya sa akin nang isuot niya ang hoodie niya. "And why aren't you sleeping?" Hindi na ako nakapagsalita. I can't sleep. Hindi ko alam kung namamahay ba ako o marami lang talaga akong iniisip. Humiga na lang ako ulit at pinilit ang sarili ko na makatulog kahit na sandali lang dahil baka sa klase ako mahilo sa antok mamaya. Habang nagpapaantok, narinig ko ang pagsipa ni Carter sa kama ni Kad. "Wake up, Kad. I'm leaving," sabi nito dahilan upang biglang mapabangon ang huli. Seriously, ganito kaaga sila pumasok? Ang hirap naman pala sa Class of the Experts! Paano pa kaya ang mga mas matataas na klase? Hindi ko na alam kung anong oras nakaalis ang dalawa dahil tuluyan na rin akong nilamon ng antok. Nagising na lamang ako nang makarinig ng emergency siren sounds sa buong dormitoryo. I think nabanggit sa akin ni Kad ito kagabi at itong tunog na ito ay nagsisilbing wake-up call sa mga estudyante. Alas otso raw ang standard na oras ng klase kaya sampung minuto bago mag-alas otso ay tumutunog ito nang pagkalakas. Imposible na hindi ka mabulabog dito. Paglabas ko ng silid habang nakasampay ang tuwalya sa balikat ko at sa kabila naman ay ang maliit na backpack na nilamnan ko ng uniform ko, nakita ko kung paano magtakbuhan ang mga estudyante pababa sa hagdan habang inaayos pa ang neckties nila o ribbons sa uniporme. Lahat ay nagmamadali nang umalis sapagkat sampung minuto na lang ay magsisimula na ang klase. Napamura ako nang may isang bumangga sa akin nang dahil sa kakamadali. Lumingon pa ito sa akin at humingi ng paumanhin, pero natigilan ito nang makilala ako. "Presley? Oh gods, ano'ng ginagawa mo? Bakit hindi ka pa bihis?" sabi niya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. "Oh, I overslept. You can go first, Isla. I'll take a bath muna," tugon ko sa kanya at nginitian pa siya. She was wearing a black jogging pants and a brown-colored t-shirt. Ito naman ang uniporme ng Class of the Rookies kapag pisikal na aktibidad ang gagawin sa klase namin. Ang top lang ang pinagkaiba sa ibang classes. Umiling sa akin si Isla. "Oh, come on. We are not allowed to be late!" nagpa-panic niyang sabi saka ako muling itinulak papasok sa silid nina Carter. "Go change into our PE uniform. I'll wait outside!" Saka niya pabagsak na isinara ang pinto. Man, hindi ba ako pupwedeng maghilamos man lang? Wala na akong nagawa kung hindi magpalit na ng athletic uniform namin kahit hindi pa naliligo. Bakit kaya takot na takot ang mga estudyanteng 'to na para bang papatayin sila kung ma-late sila ng isang beses? Paglabas ko ng pintuan, walang sabi-sabing kinaladkad ako ni Isla May pababa sa hagdan at palabas ng dormitoryo. No breakfast for both of us, I guess. Nang dahil sa bilis tumakbo nitong si Isla, nakarating kami sa field o Training Ground bago mag-alas otso. Maraming estudyante rito na mula sa iba't ibang klase. Madali lang malalaman sapagkat iba-iba ang kulay ng tops namin. "Ha, we're not late," hinihingal na sinabi ni Isla nang makarating kami sa tabi ng mga kaklase namin at binitawan niya ako upang mapahawak sa tuhod at maghabol ng hininga. Ganoon din ang ginawa ko dahil hindi biro ang tinakbo namin. Ngunit pag-angat namin ng tingin namin, isang lalaking guro na bago ang mukha para sa akin ang masama ang tingin sa aming dalawa. "If the instructor comes before you, you're considered late," sabi niya at saka ipinalo sa kanyang palad ang hawak na bat. I don't know why he was holding such thing—are we playing baseball? Narinig kong napamura nang mahina si Isla nang dahil sa sinabi ng guro. "We're dead," she mumbled. "But since I'm in a very good mood today, I will be easy on you. Run twenty laps, now!" Nabigla pa ako sa biglang pagsigaw niya pero kaagad akong nahila ni Isla May sa pagtakbo. Twenty laps? Bruh. We weren't even late! So this is