Nag-ayos na ako ng gamit ko para sa misyon ko mamayang gabi. Nasabihan ko na rin naman si Uncle Gramon na tinatanggap ko ang offer niya at pag-iisipan ko pa ang prize na gusto kong makuha. Wala naman akong nakitang pagtutol mula sa aking ama, malamang ay wala rin naman iyong pakialam sa kung anong mangyari sa akin, kaya tuwang-tuwa akong nag-impake. Binisita pa ako ni Carson sa aking silid habang nag-aayos ako na ikinabigla ko. Siguro ay narinig niya ang tungkol sa pagsama ko kay Uncle Gramon. Naupo siya sa dulo ng kama ko. "Are you sure you'll leave with uncle?" tanong niya habang hinahagis sa akin ang mga nakakalat na damit sa kama ko. "Delikadong lugar ang Atsa Country. You know that, right?" Ang Atsa Country ay matatagpuan sa kanlurang bahagi mula sa bayan ng Ligaya. Ito ang may pin

