"Stay away from my sister," narinig kong boses ni Carter sa lalaking balak akong i-mouth to mouth, malamang ay upang iligtas ako sapagkat nalunod ako sa creek at nawalan ng malay. Naguguluhan pa ako nang mga oras na iyon kaya ang nagawa ko lamang ay salitan na mapatingin sa dalawang lalaking nasa harapan ko. Tuluyan kong nasilayan ang mga mukha nila dahil sa lamparang dala ng kapatid ko. Ang lalaking nasa ibabaw ko naman ay dali-daling tumayo at dumistansya mula sa amin. Pamilyar ang mukha ng lalaki and it only took me a few seconds to recognize him. It is the famous mind manipulator in Kari, Tripp Ekker. "Chill, dude. I wasn't trying to harm her," aniya at saka bumalik ang kulay ng mga mata niya sa normal na kanina'y naging abo. I remembered him saying na nagbabago ang kulay ng mga mat