school, huh? This is what my cousins face everyday—waking up early, crazy rules and instructors, and punishments. On our way to five laps and we were already tired and breathless. Napaluhod ako at ibinagsak ang aking katawan sa damuhan habang nakatingala sa maliwanag na kalangitan. Mabuti na lamang at malamig pa ang umagang iyon at hindi ko kailangang mag-alala na baka ma-heat stroke ako. Bumagsak din si Isla May sa tabi ko at kanina pa siya mura nang mura. "This is all your fault, Prez," sisi pa niya sa akin at napabuntong-hininga. "Sino ba'ng nagsabing hintayin mo ako?" sagot ko sa kanya pabalik pero sa mas kalmadong boses sapagkat ayokong pagsimulan iyon ng away. Sabay na lamang kaming napabuntong-hininga dahil wala na rin naman kaming magagawa. Maya-maya pa ay mayroon ding bumagsak na pawis na pawis na katawan ng isang lalaki sa kaliwang tabi ko. "This is just absurd! Do you know what is the punishment of the day?" tanong ng lalaki sa tabi ko who turned out to be the manipulator of emotion from yesterday, Soren. "The punishment of the day?" tanong ni Isla May nang marinig ang sinabi ni Soren. Marahang tumango ito. "Katumbas ito ng meal of the day sa dorm. Araw-araw ay iba-iba ang punishments na matatanggap ng mga estudyante," paliwanag ni Soren sa kanyang nakalukot na mukha. 'Wag mong sabihing after this twenty-lap punishment for being late ay mayroon pang hiwalay na parusa? "Kaya dapat inaalam ninyo ang schedule ng punishments para alam ninyo kung kailan kayo hindi dapat mag-cause ng trouble," he freaking advised. Great. Punishments have a menu in this academy. So as per Soren's advice, we should just cause trouble when the punishment is endurable. Like can you imagine this scenario between students: "What's the punishment for today?" "It's called Ice Durability." "Oh, I can't stand cold. Let's just get into trouble tomorrow." He's just crazy. Dali-dali kaming bumangon tatlo at nagpatuloy sa pagtakbo nang marinig na binulyawan kami ng aming instructor mula sa malayo. Hindi naman namin kaklase itong si Soren pero bakit nakikitakbo ito sa amin? Nang matapos namin ang ika-labinwalong lap, sumuko na si Isla May at bumagsak na sa sahig. Habang ako ay napahinto rin dahil sa matinding pagkangalay ng mga binti ko. I used to run a lot back in Ligaya since I had to escape from trouble that I myself created, but not this much. This is t*****e. Bumagsak na rin si Soren sa likod ko. Sa lawak ng field na ito, hindi talaga biro ang twenty laps. Dalawang laps na lang sana at matatapos na kami, pero hindi ko na magawang ihakbang ang mga binti ko. "Too bad, troublemakers. You'll have to see me after this class," sabi ng PE instructor namin na ang pangalan ay Kalvin, bagay sa kalbo niyang ulo. Dinuro-duro pa niya ang hawak niyang baseball bat sa amin bago kami iniwan. Pinanood namin siya na bumalik sa dalawang natirang kaklase namin na parehong babae. Hindi ko pa nakausap ang dalawang iyon at mukhang wala rin silang balak na makipagkilala sa amin. Kasama nila ang mga kaklase ni Soren sa Class of Veterans. It turned out na ipinahawak muna ang klase nila sa instructor namin dahil may lakad ang supposedly instructor nila. Poor guy Soren. "We should have just refused to run," reklamo ni Isla May habang pinagmamasdan ang mga kaklase namin na nagwa-warm up. Mukhang magsisimula na ang pisikal nilang pagsasanay nang wala kami. Sa kabilang parte ng field naman matatagpuan ang mga estudyante na may suot na pulang pang-itaas, definitely the Class of Experts. Lilima lamang ang mga ito at nakaupo ang mga iyon palibot sa dalawang estudyanteng nag-i-sparring. "That's the class of Carter, the hottest student in Kari," komento ni Isla May nang mapatingin din sa tinitingnan ko. Napalingon sa amin si Soren. "That's me? The hottest?" singit niya at saka