Going back sa eksena matapos sabihin sa amin ng pamilya ni Lincoln na gusto nila kaming ipakasal nang s*******n. Dalawang linggo na ang nakalipas at nag-iwasan talaga Lincoln. Naiinis din ako sa inaasta niya kaya hindi ko rin siya kinikibo. Nagkikita kami sa office kapag kakain o ipapatawag kami ng Uncle Lucio niya, pero hindi pa rin kami nag-uusap. "Hi, Presley!" Inangat ko ang ulo ko habang subo ko pa rin ang kutsarang hawak ko. Isang matangkad na lalaki na may maputlang balat ang nasa harapan ko ngayon at may hawak na tray. "Pwedeng maki-share?" Bahagya akong tumango at nagpatuloy na sa pagkain. "Ako nga pala si Tobi. Girlfriend ka ni Lincoln, 'di ba?" Natigilan ako sa sinabi niyang girlfriend. Tss! "Bakit hindi kayo magkasama?" "Bakit, ka-lahi ka rin ba ni Cloud? Crush mo si Linco

