Mahigit dalawang buwan na akong nandito sa Academy. Naging masaya naman ako sa loob ng mga araw na iyon kahit na mayroon pa ring kaunting kaba na baka sugurin ako ng aking ama rito, pero hindi naman iyon nangyari... thank, gods. Naging okay naman na kami ni Lincoln. Medyo nagtatalo pa rin paminsan-minsan dahil hindi namin maiwasan at talagang magkabaliktaran kami ng ugali, pero improving na ang samahan namin. Hindi ko lang talaga siya makausap pa tungkol sa kasal na tinutukoy nina Mr. Hemmo. Wala rin akong balak mag-desisyon at sumang-ayon lang sa kanila basta dahil unang-una, malayo pa ako sa tamang edad sa ganoong usapin at ikalawa, siguradong papatayin ako ng kambal kong mga Kuya at ang aking ama kapag nalaman niya ang tungkol doon. Yung tungkol din sa training, tuwang-tuwa si Sir Ash