ibinaling ang tingin sa mga pinapanood namin. "Carter, the blood manipulator, huh?" Napalingon ako sa kanya. "You know him?" tanong ko. Pero kaagad akong napalingon kay Isla May nang hampasin niya ako sa braso. "Everyone knows him, of course!" Parang kinikilig pa siya nang sabihin iyon. That homeless, Carter, is famous in Kari? Nasa genes ba ng mga Saige ang paging popular? Isa ring kilalang estudyante si Carson sa Blaire! "Why? Do you like him?" usisa pa ni Soren sa akin dahilan upang mapalingon ako sa kanya at tingnan siya nang masama. "Good for you! You are his new roommate, right?" nang-aasar pa na sabi nito. If this man tries to mess with my feelings again, I swear to gods, I'll break his darn soul. Bigla namang sumulpot sa harapan ko si Isla na mayroong ngiting nakakaloko. "Oh, I almost forgot about that! Do you think he likes you?" Hindi makapaniwala ko silang tiningnan. Nawiwindang ako sa mga sinasabi nila. "Yuck! Are you insane?" bulyaw ko sa kanilang dalawa. Nagulat pa sila sa biglang pagsigaw ko. Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili ko dahil baka mailayo ko ang mga kaluluwa ng dalawang 'to sa mga katawan nila. "Stop it, alright? Carter is—" Naputol ang sasabihin ko nang marinig namin ang pagtawag ni Instructor Kalvin sa aming tatlo. Patakbo kaming lumapit sa kanya na mag-isa na lang na nakatayo roon sapagkat nag-alisan na ang mga kaklase namin. Nang huminto kami sa harapan niya, matagal niya muna kaming pinagmasdan na tila ba nag-iisip. Pagkatapos ay bigla siyang napangiti na para bang may naisip na magandang ideya. "Follow me, troublemakers," aniya at tinalikuran kami. Nagkatinginan muna kaming tatlo bago kami sumunod sa kanya. Why are we troublemakers? It doesn't make any sense. Obvious naman na pinag-iinitan lang kami nito. Sinundan namin siya palabas sa Training Ground. Dinaanan namin ang mga puno na walang dahon, mga abandonadong gusali, at isang playground hanggang sa huminto siya sa tapat ng isang mataas na gusali. Ito lamang ang pinaka-mukhang disente sa lahat ng mga gusali rito sa Kari. Pumasok kaming apat sa gusali na iyon kung saan matatagpuan ang mga opisina ng mga guro at pati na ng direktor. Umakyat kami sa ikatlong palapag kung saan tanging ang opisina lang ng direktor at ang dalawang malalawak na silid ang makikita—ang mini auditorium at ang meeting room. Kumatok ang aming instructor sa pinto ng opisina ng direktor. Isang babae na may suot na asul na corporate attire ang nagbukas sa amin. Mahinhin itong bumati sa amin at pinapasok kami. "What brings you here, Instructor Kalvin?" tanong ng babae nang paupuin kami sa itim na couch just across the director's desk. Hanggang leeg ang itim na buhok ng babae at kapansin-pansin ang naglalakihan niyang mga pabilog na hikaw. "Good morning, Miss Dione. May idi-discuss lang ako sa direktor tungkol sa nalalapit na Sports Festival sa Blaire. Hindi ba't sa susunod na buwan na iyon?" nakangiting tugon ng instructor namin na napahaplos sa kanyang mahabang puting bigote. Ngumiti nang tipid si Miss Dione. "Alright then. The director will be here in a minute." Saka na nagtungo ang babae sa kanyang desk malapit sa pinto. Tulad ng sinabi ni Miss Dione, lumabas na nga ang direktor mula sa isang pinto ng silid na matatagpuan sa kanang parte ng kanyang desk. Inayos nito ang itim na tie na pinares niya sa itim na tuxedo. Mukhang dadalo ito sa isang party—nang ganitong oras? Umupo ang direktor sa kanyang desk kung saan nakalagay ang kanyang pangalan, Lohr Theus. Pinagmasdan ko ang mukha nito. Parang nasa mid thirties palang ito; he looks so young para maging direktor ng isang paaralan. Napatingin ang direktor sa aming tatlo at biglang napangiti. "Oh. You brought three interesting students with you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD